Watch Now

Joshua labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng uncle niyang si ex-President Noynoy Aquino

by PEP Troika
Jun 24, 2021
Nakunan ang pagdating ni Joshua Aquino (right photos) sa Times Street, Quezon City, kunsaan nakatira ang pumanaw niyang tiyuhin at dating Pangulong Benigno Aquino III. Si Joshua ay panganay na anak ni Kris Aquino.
PHOTO/S: @krisaquino on Instagram / Twitter

JERRY OLEA

Noong Hunyo 3, Huwebes, bisperas ng ika-26 kaarawan ng panganay ni Kris Aquino na si Joshua.

Ipinakita rito ni Kris ang video ng birthday charity celebration ni Joshua sa Tarlac.

Ang post ni Kris sa Facebook, "June 4, 1995, i was so NOT READY to be a mama… in many ways kuya josh helped me grow up.

"He was just 3 years old when it became just the 2 of us… because never kong tinago sa inyo that he is a special child, that he’s in the autism spectrum, oftentimes na bully sya lalo na pag may pulitikang involved, BUT di hamak mas marami ang nagtanggol at nakaramdam ng pureness ng puso nya at ng kanyang genuine na generosity at ang hindi nya pagpili sa kakaibiganin at bibigyan ng respeto - for kuya kung mabait ka at nagpakita ng kabutihan higit dun ang lambing at pagmamahal na isusukli nya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I have often said life isn’t perfect BUT it does have many wonderful moments. Hindi possible for kuya josh, bimb, and me to share our blessings had you not given me the trust and support you have.

"Nakabalik ako sa trabaho, and i’d like to consider that my true career started because you accepted me with all my flaws & strengths 4 months after i gave birth to my panganay.

"Lahat ng meron kaming mag nanay, nanggaling sa trabaho ko na sinuportahan ninyo. Habang kakayanin, patuloy namin ibabalik sa inyo yung blessings that you gave the 3 Aquinos.

"Happy birthday, Kuya Josh, we love you…"

Pinasalamatan ni Kris ang mga katuwang sa pamamahagi ni Josh ng biyaya sa pagsapit ng kaarawan nito, kabilang si "Gov Susan Yap and sa mga Tarlaqueños na mahal na mahal ni kuya josh, yes, as he said he's living there forever."

Punchline ni Kris, "Buti pa ang Tarlac at si Kuya- may FOREVER! #lovelovelove"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KRIS ON BEING A SINGLE PARENT

Nitong Hunyo 21, Lunes, nag-post naman si Kris kaugnay sa Father’s Day celebration the day before.

Ani Kris, “My sons both had the sweetest messages greeting me Happy Father’s Day. Honestly dati it was a source of pride that i managed to do it on my own…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"but now that i’m older, i realize how much they’ve missed out on- sabi nga diba it takes 2 to tango… yes i have been the nurturer & provider and let’s be REAL, hindi naman talaga nag effort yung mga tatay.

"But it’s lately that i’ve gotten a clearer male perspective from a new friend who has a very strong Christian faith- mahirap daw pantayan yung na provide ko for the 2, and minsan para wag ka na lang mapahiya, iiwas ka na lang… i never saw it that way before. And masyado na rin nasanay si kuya & bimb with our situation.

"Yun ang kapalit ng living your life publicly… masyadong marami nang nasabi on both sides (this is about bimb’s dad) that he has seen (dahil nga may YouTube) and as he said hindi na nya hinahanap."

KRIS'S UPDATE ABOUT HER LOVE LIFE

Nag-update din si Kris tungkol sa kanyang kalusugan, at sa isang tao na nag-birthday noong Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Kris, "like roses that take time to bloom, my health also needs TIME… ayaw kong mapahiya sa inyo… there were too many stops & starts; maybe God was really preparing me for this… so until September weekly updates lang tayo.

"my family (meaning my siblings) and i know now how to love & support each other in the way that each one needs… our mom would remark how could she have given birth to 5 kids w/ such different personalities?

"it was this year that we realized ‘kanya kanya talaga’ and that part of loving each other is respecting individual choices yet being there when you’re needed & wanted but knowing our boundaries.

"gusto kong mag kwento sa inyo ng pagtatapos ng isang mahabang bahagi ng buhay ko, pero nagbabago nga ang mga tao… that’s our story, not mine alone. so the parts i can share come from only what i personally said & did.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"hinabol ko to arrive bago mag midnight 1 night in May.

