Pagpasok nina Johnny Manahan at Mariole Alberto sa GMA Artist Center, “done deal” na -- source

by PEP Troika
Jun 11, 2021
Isang malaking balita ang napipintong paglipat ng dating Star Magic heads na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto sa GMA-7 kung saan pamamahalaan daw nila ang GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

May ipinarating na impormasyon ang isang reliable source sa PEP Troika: done deal na raw ang pagpasok nina Mr. Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto sa GMA-7.

Hindi lang idinetalye kung ano ang magiging partisipasyon nila sa GMA Artist Center, at kung ano ang mababago, pero malapit na raw itong i-announce sa media.

Napag-alaman namang next week ay ihaharap na sa media si Pokwang bilang bagong talent ng GMA Artist Center (GMAAC).

Maaaring doon na rin iaanunsiyo na bahagi siya sa bagong sitcom na Pepito Manaloto: Unang Kuwento.

Posibleng nandoon na rin daw sa GMAAC sina Mr. M at Ms. Mariole by that time.

May kinulit akong ilang GMA executives tungkol dito, at isa lang ang sumagot sa akin ng “Hintayin na lang natin kung magkaka-announcement [3 tongue out emoticon].”

Hindi lang ako sure kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero in-assure sa akin ng aming reliable source na tuloy na sina Mr. M at Ms. Mariole sa Kapuso Network.

Continue reading below ↓

Abangan na lang natin kung may mga pagbabago pa.

Samantala, tinanong ko na rin sa nakaraang mediacon ng All-Out Sundays kung may isasali na ba sa darating na Linggo na mga bagong lipat.

“Dadating po tayo diyan. Not this Sunday, but soon po, they’re lined up already,” sagot sa akin ng Senior Program Manager ng AOS na si Ms. Ruth Mariñas..

Lahat naman daw ay welcome, sabi ni Julie Anne San Jose.

Sabi naman ni Christian Bautista, “GMA welcomed me from ABS as well.

“I felt the love and care instantaneously and that should not stop me from welcoming others as well.

“I believe in this business, especially in this pandemic, na tulungan muna dapat tayo.

“Nakita ko in one of Pokwang’s IG na parang she’s just so happy that she has work.

“And nakita ko sa isang news article na si John Lloyd, got teary-eyed.

“Yung joy na yun, we want to celebrate that especially in AOS.”

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Kapuso na sina Pokwang, Beauty Gonzalez, at Kokoy de Santos.

Very much welcome kay Jennylyn Mercado na maging Kapuso si John Lloyd Cruz, na nakatambal niya sa pelikulang Just The 3 Of Us (2016).

Kung tuloy ang pag-entra ni Mr. M sa GMA Artist Center, malamang sa alamang na magbalik-Kapuso si Piolo Pascual.

Aba! Galing sa That’s Entertainment (1986-1996) si Papa P bago sumikat sa Kapamilya teleseryeng Esperanza (1997-1999), di ba?!

Si Bea Alonzo, tingnan natin kung kakagat ang Siete sa kanyang talent fee.

NOEL FERRER

“Hindi lahat ng tumatawid, namamatay.”

Ito ang nagtatak na sabi ng kaibigan nating Eugene Domingo. And truly, one will thrive lalo pa’t magaling at mabuti!!!

And I am really excited as to what Mr. M and Tita Mariole can do sa GMA Artist Center!

I have my highest respect for them in our industry.

This is truly an interesting time for show business. Despite the pandemic, ang challenge sa atin is not only to survive but thrive — and really LEVEL UP!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang malaking balita ang napipintong paglipat ng dating Star Magic heads na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto sa GMA-7 kung saan pamamahalaan daw nila ang GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results