Mayor Isko Moreno nakaharap na ang mga bida ng kanyang biopic na sina Xian Lim at McCoy de Leon

by PEP Troika
Jun 18, 2021
Excited na si Manila Mayor Isko Moreno (gitna) na makita ang kabuuan ng Yorme: The Musical, ang kanyang biopic na pinagbibidahan nina Xian Lim (kaliwa) at McCoy de Leon (kanan). Pagsusuma ng alkalde sa kanyang talambuhay, "Pwede bang mag-excel, yung from artista na walang talent? Tapos nung nag-artista, hinone yung opportunity, na-nurture niya yung opportunity."

GORGY RULA

First time nagkita sina Xian Lim at McCoy de Leon nitong Hunyo 17, Huwebes, sa Manila City Hall.

Parehong gumaganap sina Xian at McCoy bilang Mayor Isko Moreno sa pelikulang Yorme: The Musical, na dalawang shooting days na lang ang natitira.

Ngayon lang gumawa ng musical film sina Xian at McCoy, na pinag-aralan muna at ini-record ang mga kakantahin nila sa pelikula.

Natuwa si Mayor Isko nang magkita silang tatlo sa kanyang tanggapan. Na-excite daw si Mayor Isko nang nalaman niyang malapit nang matapos ang principal photography ng pelikula.

Sabi ni Mayor Isko, "I'm honored and grateful to them. Thank you sa kanilang dalawa. I’m excited to see the end of the project.

"I trust the production… I gave them, at least, the full account, what transpired [in my life] from basurero to mayorship.

"In these trying times, people are very sad, challenged and threatened by the health issue of our country and the world.

Continue reading below ↓

"And I hope this project may at least, in one point or another, give hope na pag nagpupursige ka sa buhay, may awa ang Diyos, na makakaraaos ka rin kahit papaano at napagtagumpayan mo pa."

Nilinaw ng Manila mayor na hindi niya pinakialaman ang script. Wala raw siyang pinatanggal na kahit ano dahil alam naman ng lahat ang buhay niya.

"I trust the artistic value—talent of the writer, the team, and the director. And I trust them also to pick the characters na mag-portray [ng buhay ko].

"Siyempre, galing din naman ako sa showbiz… I don’t wanna give a hard time to the production. They have all the liberty."

Ang gusto lang daw niya, mapanood sa pelikulang ito ang buong katotohanan tungkol sa mga dinaanan niyang pagsubok sa buhay.

Paliwanag ni Isko: "Yung transition and yung challenges dun sa transition. Halimbawa, pwede bang mag-artista yung isang basurero?

"Tapos, nabigyan ka ng pagkakataon sa pag-artista. Pwede bang mag-excel, yung from artista na walang talent? Tapos nung nag-artista, hinone yung opportunity, na-nurture niya yung opportunity.

Continue reading below ↓

"Then napansin ninyo, 'Ahh, posible pala...' Making a name for himself with the help of the environment in showbiz."

Ang Yorme: The Musical ay isinulat at idinirek ni Joven Tan para sa Saranggola Media Productions.


JERRY OLEA

Na-enjoy ni McCoy ang shooting sa Tondo, Manila. Taga-Tondo raw kasi si McCoy.

Continue reading below ↓

Kahit drama raw ang eksena, pinapalakpakan si McCoy ng mga nanonood.

Kapana-panabik ang dynamics nila ni Janno Gibbs na gumanap bilang si German Moreno, aka Kuya Germs. Ang pumanaw na Master Showman ay tatay-tatayan noon ni Isko.

Isa si Isko sa Magnificent 7 ng That’s Entertainment, remember?

Siyempre, aabangan din natin kung keri ni McCoy na magpa-sexy. Naghubad kasi noon si Isko sa mga pelikula at pictorial ng Seiko Films.

Ginamit pa iyon noon ng mga kalaban ni Isko sa pelikula. Nag-boomerang iyon sa mga kalaban ng butihing mayor ng Maynila!

Sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino entry na G! ay pa-tweetums si McCoy.

Iyong co-actors niya, pwetmalu, pero siya, killjoy?!

Siyanga pala, balak ng Saranggola Media Productions na isali sa MMFF 2021 ang Yorme: The Musical.

Tsika ng insider, "Mismong si Mayor Isko ang nagsabi na February pa bawal ang mga ganoon at walang electioneering ang buhay niya."


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Unti-unti na nating nakikita ang pag-iiba ng mga content ng mga social at mass media platforms—kasama na rito ang pelikula—na maaapektuhan ng paghahanda sa election.

Sa puntong ito, it’s a tie sina Senator BATO at Yorme ISKO sa pagkakaroon ng biopic.

Hindi man nakabawi sa takilya ang pelikulang BATO, nanalo sa eleksyon ang may istorya.

Ito rin kaya ang kahihinatnan ni Yorme Isko? Abangan!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excited na si Manila Mayor Isko Moreno (gitna) na makita ang kabuuan ng Yorme: The Musical, ang kanyang biopic na pinagbibidahan nina Xian Lim (kaliwa) at McCoy de Leon (kanan). Pagsusuma ng alkalde sa kanyang talambuhay, "Pwede bang mag-excel, yung from artista na walang talent? Tapos nung nag-artista, hinone yung opportunity, na-nurture niya yung opportunity."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results