Sef Cadayona at Mikee Quintos, kumpirmadong bida sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento

by PEP Troika
Jun 16, 2021
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Ini-announce sa 24 Oras nitong Hunyo 16, Miyerkules, na sina Sef Cadayona at Mikee Quintos ang mga bida bilang young Pepito at young Elsa sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento.

Magkahalo ang sobrang saya at kaba ng dalawa na ipinagkatiwala sa kanila ang iconic roles.

Sabi ni Mikee, sa storycon ay nakausap nila sina Michael V at Manilyn Reynes na very supportive sa kanila.

Follow-up project ito ni Mikee sa seryeng The Lost Recipe, kung saan kasama si Manilyn.

Buwag na ang MiKel tandem ni Mikee at ka-partner niya sa The Lost Recipe na si Kelvin Miranda.

Dahil din sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, hindi na-extend ang Game of the Gens kung saan host si Sef.

Produkto si Sef ng StarStruck Season 5 (Nobyembre 2009-Pebrero 2010).

Tinagurian si Sef na male version ni Sheena Halili dahil laging sidekick ang papel niya.

This time, hindi na sidekick si Sef. Siya na ang bida, title role pa!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Bukod kina Sef at Mikee, nagsimula na ring mag-promote sa ibang probinsiya ang ilan pang artista na bahagi sa bagong sitcom na ito.

Nagkaroon na ng virtual Kapuso fans day ngayong araw sa Davao, Cebu, Pangasinan, at ilan pang probinsiya ang dalawang bida kasama sina Gladys Reyes, Archie Alemania, Kristoffer Martin, Edgar Allan Guzman, Jay Arcilla, at Denise Barbacena.

Hindi pa kasali si Pokwang, na ipapakilala pa lang sa Biyernes, June 18, bilang bagong Kapuso at talent ng GMA Artist Center.

Si Kokoy de Santos naman ay makakatsikahan namin ngayong gabi sa aming programang Showbiz Talk Ganern sa DZRH.

Dumadaan muna sila sa safety protocols kung saan nag-antigen swab test na sila at magpapa-quarantine ng ilang araw. Magpapa-RT PCR test din sila bago isalang sa ilang araw na lock-in taping.

May partisipasyon pa rin dito sina Michael V at Manilyn Reynes, na all-out din ang pagtulong sa promo at paghahanda sa taping.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Finally, sana ito na ang proyektong tatatak kay Sef Cadayona lalo pa’t he had to give up a show like Game of the Gens for this new assignment.

Good luck, Sef! And all the best sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento!

Kakatwa lang na ang makakatapat ni Sef ay ang napagkakamalang kapatid at idol niya dahil kamukha niyang si Joross Gamboa.

Maipalalabas na sa Kapamilya Channel ang Hoy, Love You ng talent kong si Joross with Roxanne Guinoo kasama rin si Dominic Ochoa, Pepe Herrera, Carmi Martin, at iba pa.

Napaka-successful ng first run nito sa IWantTFC kaya nagte-tape na sila ngayon ng Season 2 ng sitcom sa Batangas.

Magandang alternative ito na mga content na magpapagaan ng ating loob ngayong pandemya.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results