Michael V. nilinaw na Kapuso pa rin siya: "I still have a contract."

by PEP Troika
Jun 13, 2021
Michael V: “As per the ‘lipatan issue,’ I think it’s an 'Internet thing.' It’s as true as June being my birthday month and people are greeting me on social media without checking readily available facts.”
PHOTO/S: @michaelbitoy on Instagram

GORGY RULA

Nilinaw mismo ni Michael V. sa PEP Troika na Kapuso pa rin siya.

Taliwas ito sa ikinakalat ng iba na wala na raw kontrata ang comedian/singer/ director sa GMA-7. Kaya puwede na raw siyang lumipat sa ibang istasyon, at baka sumunod kay Ogie Alcasid sa Kapamilya Channel.

Pagkatapos mag-season break ang Pepito Manaloto, bahagi pa rin si Bitoy sa pansamantalang ipapalit ditong Pepito Manaloto: Unang Kuwento.

Involved siya sa pagbuo ng konsepto, at kahit hanggang sa promo nito ay kasama pa rin sila ni Manilyn Reynes.

Kaya sabi ni Bitoy nang naka-text ko ngayong Linggo, June 13, hindi siya pwedeng magtrabaho kung wala siyang kontrata sa Kapuso network.

Malinaw na may existing contract pa siya sa Kapuso network.

Text ni Michael V sa PEP Troika, “Yes, I still have a contract. It’s a network protocol. Hindi naman ako makakagawa ng show nang walang kontrata.”

Naaliw naman ako sa sagot niya kaugnay sa isyung may balak siyang lumipat ng ibang network.

Continue reading below ↓

Ani Bitoy, “As per the ‘lipatan issue,’ I think it’s an 'Internet thing.'

“It’s as true as June being my birthday month and people are greeting me on social media without checking readily available facts.”

NOEL FERRER

Cleared and clarified by Bitoy mismo!

Ang ibig din lang sabihin nito, naaayon na ngayon kay Bitoy ang desisyon ng pagpili ng projects na gagawin niya at kung paano.

Mula rin kasi sa pagkakaroon niya ng COVID, maiintindihan natin kung mag-iingat si Bitoy sa nga protektong gagawin niya.

Katulad ng nasabi ko na rito, Bitoy has invested on really hi-tech equipment—as in kumpleto na parang one-stop-shop na. Pwedeng doon na niya gawin ang mga shoot at taping for any content or even commercials. Ang galing, di ba?

Bilang kaibigan ni Bitoy at ng pamilya, nandito lang tayo para suportahan siyang lagi!!!

JERRY OLEA

Kapuso pa rin si Michael V.

Wala tayong naulinigan na susunod siya kina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon sa pag-oober da bakod.

Continue reading below ↓

Ang nahiwatigan natin noon, gusto munang magbawas ng work load ni Bitoy. Kaya hindi tayo nagulat o nagtaka na nag-season finale ang Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento.

Sa mga humahabi at nagkakalat ng mga huwad na kuwento tungkol kay Michael V, bahala na sa inyo si Carmina Buraot.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V: “As per the ‘lipatan issue,’ I think it’s an 'Internet thing.' It’s as true as June being my birthday month and people are greeting me on social media without checking readily available facts.”
PHOTO/S: @michaelbitoy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results