Vilma Santos kabilang sa nominees for president, VP ng 1Sambayan sa 2022 elections

by PEP Troika
Jun 12, 2021
Kabilang ang Star For All Seasons at Batangas representative na si Vilma Santos-Recto sa pagpipilian ng partidong 1Sambayan para sa mga posisyong president at vice president sa 2022 elections.
PHOTO/S: PEP.ph

NOEL FERRER

Isang reliable source ng PEP Troika ang excited sa gagawing paglalahad ng 1Sambayan ngayong Sabado, June 12, ng kanilang nominees para sa President at Vice President.

Maliban kay VP Leni Robredo, isa sa mga confirmed na pagpipilian ay ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

From left field kumbaga ang nominasyon—hindi inaasahan.

Pero refreshing at nakatatak ang magandang performance ni Vilma bilang mayor ng Lipa, gobernador ng Batangas, at ngayo’y Congresswoman ng 6th district ng Batangas.

Ang iba pang pagpipilian ng partido ay sina Chel Diokno, Grace Poe, Antonio Trillanes IV, at Eddie Villanueva.

Mula sa atin sa PEP Troika, moving up, level up talaga ito para kay Ate Vi kung sakali!

Isang best actress, nasa destiny kaya niyang maging best public servant? Dapat lang!

Anuman ang mangyari, mahal natin si Ate Vi!!!

GORGY RULA

Noon pa man ay sinasabi na ni Congresswoman Vi na kapag pumapasok siya sa ganitong desisyon, humihingi muna siya ng sign mula sa Panginoon.

Continue reading below ↓

Hindi lang natin alam kung anong sign ang hinihintay niya ngayon.

May mga ilan pang pangalan ang lilitaw. Ang mahalaga, at sana araw-araw nating ipagdasal na bigyan tayo ng Panginoon ng nararapat na magsisilbi sa ating bayan.

Lalo na sa panahon ngayon, kailangan natin ng totoo at tunay na magbabago at makakaahon sa ating kinasasadlakan.

Sana, magising na ang sambayanan. Huwag na po sana tayong paglaruan ng tadhana.

JERRY OLEA

Takbo, Vilma, Dali! (1972) ang titulo ng pelikula ni Ate Vi, kung saan co-stars niya sina Miss Rita Gomez, Max Alvarado, Paquito Diaz, Romeo Rivera, at Ernie Garcia, sa direksiyon ni Joey Gosiengfiao.

Sa paggunita natin ng ika-123 Araw ng Kalayaan, ang hiyaw ng Vilmanians for All Seaaons ng iba pa nating mga kababayan:

“1… 2… 3… Takbo, Vilma, Dali!”


Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang Star For All Seasons at Batangas representative na si Vilma Santos-Recto sa pagpipilian ng partidong 1Sambayan para sa mga posisyong president at vice president sa 2022 elections.
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results