Direk Bobot Mortiz at John Lloyd Cruz, nag-walkout sa vaccination site dahil kay Direk Joey Reyes?

by PEP Troika
Jun 18, 2021
Ayon sa isang source ng PEP Troika, tumanggi umano si Direk Bobot Mortiz, kasama si John Lloyd Cruz, nang hiniling daw ni Direk Joey Reyes (kanan) na kunan sila ng video message pagkatapos silang mabakunahan sa MMDA office kahapon, June 17.
PHOTO/S: @direkbobot on Instagram / @direkjoey on Instagram

GORGY RULA

Puspusan na ang vaccination program para sa film workers na isinasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa tulong ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund).

Malaking bagay na nakikita ng mga taong nagpapabakuna ang mga artista, at maaaring maenganyo na rin silang magpabakuna.

Ang daming natuwa sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil talagang sumunod sila sa proseso, pumila sa bakunahan, at pagkatapos maturukan ay nag-post sa kani-kanilang social media.

Tuloy, may mga fans na nakumbinsing magpabakuna na rin. Kaya maganda ring ipinu-post ng mga kilalang artista ang kanilang pagpapabakuna.

Ang iba ay hinihingan ng video message para i-endorse ang vaccination laban sa COVID-19.

Iyan ang ginagawa ngayon ng MMDA, MMFF, at Mowelfund sa kanilang vaccination program. Pagkatapos mabakunahan ang mga artista ay hinihingan sila ng video message para kumbinsihin ang taumbayan na magpabakuna na.

Pero may isang insidente umanong nangyari sa MMDA nitong Huwebes, June 17.

Continue reading below ↓

Ayon sa aming source na nakasaksi sa pangyayari, nag-walkout umano si Direk Bobot Mortiz, kasama si John Lloyd Cruz, nang hiniling daw ni Direk Joey Reyes na kunan sila ng video message pagkatapos silang mabakunahan.

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, nang nag-request si Direk Joey na kunan sila ng video message, sinagot umano siya ni Direk Bobot na wala naman daw ito sa usapan.

Kaagad daw tumayo at umalis si Direk Bobot. Sumunod daw si John Lloyd Cruz kay Direk Bobot na umalis sa MMDA office.

Ito kaya ang tinutukoy sa shout-out ni Direk Joey sa Facebook: “RESPECT BEGETS RESPECT. Treat me like shit and I will treat you like toilet paper.”

Continue reading below ↓

Bukas ang PEP Troika sa paliwanag ni Direk Bobot Mortiz.

Sinubukan kong hingan ng sagot si Rambo Nuñez ng Crown Artist Management na siyang nagha-handle kay John Lloyd. Wala pa siyang sagot sa iniwan kong mensahe sa kanyang messenger.

NOEL FERRER

Beteranong direktor si Direk Joey at alam niya ang kalakaran ng ating industriya.

Ginagawa niya itong info campaign nang walang bayad kasama ng kanyang mga estudyante—all in the name of public service.

Nang maganap yung nangyari kahapon, he felt for the staff who did due diligence at sumunod lang sa napagkasunduan. Nasa isang grupo ang miscommunication.

Sa huli’t huli, nagpadala naman si JLC ng isang mensahe ng paghihikayat sa publiko ukol sa pagpapabakuna.

Mas marami pang ibang established actors and actresses at personalidad ang inaasahang makikiisa sa cause na ito. Hindi ito para indahin ni Direk Joey.

Mas mahalaga ang adhikain at ang kabutihang maidudulot nito kaysa sa balakid na naransan nila sa proseso.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Sa nasabing Facebook shout-out ni Direk Joey, nagtanong si Direk Erik Matti, “Sino kaaway mo Direk?”

Tugon ni Direk Joey, “It takes all kinds to make a world. I just cannot tolerate entitlement if it affects a lot of people.”

Naka-chat ko si Direk Joey this Friday afternoon, June 18.

Tahasan niyang itinanggi na si Direk Bobot ang pinarunggitan niya sa Facebook shout-out niya.

“Naku, hindi sila nag-walkout sa vaccination,” sabi ni Direk Joey.

“Hindi lang sila pumayag magpa-video dahil wala raw sa usapan. That much is true.

“There was a miscommunication there. Wala raw sa usapan... so we did not shoot.

“Nandoon lang ang staff ready to shoot. There is a call to action na talking head we are preparing to edit and distribute sa social media platforms.

“Nag-message lang si Lloydie.”

Kabilang sa celebrities na nagpa-video upang hikayatin ang mga taong magpabakuna ay sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Siyanga pala, sa nakaraang hearing sa Senado ng Committee of Whole, kung saan dumalo ang IATF at ang vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez, tinanong ni Senator Bong Revilla si Galvez hinggil sa vaccination rollout na isasagawa para sa mga bata.

Kailangan daw gawin ito kung itutuloy ang face-to-face classes sa mga bata sa pagbubukas ng klase.

Sinabi kasi ni Galvez na sa fourth quarter ng taong ito ay posibleng simulan na ang pagbabakuna sa mga bata.

Kasalukuyan na raw inaaral kung pwede ang Pfizer sa mga 12 hanggang 15 taong gulang; ang Sinovac sa tatlo hanggang 17 taong gulang; at ang Moderna sa 12 hanggang 17 years old.

Siyempre, sisimulan na rin ang pagbabakuna sa mga guro bilang paghahanda sa face-to-face classes.

Umaayon na rin Bong na dapat ay bakunado na ang lahat, mula sa mga artista hanggang sa production staff, na nagtatrabaho sa mga taping at shooting.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang source ng PEP Troika, tumanggi umano si Direk Bobot Mortiz, kasama si John Lloyd Cruz, nang hiniling daw ni Direk Joey Reyes (kanan) na kunan sila ng video message pagkatapos silang mabakunahan sa MMDA office kahapon, June 17.
PHOTO/S: @direkbobot on Instagram / @direkjoey on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results