Trese at Fan Girl patok na patok sa Netflix viewers

by PEP Troika
Jun 19, 2021
Patuloy ang online balitaktakan kaugnay sa pagda-dub ni Liza Soberano bilang bida na si Alexandra Trese. Trending din ang mapangahas na MMFF 2020 entry na Fan Girl tampok sina Charlie Dizon at Paulo Avelino.
PHOTO/S: Trese / Fan Girl

JERRY OLEA:

Kapit-tuko sa #1 ang animated series na Trese sa Top 10 ng Netflix Philippines.

Hunyo 11, Biyernes, nag-umpisang mag-streaming ang Trese sa Netflix. Kinabukasan ng gabi ay naluklok na ito sa unang puwesto, at nananatili roon as of this writing.

Patuloy ang online balitaktakan kaugnay sa pagda-dub ni Liza Soberano bilang bida na si Alexandra Trese. Hopia tayo na may Season 2 ito.

Ang critically acclaimed film na Fan Girl, nag-umpisa ang Netflix streaming nitong Hunyo 17, Huwebes. Pagsapit ng Friday night, pangalawa na ang pelikula nina Charlie Dizon at Paulo Avelino sa talaan ng Netflix Philippines.

Rated 18+ ang Fan Girl dahil sa sex, nudity, substances. Andito pa rin ang pagbihadhad ng prosthetic penis ni Paulo habang umiihi. Tabi-tabi po!!!

Nakakatuwa na ang dalawang nangunguna ngayon sa Netflix Philippines ay parehong gawang-Pinoy.

Sabik na rin tayo sa July 15 streaming ng pelikulang My Amanda sa Netflix, kung saan bida ang magkaibigang sina Piolo Pascual at Alessandra de Rossi.

Continue reading below ↓

If I’m not mistaken, ang working title nito before ay Fuffy and Fream, na si Alessandra mismo ang sumulat at nagdirek.


NOEL FERRER

Nakaka-proud ang mga Pinoy na top creators sa Netflix!!!

Ang Trese ay groundbreaking of sorts dahil ang ganda lang na makita natin ang background at kontekstong Pilipino na mapapanood ng buong mundo. (Pati nga Chocnut at Cloud 9, kasama sa kuwento.)

Continue reading below ↓

Tapos, pasok ang Fan Girl, na madadagdagan ang revenue stream lalo pa’t wala itong wide release sa mga sinehan dahil sa online MMFF.

Still another MMFF entry last December, tapos na ang taping ng mini-series na The Boy Foretold By The Stars. At pinaplano na ang sequel ng pelikula.

After iWantTFC, malamang na mag-Netflix din ito. At least, makakabawi-bawi ang mga maliliit at magagaling nating mga bagong producers.

GORGY RULA

Nakatulong siguro ang patuloy na pinag uusapang dubbing ni Liza Soberano sa role ni Trese.

May mga nanlalait pa rin, at ang iba sinusubukan nilang i-dub ng boses nila na nasisilip ko sa TikTok. Pero sa totoo lang, mas gusto ko pa rin ang kay Liza.

Itong Fan Girl naman ay mukhang matataypan ng mga millennials at Gen Z, kaya winner 'yan sa Netflix.

Pero ako, mas natuwa ako sa pagsisimula na ng bagong season ng Spanish youth-oriented drama series na Elite.

Continue reading below ↓

Ang isa pang aabangan ko ay ang posibilidad na pagpasok ng Heartful Café sa Netflix.

Katatapos lang ng buong season nito, at hopiang-hopia ang ilang taga-HC na tatanggapin ito sa Netflix. Mukha naman.

Abangan natin ‘yan!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy ang online balitaktakan kaugnay sa pagda-dub ni Liza Soberano bilang bida na si Alexandra Trese. Trending din ang mapangahas na MMFF 2020 entry na Fan Girl tampok sina Charlie Dizon at Paulo Avelino.
PHOTO/S: Trese / Fan Girl
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results