Trese, No. 1 na sa Netflix; Ang Babaeng Walang Pakiramdam, damang-dama sa Vivamax

by PEP Troika
Jun 13, 2021
Kim Molina (left) has another hit with Ang Babaeng Walang Pakiramdam, while Liza Soberano (right) is the voice of the main character in the Pinoy animated series Trese.
PHOTO/S: Viva Films / Netflix

JERRY OLEA

Nag-umpisa ang streaming ng pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam (ABWP) at animated series na Trese nitong Hunyo 11, Biyernes.

Nag-streaming ang ABWP sa Vivamax, KTX, iWant TFC, at TFC IPTV.

Bida sa ABWP si Kim Molina, sa direksiyon ni Darryl Yap. Follow-up ito sa sleeper hit na #Jowable (2019), na bida si Kim with Darryl Yap as director.

Post ni Direk Darryl sa Facebook nitong Hunyo 12, Sabado, nagising siya sa tawag ng kanyang boss (Vic del Rosario).

Aniya, hindi na nag-good morning sa kanya si Boss Vic, bagkus ay agad nag-congrats.

Post ng Vivamax nitong Sabado ng hapon, “Hindi halata pero, opo, tuwang-tuwa si Tasha dahil 'Ang Babaeng Walang Pakiramdam' is the biggest movie on Vivamax to date!! Nengyu pu!”

Ang nasabing tweet ay pinost ng Viva Films sa Facebook at Instagram nitong Hunyo 13, Linggo.

Continue reading below ↓

Ni-repost iyon ni Direk Darryl sa Facebook kaakibat ang mensahe, “Maraming Salamat po! sa kabila ng piracy at kung anu-anong kaputang inahan, narito tayo, nagtatagumpay…”

Tabi-tabi po…

Sa Netflix nag-streaming ang six-episode Trese, kung saan tampok ang boses ni Liza Soberano sa original Tagalog dub bilang bidang si Alexandra Trese.

“I can’t believe Trese is about to premier. This is my first time watching it in it’s entirety too,” tweet ni Liza noong Huwebes ng 11:03 p.m.

“Ay maganda ang #Trese sa Netflix,” shout out ni John Lapus noong Biyernes sa Facebook.

Nitong Sabado ng gabi ay nag-No. 1 na ang Trese sa talaan ng Top 10 na pinakapinapanood sa Netflix Philippines.


Continue reading below ↓

Bahagi ng FB post ng writer-actor-composer-musical director na si Vincent de Jesus: “TRESE on Netflix was such a thrill to watch. It was such a fun ride, being a huge horror fan myself. LOVED THE ANIMATION. Tiyanak, kapre, aswang, nuno, sigben and Babae sa Balete Drive in anime? Come on! WHAT’S NOT TO LIKE???

“Congratulations to Apollo Sheikh Abraham for voicing Captain Guerrero, Eugene Adalia as Anton Trese, Christian Velarde as Nuno and Rene Tandoc as Mayor Santamaria. Astig niyo, mga Senyor!

“Para sa akin, sakto lang naman yung mala-Jacklyn Jose, stoic voice acting ni Liza Soberano which worked in contrast with the frantic noise, violence and gore of the series.

“Her voicing of Alexandra actually kinda reminded me of David Duchovny’s cold and almost unaffected Mulder in X-Files (X-Files freak here!)) — which added mystery to Fox’s character.”

Pinuri ni Vincent ang fabulous writing team nina Mihk Vergara, Tanya Yuson, at Zig Marasigan.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Vincent, “What a powerful musical score --- my favorite was the chanting in the Balete tree theme which was also the OBB music.

“I'd also like to point out that it was somehow a relief, at least for me, that the composers didn't go the usual and predictable route of overdoing the use of traditional Filipino instruments in the score.

“Minsan kasi mas nagiging 'for effect' na lang yung tunog ng traditional instruments rather than function and/or enhancing the mood and intention of the scene. (Laking pasalamat ko na wala akong narinig na kubing. Kung meron man, malamang nalunod na ng sigawan ng mga mumu at aswang.)

“I'll watch it again tomorrow with the English language dub. Check ko lang kung pareho sila ng ending ng Pinoy language version. Cheret.

“At ang cute nina Crispin at Basilio. Huwag na huwag na huwag niyo silang papatayin dahil kakainin ko ang mga atay niyo, Base at Netflix.”

Continue reading below ↓

Noong Biyernes din nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang Trese After Dark at Lupin: Part 2.

NOEL FERRER

I have finished the first 3 episodes of Trese on Netflix.

Nakaka-proud lang talaga na napapanood ng buong mundo ang graphic novel na hindi lang Pinoy ang may gawa kundi kuwentong Pinoy ang ipinalalabas!

Nakaka-proud ang team ng student kobg si Budjette Tan na writer/creator ng Trese for making history here.

We are actually looking at our stories being shown to the world. We are watching a passion project na higit pa sa mai-imagine natin. We are watching years of hard work ng mga tao nangarap makagawa ng content na maipagmamalaki ng mga Pinoy!

Kudos to Liza Soberano na hindi man naging Darna ay naging hero of some sort sa pang-international series na ito.

And yes, sa ang aking talent na si Atom Araullo, thank you for giving credence to this laudable project by anchoring its Countdown and Trese After Dark special sa Netflix.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang suwerte ni Kim Molina sa mga pelikulang pinagbidahan niya.

Sayang at wala pang mga sinehan. Kung nagkataon, another box-office hit na naman sana ito para kay Kim, at kasama pa ang boyfriend niyang si Jerald Napoles.

Maganda kasi ang trailer ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam, kaya ang daming na-curious na panoorin.

Nasilip ko itong Trese at natuwa ako, dahil kaya pala nating gumawa ng ganitong animated series.

Kinarir daw ito ni Liza Soberano, dahil kailangan talaga ang voice acting. Challenge pa sa kanya dahil Tagalog ito.

Aminado ang Kapamilya actress na mas kumportable siya sa English kaya pinaghandaan niya ito nang maigi. Tagalog daw ang pakikipag-usap niya sa kanyang mga kasama sa bahay at pati sa boyfriend na si Enrique Gil.

Malaki rin daw ang tulong ng voice coach ni Liza, kaya nagawa niyang maayos ang pag-dub ng Tagalog.

Nawa’y masundan itong Trese ng mas maganda pang Pinoy animated series.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina (left) has another hit with Ang Babaeng Walang Pakiramdam, while Liza Soberano (right) is the voice of the main character in the Pinoy animated series Trese.
PHOTO/S: Viva Films / Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results