"EFFORT kasi 4 hours each way para lang makita ko sya for a total of 15 minutes (lock in sila for work but nag PCR ako to be sure)… sa entrance lang nagkita, hindi sa loob. “i simply wanted to personally greet him happy birthday, give my gift and my letter. Sinuklian ko lang because nag effort din sya nung birthday ko to personally give his gift that was maeningful.

"Pero nung May, that was our THE END. Siguro ang pinaka safe na pwede kong i- quote from my birthday letter was i said: i wish him REAL happiness because ‘we both deserve our versions of ME AFTER YOU’…

"after 7 years, we did become the best of friends & i know even that part is now over.

"Nagsalita na ‘ko because i still have 4 years, for bimb to experience ‘normal’ … all he’s seen & known are dysfunctional relationships & i don’t want him to become an adult without me trying to move forward and God willing, giving my sons a chance to have the stepfather they deserve. Because i know, i’m not enough.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He doesn’t have to be rich or famous, better nga kung hindi sya public figure… basta tama ang values, madasalin, may integridad, matalino, at masipag, answered prayer na sya. i’ve achieved all my dreams, it’s now my turn to focus on what really matters- trying for my sons get the father figure they never had. #mytruth"

Siyempre pa, ang tinutukoy ni Kris ay si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na nagdiwang ng ika-53 kaarawan noong Mayo 12.

Tuluyan nang tinuldukan ni Kris ang romansang KrisTek.

DEATH OF FORMER PRESIDENT NOYNOY

Ngayong Hunyo 24, Huwebes, pumanaw ang kuya ni Kris na si PNoy, President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Si Noynoy ang nagsilbing father figure sa dalawang anak ni Kris na sina Joshua at Bimby.

GORGY RULA

Sa maraming nakaalam sa pamilya Aquino lalo na kay Kris, alam nila ang closeness ng magtiyuhing dating Pangulong Noynoy Aquino at Joshua.

Nakakasama ko noon si Kris nang ipinagbubuntis pa lamang niya si Joshua, at alam ko noon na matindi ang galit ni PNoy sa biglaang pagbubuntis ni Kris, lalo na sa relasyon nila ni Phillip Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang isinilang na ni Kris si Joshua, minahal ito nang husto ng dating Pangulong Cory Aquino at pati si PNoy.

Nakikita naman kung gaano kalapit si Joshua sa kanyang Tito Noynoy, na tila siya na ang tumayong ama sa panganay na anak ni Kris.

Sabi nga nila, ang laki ng impluwensya ni PNoy kaya nagustuhan na ni Joshua tumira sa Alto sa Tarlac mula noong Disyembre 2020.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas gusto ni Joshua nakasama ang Tito PNoy niya, kaya pinili na niyang manirahan sa Alto.

Kaya ramdam ko ang pagdadalamhati ni Joshua nang nakita ko sa TV ang pagdating niya sa Times Street kaninang bandang alas-nuwebe ng umaga.


Kuwento ng ilang reporters na nakatutok doon sa Times Street, umiiyak na raw si Joshua na bumaba ng kotse at pumasok sa gate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakunan din ang pag-alis ni Josh sa bahay ng tiyuhin.


Hindi ko ma-imagine kung paano pakalmahin ni Kris ang kanyang anak sa gitna ng pagdadalamhati ng buong pamilya. Taos-puso po kaming nakikiramay sa pamilya Aquino.

NOEL FERRER

Kung father figure para sa mga anak ni Kris, si President Noynoy ang nagpuno niyon para sa pamilya nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kung hanapan man si PNoy ng buhay pag-ibig, malaking panahon talaga ang ginugol niya kay Bimby, lalo na kay Josh.

Nakikiramay ang PEP at ang Troika sa pamilya ng dating Presidente na may kasamang pasasalamat sa lahat ng kabutihan sa paglilingkod na ibinigay niya sa ating bayan.

Balitang sa Heritage ibuburol ang kanyang mga labi, taliwas sa naunang balita na sa LaSalle Greenhills na katulad ng kanyang ina.

Maghihintay pa tayo ng mga detalye ng parangal at kung paano tayo makikiramay sa ating dating pinuno ng bansa.

WATCH: A lookback on Joshua Aquino enjoying the company of his uncle Noynoy at a showbiz function:

In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakunan ang pagdating ni Joshua Aquino (right photos) sa Times Street, Quezon City, kunsaan nakatira ang pumanaw niyang tiyuhin at dating Pangulong Benigno Aquino III. Si Joshua ay panganay na anak ni Kris Aquino.
PHOTO/S: @krisaquino on Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results