Watch Now

Kitkat, nakaranas umano ng pambu-bully kina Anjo Yllana at Janno Gibbs; Anjo, ayaw nang palakihin ang isyu

by PEP Troika
Jun 16, 2021
"Pero siyempre po, sa six months na yun, dahil talagang sila ang mag-best friend, alam mo yung feeling na pinagkakaisahan po ako? Ganun po yung feeling," saad ni Kitkat tungkol sa dating Happy Time co-hosts na sina Janno Gibbs at Anjo Yllana.
PHOTO/S: @jannolategibbs Instagram / Kitkat Facebook

GORGY RULA

Ayaw nang palakihin pa ni Anjo Yllana ang mga huling pahayag ni Kitkat nang nakapanayam namin ang sexy comedienne sa DZRH noong nakaraang linggo.

Sabi kasi ni Kitkat, madalas umano siyang pagtulungan nina Anjo at Janno Gibbs sa loob ng anim na buwan niyang hosting stint sa Happy Time.

Umuuwi raw siyang umiiyak dahil sa diumano'y pambu-bully ng dalawa niyang co-hosts.

Kuwento ni Kitkat, "Actually, una po akong nabu-bully ni Kuya Anjo, pero nag-sorry po siya nun, e.

"Pinag-sorry po siya sa akin, tapos ako naman po, okay po ako, and in good faith na talagang malinis na puso na nakita ko naman pong talagang nag-sorry siya.

"Pero siyempre po, sa six months na yun, dahil talagang sila ang mag-best friend, alam mo yung feeling na pinagkakaisahan po ako? Ganun po yung feeling."

Parehong natanggal sina Kitkat at Janno sa naturang Net 25 noontime show matapos ang kontrobersiyal nilang alitan noong Pebrero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kasi natupad nina Kitkat at Janno ang kondisyong magkaayos sila bago makabalik ng Happy Time.

Pero bago pa nangyari ang gulo nina Kitkat at Janno, pinag-iisipan na raw ni Kitkat mag-resign dahil sa napagkakaisahan umano siya ng kanyang dalawang co-hosts.

Paliwanag ni Kitkat: "Actually, kaya lumabas minsan na ilang buwan na akong nagre-resign din. Bago nangyari po yun, ayoko na po talaga.

"Kapag nagdadasal po ako, sinasabi ko na siguro kailangan sigurong mangyari sa akin yun na talagang makawala."

Ayon pa kay Kitkat, hindi na big deal sa kanya kung anuman iyong insidente na tingin niya ay na-bully siya ni Anjo.

"Wala naman po akong sama ng loob. Ako na lang po ang lumalayo.

"Kumbaga sa mga bata, lumayo ka na lang sa disgrasya. Kumbaga, para di ka masagasaan, huwag kang tatawid."

Bukas din daw si Kitkat sa posibilidad na makatrabaho uli si Anjo. Pero ayaw na raw talaga niyang makasama sa trabaho si Janno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diretsong pahayag ni Kitkat, "Si Janno po kasi, may takot na ako sa kanya, e.

"Kumbaga, hindi na tao minsan ang nakikita ko sa kanya. Takot na ako sa kanya."

Noong kasagsagan ng isyu, lumala raw ang kanyang dating post-traumatic stress disorder gawa ng nangyari sa kanila ni Janno.

Pero medyo okay na raw si Kitkat ngayon pagkatapos niyang dumaan sa therapy sessions.

Nakausap naman ng PEP Troika si Anjo nitong Martes ng hapon, June 15.

Para kay Anjo, walang malalim na dahilan kung bakit nangyari ang sigalot sa pagitan nina Kitkat at Janno.

Tingin niya ay maaayos pa rin yun, basta huwag na raw sanang buhayin pa ang matagal nang isyu.

Sabi ni Anjo: "Tingin ko naman kasi diyan, magkakaayos pa rin 'yan.

"Maliit lang ang mundo ng showbiz, pwedeng magkatrabaho uli.

"Mas mabuting yun na lang ang isipin natin, huwag na ang mga negativity."

Noong Lunes ay mga bagong episodes na ang napapanood sa Happy Time, at naganap daw ang taping nila sa Philippine Arena sa Santa Maria, Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas safe daw doon at maraming magagandang lugar na pwedeng gamitin para sa Happy Time.

Kasama ni Anjo sa noontime show sina Dingdong Avanzado, Boobsie, at CJ Hirro.

JERRY OLEA

Mapaghihilom ng panahon ang hidwaan nina Kitkat at Janno.

May kani-kanya silang career, at hindi sila nauubusan ng raket.

At tuluy-tuloy pa rin ang pagpapasaya ng Happy Time sa NET 25!

NOEL FERRER

At para maghilom ang sugat, makakatulong kung hindi na uukilkilin ang kirot para hindi na masagi at lumalim ito.

The less said about it, the better. Para walang ibang interpretasyon at may hinga— para kabutihan na lang ang mamayaning feeling.

Maalis na sana itong bagaheng ito kay Kitkat at kung sinupaman ang apektado sa isyung ito para makapag-move on at move forward na lahat!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pero siyempre po, sa six months na yun, dahil talagang sila ang mag-best friend, alam mo yung feeling na pinagkakaisahan po ako? Ganun po yung feeling," saad ni Kitkat tungkol sa dating Happy Time co-hosts na sina Janno Gibbs at Anjo Yllana.
PHOTO/S: @jannolategibbs Instagram / Kitkat Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results