Rita Daniela at Ken Chan naniniwala sa right timing

by PEP Troika
Jun 18, 2021
Ken Chan on delayed airing of Ang Dalawang Ikaw: "Honestly, hindi naman po talaga ako nalungkot because pinapaalala po sa amin ng mga boss po namin at ng production po, na normal lang yun na ang mga teleserye talaga nag-iiba-iba ng dates."
PHOTO/S: GMA Corporate Communications / Ang Dalawang Ikaw

GORGY RULA

As we write this, wala pang official announcement ang GMA-7 kung ano ang ipapalit sa timeslot ng Heartful Café, na magtatapos na ngayong Biyernes ng gabi, June 18.

Hindi kasi muna matutuloy ang pagpapalabas ng Legal Wives.

Pero nasilip ko na ipina-plug na isang K-drama ang mapapanood sa oras na ito starting Monday, June 21.

Pero sa Lunes ay tuloy na tuloy na ang seryeng Ang Dalawang Ikaw, na mapapanood pagkatapos ng Eat Bulaga.

Sa virtual mediacon nito noong Huwebes, June 17, tinanong ko ang dalawang bidang sina Ken Chan at Rita Daniela kung ano ang naramdaman nila nang naudlot ang airing nito.

Hindi na idinetalye ang dahilan kaya hindi sila natuloy noong Marso 29, pero naniniwala silang perfect timing na raw ang final playdate nila.

Ani Rita, "Naniniwala kasi ako na pag hindi pa talaga time, hindi pa.

"So, baka naman inurong din talaga ni God, kasi ito talaga yung time na ibinigay niya para sa show para sa Ang Dalawang Ikaw, kung saan mas maraming taong makakapanood.

Continue reading below ↓

"Siguro po kasi, baka kung tinuloy namin nun, konti lang yung makakakita o hindi natin alam.

"Kumbaga, naniniwala kasi ako na naka-timing lahat ‘yan, e. Nasa right timing lahat.

"Naudlot man kami, pero alam kong naniniwala ako na ito yung right moment for us. Ito na yun!"

Agree si Ken sa pahayag ng leading lady niya na ito ang perfect timing para sa kanilang drama series.

Hindi raw siya nadismaya sa di pagkatuloy ng airing nito noon, at wala rin daw problema kahit naghintay pa sila nang matagal bago sila nag-resume ng lock-in taping.

"Tama po yung sinabi ni Rita. Destined po kaming ipalabas sa June 21, at si Lord po ang may dahilan nun," saad ni Ken.

Lahad pa niya: "Honestly, hindi naman po talaga ako nalungkot because pinapaalala po sa amin ng mga boss po namin at ng production po, na normal lang yun na ang mga teleserye talaga nag-iiba-iba ng dates.

Continue reading below ↓

"And especially ngayong pandemic, hindi mo talaga alam ang kilos at galaw ng mga dates ngayon dahil mahirap po talaga.

"Ipinaliwanag po sa amin na, 'Huwag kayong mag-alala because mapapalabas at mapapalabas tayo.'

"We just need to relax, rest muna buong production para pagdating ng lock-in taping namin, okay lahat. Energized lahat. Refreshed lahat."

Nakatulong naman daw ang pahinga ng cast at staff sa show.

"Totoo po yun, na after po nung nagpahinga kami ilang linggo lang para sa last lock-in taping namin, lahat kami, hype na hype na talaga magtrabaho.

"Lahat kami, nag-compromise sa isa’t isa.

"At yun nga po, totoo pong maganda ang kinalabasan."

NOEL FERRER

Kita mo naman ang effort nina Ken at Rita sa roles nila kaya sana, pagpalain sila. Too much effort nga, kaya bawas-bawas at gawing natural lang ang aktingan sana.

Sana lang ay talagang mahanap nila ang tunay na spark sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

Kapag nagkaganoon, yun na siguro ang essence ng kasabihang, 'Love conquers all.' At papalakpak nang sakdal sigabo si Tita Lolit kung sakali!

JERRY OLEA

Matinding pagsubok ang pinagdaanan ng produksiyon ng teledramang Ang Dalawang Ikaw.

Hindi nagpabaya ang produksiyon sa mga artista at staff ng bagong RitKen series.

Sa mga ganitong pagsubok lumulutang ang tunay na karakter ng mga tao. Nakikita kung sinu-sino ang may malasakit sa kapwa.

Ang sabi nga ng deaf-blind author na si Helen Keller (Hunyo 27, 1880-Hunyo 1, 1968), "Character cannot be developed in ease and quiet. Only through experience of trial and suffering can the soul be strengthened, vision cleared, ambition inspired, and success achieved."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan on delayed airing of Ang Dalawang Ikaw: "Honestly, hindi naman po talaga ako nalungkot because pinapaalala po sa amin ng mga boss po namin at ng production po, na normal lang yun na ang mga teleserye talaga nag-iiba-iba ng dates."
PHOTO/S: GMA Corporate Communications / Ang Dalawang Ikaw
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results