KathNiel, Eugene Domingo hinikayat ang mga Pinoy na magpabakuna na rin

by PEP Troika
Jun 21, 2021
Celebrity couple Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (left) and comedienne Eugene Domingo (right) receive their COVID vaccines via the MMDA-MMFF-Mowelfund vaccination program. today, June 21.
PHOTO/S: MMFF / MMDA / Mowelfund

NOEL FERRER

Pumila, nagpa-BP check at orientation via the DOH doctors, at finally vaccinated na ang KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) this June 21, Monday, 9:00 a.m., sa MMDA-MMFF-Mowelfund Vaccination Program.

They also encouraged our kababayans para magpabakuna.

Hindi na mahalaga kung anong brand ng bakuna ang itinurok sa kanila, ang maganda lang, sama-sama ang mga hinahangaan nating personalidad na nagbibigay ng kumpiyansa sa pagpapabakuna.

2:00 p.m. today naman naka-schedule ang pagbabakuna kina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

JERRY OLEA

Kasama si Eugene Domingo sa mga pumila at nagpabakuna this Monday morning sa vaccination program na isinusulong ng MMDA, MMFF, at Mowelfund para sa mga taga-showbiz.

Ang panawagan ng DOH sa Facebook, na ini-echo ng MMDA: “GET VACCINATED TO PROTECT YOURSELF, YOUR LOVED ONES, YOUR COMMUNITY, YOUR COUNTRY, AND THE WORLD!

“With more people vaccinated in an area, the closer we get to protecting the population.

“Vaccines are safe. Vaccines work. Be part of the BIDA BAKUNATION!”

Continue reading below ↓

Ang mga pa-hashtag: #RESBAKUNA #BIDASolusyon Plus sa COVID-19 #ExplainExplainExplain #BIDAangMayDisiplina

Salamat kay Uge, sa Kathniel, maging sa mag-asawang Juday-Ryan, at iba pang mga artista na kaagapay sa paghikayat sa mga tao para magpabakuna.

Pahayag ng multi-awarded writer-director na si Jose Javier Reyes nitong Lunes ng hapon via Messenger, “This is a community effort... to encourage and assure people that vaccination is safe and a necessity if we want the economy of our country to be resuscitated and more important for the safety of our loved ones.

“Vaccines do not make you immune to COVID-19 but it PROTECTS you from lethal outcomes. We all need to protect each other to put an end to this pandemic.

“To all the celebrities who lent their names and credibility to be part of this information drive, God bless you for using your privilege to be good citizens of the Republic.”

GORGY RULA

Mas naghihigpit na ngayon sa mga taping, shoot, at kahit meetings lang na face to face.

Continue reading below ↓

May ilang shoot na rin ngayon, o kahit sa pictorials, kapag vaccinated ka na, okay na ang antigen swab test na lang.

Pero kung di pa bakunado, dapat ang RT-PCR test. Halos lahat na shoot ngayon ay kasama na iyan sa requirements.

Kaya dapat lalo pang ma-promote ang vaccination na nag-aalinlangan pa ang iba.

Malaking bagay na may testimony sa mga kilalang celebrities, at tingin ko, mas malaki ang impluwensiya ng KathNiel.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrity couple Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (left) and comedienne Eugene Domingo (right) receive their COVID vaccines via the MMDA-MMFF-Mowelfund vaccination program. today, June 21.
PHOTO/S: MMFF / MMDA / Mowelfund
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results