Ang Probinsyano, hindi pa matitibag sa ere; First Yaya girls, forever friendship ang nabuo

by PEP Troika
Jun 18, 2021
Taliwas sa mga bali-balita noon na patapos na ang FPJ's Ang Probinsyano (left), pinaghahandaan ng creators ng show ang dalawang cycle ng lock-in taping. Sa tindi ng bonding ng First Yaya cast (right) members, posible kayang magkaroon ng Book 2?
PHOTO/S: FPJ's Ang Probinsyano / @ilovekaye Instagram

JERRY OLEA

Habang nalalapit ang pagwawakas ng Kapuso primetime series na First Yaya, lalong nagiging kapana-panabik ang mga kaganapan dito.

Nagpasulsol si Edna (Sandy Andolong) kay VP Luis Prado (Gardo Versoza), at nagpasyang kasuhan ang maglolang sina Blessie (Pilar Pilapil) at Nina (Cassy Legaspi).

Wala na bang puwang ang pagpapatawad sa puso ni Yaya Melody (Sanya Lopez)? Tuluyan na bang magkakalayo sila ni PGA (Gabby Concepcion)?

Pakisagot, Pepita (Kakai Bautista) at Norma (Cai Bautista)!

Hanggang Hulyo 2, Biyernes, na lang ang First Yaya, na napapanood Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Samantala, sisingilin na ni Cardo Dalisay (Coco Martin) si Lito (Richard Gutierrez) sa paghuhudas nito sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Dahil kay Lito, napatay ng Black Ops ang asawa ni Cardo na si Alyana (Yassi Pressman).

Mula sa pagtatago nila sa bahay ni Lia (Jane de Leon), susugurin ni Cardo at ng Task Force Agila ang mansyon ni Lito upang pagbayarin ito sa mga kasalanan.

Kailangan pa ring mag-ingat ng buong grupo dahil mas umiigting ang paghahanap sa kanila ng Black Ops team sa pangunguna ni Major Albert (Geoff Eigenmann), ang kasintahan ni Lia na gigil nang mapatay si Cardo.


Continue reading below ↓

Napapanood ang mga maaaksyong eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano Lunes hanggang Biyernes ng gabi, sa Kapamilya Channel.

Umeere rin ito sa A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel, Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

GORGY RULA

Ang nakakatuwa sa grupo ng First Yaya, tuluy-tuloy ang communication at bonding ng grupo ng First Yaya girls kahit sa likod ng camera.

Iyon daw talaga ang pangako nilang lahat na walang mababago at dapat tuluy-tuloy ang friendship. Kahit si Gabby Concepcion ay ka-bonding din si Sanya Lopez sa kanyang beach house sa Batangas.

Obvious na bitin talaga sila sa isang season na ginawa nila sa drama series na ito.

Kaya may pahaging na sana, magka-book two. Pwede naman talaga, at marami pang magagawa sa kuwento nina President Glenn Acosta at Melody.

Continue reading below ↓

Sa FPJ’s Ang Probinsyano naman ay mukhang matagal pa itong matatapos. Pinaghahandaan na pala ang 8th at 9th lock-in taping.

Lately, nag-viral ang eksena ni Coco with Christian Vazquez na nabubulol siya, at pinaglaruan yun sa TikTok at Facebook. Mukhang nakatulong naman iyon sa teleserye niya.

At kahit mabulol pa si Coco sa bawat episode ng FPJ’s Ang Probinsyano, hindi matatawaran ang layo na ng narating ng teleseryeng ito.

NOEL FERRER

I got that too!!! Hindi pa magtatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano!!! Not yet!!! This just in! May 9th cycle pa sila by September.

At ang maganda, mas protektado ang mga FPJ’s Ang Probinsyano cast members dahil pinapayagan silang maturukan ng kanya-kanyang bakuna.

We saw Angel Aquino sa Marikina at the start of the week. Then, kahapon lang, nagka-first jab na rin sina Lorna Tolentino and Ara Mina—na parehong kasama pa rin sa susunod na taping cycle. Ang saya!!!

Siguro, hinihintay pa ang papalit na show sa FPJ, Ang Probinsyano. Hindi naman siguro Mars Ravelo’s Darna: The TV Series muna dahil kasama pa si Jane de Leon hanggang ending ng landmark teleseryeng ito!

Continue reading below ↓

Malamang na iyong The Broken Marriage Vow ang pumalit sa Huwag Kang Mangamba.

Ano kaya ang papalit sa FPJ’s Ang Probinsyano after the primetime news? Hindi kaya ang bagong KathNiel teleserye dapat?

We will eagerly await what will replace FPJ's Ang Probinsyano sa Kapamilya Channel, pati na rin ang papalit sa First Yaya sa GMA-7. Aabangan natin iyan!!!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Taliwas sa mga bali-balita noon na patapos na ang FPJ's Ang Probinsyano (left), pinaghahandaan ng creators ng show ang dalawang cycle ng lock-in taping. Sa tindi ng bonding ng First Yaya cast (right) members, posible kayang magkaroon ng Book 2?
PHOTO/S: FPJ's Ang Probinsyano / @ilovekaye Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results