Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo "nag-date" sa vaccination site

by PEP Troika
Jun 21, 2021
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Malinaw ang mensahe ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Huwag maniwala sa sabi-sabi at tsismis. Huwag magpabudol sa mga haka-haka. Hindi lang ang katawan mo ang pinoprotektahan kundi ang mga tao sa paligid!

Ito ang pitch ng mag-asawang Agoncillo sa pagpapabakuna.

Masaya ang naging proseso nitong Hunyo 21, Lunes ng hapon.

Pumila, nag-fill up ng forms, nagpa-biometrics, BP, at naghintay sa posibleng side effects.

Ang ending, everybody happy.

Looking forward sila sa kanilang second shot sa mga darating na araw.

JERRY OLEA

Pinost nina Juday at Ryan sa Instagram ang litratong magkatabi sila matapos magpabakuna.

Panawagan ni Juday, “First jab! Pabakuna na po tayo.. para sa mga mahal natin sa buhay at para may panlaban tayo sa bawat strain ng covid..

“Nakakatakot ang magkaroon ng covid.. mas nakakakampante po ng loob ang pagpapabakuna kesa maniwala sa mga naririnig nating sabi sabi at haka haka sa paligid natin..”

Continue reading below ↓

Ang tanong ni Ryan, “Does this count as a date?”

GORGY RULA

Marami sa mga paborito nating artista ang gusto na ring magpabakuna. Pero ang iba ay may schedule na ng lock-in taping, at inaalala nilang baka sa pangalawang dose ay nasa lock-in taping sila.

Pero inaasahang halos lahat na filmworkers ay vaccinated na bago ang last quarter ng taon.

Continue reading below ↓

Hindi lang naman itong sa vaccination program ng MMFF, Mowelfund, at MMDA kundi pati rin ang sa ibang LGU, kagaya ng sa Mandaluyong at Manila.

Si Maine Mendoza ay proud na ipinost ang pagpapabakuna sa Mandaluyong ngayong araw.

Ang isa pa sa handang-handa na rin ay si Lorna Tolentino na first time na ma-experience ang mabakunahan.

Pagkatapos ng lock-in taping niya sa FPJ’s Ang Probinsyano ay magpapa-schedule na siya. Kailangan daw niyang mabigyan ng ilang araw na pahinga dahil inaasahan na niyang makakaramdam siya ng adverse side effects, gawa ng first time pa lang niya ito.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results