Watch Now

Rob Gomez, aminadong hindi kayang pantayan ang lolong si George Estregan

by PEP Troika
Jun 20, 2021
Sobrang hanga si Rob Gomez (kaliwa) sa achievements at acting awards ng lolo niyang si George Estregan (kanan).
PHOTO/S: Upstream PH PR photo (Rob) / ER Ejercito Facebook (George)

GORGY RULA

Ipinaliwanag ng baguhang aktor na si Rob Gomez sa nakaraang virtual mediacon ng digital film na A Girl + A Guy ng Upstream PH ang kaugnayan niya sa pamilya Ejercito.

Anak siya ng dating aktres na si Kate Gomez. Tiyuhin niya si Gary Estrada at lolo niya si George Estregan.

Napanood ni Rob ang classic film na Nunal sa Tubig (1976), at proud siya sa galing ng kanyang lolo.

“I think I will not and I cannot live up to their names, lalo na him. He’s a very, very great actor.

“Sobrang galing po. Ibang klase po. Kinikilabutan ako. Hindi ko po siya nakilala, e,” bulalas ni Rob.

Ipinagmamalaki niya ang mga acting awards ng kanyang lolong si George Estregan, at tingin daw niya, hindi niya kayang abutin ang mga achievements na iyon ng namayapa niyang lolo.

Kahit daw ang Tito Gary Estrada niya ay mahihirapan din daw siya. Pero nagbigay-inspirasyon ito sa kanya na pagbutihin ang pinasok niyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Tito Gary po, napakagaling po. Actually po, malayo talaga. Although, I would want to be there one day, but being in their shadow and learning from them, I think I cannot surpass, but I would love to live up to their name,” napaka-humble na pahayag ni Rob.

Proud daw ang pamilya niya sa pelikula niyang A Girl + A Guy, kahit medyo na-shock daw sila ng konti.

“Natuwa naman po sila. They congratulated me. Everybody was supportive.

“They were shocked a little bit on the content, but they understood and we’re very excited for the next,” saad ni Rob.

Kaya may konting kaba, pero excited siya sa reaksyon ng makakapanood ng pelikulang ito na magsisimula nang i-stream sa Upstream PH sa June 24.

JERRY OLEA

Hindi mapasusubalian ang husay ni George Estregan bilang artista.

Tatlo ang kanyang FAMAS trophy—best actor para sa Sukdulan (1972), at best supporting actor para sa Kid Kaliwete (1978) at Lumakad Kang Hubad Sa Mundong Ibabaw (1980).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakarami pa niyang memorable films and performances, kabilang ang Hostage: Hanapin si Batuigas (1977), Lumapit, Lumayo Ang Umaga (1975), Mister Mo, Lover Boy Ko (1975), Lord, Give Me A Lover (1976), at Sa Init ng Apoy (1980).

Nakakalungkot na isa siya sa Pene Kings noong 1980s sa mga huling taon ng Rehimeng Marcos.

Nakipagkabugan si George kina Mark Joseph, Tony Martinez, at Bobby Benitez sa paramihan ng penekula o penetration films—mga isinisingit na sex clips na may actual intercourse o sex act.

Kabilang sa Pene Queens noong panahong iyon sina Amanda Amores, Didith Romero, Myrna Castillo, Myra Manibog, Elsa Enrile, at Cherry Madrigal.

Walang binatbat sa mga penekula ni George ang first starring role ni Rob kung kapangahasan ang pag-uusapan.

GORGY RULA

Matagal na raw nagawa ni Direk Erik Matti ang kuwento nitong A Girl + A Guy, at hindi niya akalaing mabubuo ito.

Na-inspire daw siya sa kuwento ng dalawa niyang daughters na hindi raw niya talaga na-gets ang henerasyon nila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito raw sa pelikulang ito, sana ay maging open na raw tayo sa mga bago ngayon na normal na ang nudity scenes na matagal nang ginagawa sa ibang bansa.

“Parang the generation now exists in a totally different world than what we know.

“You’ll see in the movie how comfortable everyone is... physically, and I think that’s what I wanted for movies in general in the Philippines, to be more casual about showing skin, showing nudity.

"Parang naiwan na tayo sa Dark Ages na parang naging ‘tita’ na lahat ng tao, e.

“Yung parang nakakita ng cleavage, bawal, hindi na uso ngayon, e.

“I think we need to let go of the stigma of people taking off their clothes, I think even on Instagram, you’ll see it all over the place.

“We don’t get shocked anymore.

“This movie, A Girl + A Guy liberated me in a way, not just because I felt there were no rules in making the movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I always wanted to do a movie where hindi ko iisipin kung kaliwang boobs lang ba lumabas or kalahating puwet lang ang ipakita. If it’s needed in the story, why can’t we show anything?”

Handa raw si Direk Erik sa sasabihin ng iba na mala-soft porn itong pelikula niya.

Pero panoorin daw sana bago ito i-label na soft porn.

“Ready naman ako. I think I’ve never done a movie that wasn’t polarizing, na hindi hati yung mga tao, ‘no?

“Some people did not like the violence of Buy Bust. Some people found my other movies na hindi rin nila gusto. Kanya-kanya.

“I’m hoping that they all give this a chance. That they see it, that it tries to talk about the present generation, and we’re pretty proud of this.”

Pero ayaw niyang ikumpara itong A Girl + A Guy sa ibang digital films na mala-soft porn din ang tipo, gaya ng Kaka at Death of A Girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba raw ang pagka-daring nitong pelikula niya.

“Baka hindi kasintapang nito. Sorry.

“Parang hindi ko matatanggap na kahilera lang ng pelikula ko yung ganun katapang na pelikula.”

NOEL FERRER

Lagi kong tinatanong, sa pinagdaraanan nating pandemya ngayon—ang dami nang nabago—ang paraan ng paggawa ng content with all the productions protocols, pati ang distribution ng mga pelikula na hanggang ngayon ay wala pang theaterical release…

Ang content ba ng ating mga pelikula at ibang panoorin, nagbago ba?

Dala ba ng A Girl + A Guy ang pelikulang magbabago ng ating pananaw at kabuhayan ngayong pandemya?

Sa hirap ng buhay ng mga tao ngayon, kailangan talaga nating piliin nang maayos ang pagkakagastusan natin, di ba?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sobrang hanga si Rob Gomez (kaliwa) sa achievements at acting awards ng lolo niyang si George Estregan (kanan).
PHOTO/S: Upstream PH PR photo (Rob) / ER Ejercito Facebook (George)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results