Kapuso lovebirds Ruru and Bianca, Barbie and Jak matagal di magkikita dahil sa lock-in tapings

by PEP Troika
Jun 14, 2021
Dahil sa lock-in tapings, matagal hindi magkikita nang personal ang Kapuso lovebirds na sina Bianca Umali at Ruru Madrid (kaliwa) at sina Barbie Forteza at Jak Roberto (kanan).
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Work ang mahalaga sa magkasintahang Ruru Madrid at Bianca Umali.

Nakakapag-adjust na ang dalawa kahit matagal silang hindi magkikita dahil pareho silang masasalang sa lock-in taping.

Matagal nasa lock-in taping ng Legal Wives si Bianca, at nagkaroon lang sila ng break ng ilang linggo pero nakatakda rin silang bumalik.

Si Ruru naman ay kasado na rin sa lock-in taping ng Lolong.

Kumusta ang adjustment nilang dalawa ngayong hiwalay sila dahil sa lock-in taping?

“Kami naman pong dalawa, ang number one priority is work,” pakli ni Ruru nang nakatsikahan namin sa virtual mediacon ng All-Out Sundays noong nakaraang linggo.

“Right now, parehas kami nabibigyan ng magagandang projects, that’s why naka-focus kami dito.

"But at the same time, hindi namin napapabayaan ang mag-usap kahit papaano.

"But doon po sa dapat right on time, yung 'you do this, you do that,' wala naman po kaming ganun," dagdag niyang pahayag.

Hindi raw isyu sa kanila ang matagal na hindi nagkikita. Nagkakaintindihan daw sila na dapat i-prioritize ang trabaho.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Ruru, “I guess, dapat lang na maging understanding kahit naman sino sa relationship na nagla-lock in, kasi we’re not there to enjoy and magbakasyon. We’re there to work.”

Kagaya ng matagal na ring magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto, masaya ang Kapuso Primetime Princess na bumalik na sa taping si Jak.

Kaya okay lang daw na matatagalan bago sila magkita uli. Nandiyan daw ang mga bagong technology na nag-uugnay sa kanilang dalawa.

“Video calls and 100 percent trust,” napapangiting sabi ni Barbie.

“Pero more than that, I am so happy for Jak, kasi finally may show na siya ulit. Sobrang na-miss niya umarte.

“Lagi niya nakukuwento sa akin, excited na siyang mag-taping, excited na siyang umarte ulit.

"I am very happy for him and yun lang naman ang adjustments—ang tiwala and internet connection,” sabi pa ni Barbie.

NOEL FERRER

Tama iyan, work, work, work…

At least, Ruru and Bianca are both in very major projects to up their premiums.

Continue reading below ↓

Ang alam ko pa nga, meron pang ilang araw na natitira kay Bianca sa kanyang HBO project with Mik Red. Ang galing!

So, you mean, indirectly, may pag amin na rin kay Ruru sa interview mo, Tito Gorgy, that they are a couple?

Well, kailangan pa bang i-memorize yun? Love them both!

JERRY OLEA

Buti naman at may bagong work si Jak.

Ang kasintahan niyang si Barbie ay Kapuso Primetime Princess. Ang sister niyang si Sanya Lopez, ratsada sa First Yaya.

Nawa’y mag-level up ang career ni Jak.

Buti rin at magte-taping na si Ruru sa Lolong, kung saan co-stars niya sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Tinanggal si Sanya sa Lolong para magbida sa First Yaya.

Sikat na sikat na si Sanya bilang Yaya Melody, at magtatapos na ang First Yaya, pero ngayon pa lang mag-uumpisa ang lock-in taping ng Lolong.

Last year pa naghanda sa fight scenes ng Lolong si Ruru, at ang pumalit kay Sanya na si Shaira.

Continue reading below ↓

Sana nga, the long wait for Lolong is over.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa lock-in tapings, matagal hindi magkikita nang personal ang Kapuso lovebirds na sina Bianca Umali at Ruru Madrid (kaliwa) at sina Barbie Forteza at Jak Roberto (kanan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results