Julie Anne San Jose tampok sa musical series ng Viu Philippines

by PEP Troika
Jun 25, 2021
Fresh from the success of Heartful Cafe, tinatapos naman ngayon ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose ang musical series na Still na ipalalabas sa Viu Philippines.
PHOTO/S: @myjaps on Instagram

GORGY RULA

Tuluy-tuloy ang excitement na nararamdaman ni Julie Anne San Jose pagkatapos ng primetime series niyang Heartful Café.

Natutuwa ang singer-actress sa nakarating sa kanyang magandang feedbacks sa pinagbidahang romance series, at may nagre-request pa ng book two. Depende naman daw yun sa GMA-7.

“Thankful po ako, kasi grabe po talaga ang suporta nila sa Heartful Café.

“Since day one, nagtu-tweet sila. I’m getting a lot of good feedbacks about the show, about our characters,” sabi ni Julie Anne nang nakatsikahan namin sa nakaraang virtual mediacon ng All-Out Sundays.

Pero pagkatapos ng Heartful Café, tuloy siya sa isa pa niyang series na musical naman. Ito yung Still, under Viu Philippines, kung saan kasama niya si Christian Bautista.

Kakaibang experience daw ito dahil gustung-gusto talaga niya ang kumanta, at si Christian pa ang kasama niya.

Ayon kay Julie Anne, “It tackles on different issues, particularly itong pandemic na ito and what everyone was going through ngayong pandemic.

Continue reading below ↓

“Lahat na mga characters namin dun ay may kanya-kanyang story na relatable sa bawat istorya na nararanasan nating mga Pilipino ngayon.”

Proud din si Christian dahil parang pelikula raw ang quality ng musical series na ito, at thankful sila sa GMA-7 na pinayagan silang gawin ito sa Viu Philippines.

Ang isa pang dagdag excitement sa kanila ay ang magandang balita na ang programa nilang The Clash ay napiling Finalist under the Entertainment Program: Variety Category sa 2021 New York Festivals TV and Film Awards.


Continue reading below ↓

Kaya ang saya nilang lahat sa The Clash, lalo na si Julie Anne na host din nito kasama si Rayver Cruz.

Magandang balita rin ito para kay Christian na kare-renew lang ng kontrata sa GMA-7, at bahagi pa rin siya ng The Clash na nasa Season 4 na.

JERRY OLEA

Totoo bang magiging Kapuso na si Bea Alonzo sa lalong madaling panahon?

If so, sa pag-entra ni Bea sa GMA-7, nawa’y hindi iyon makaapekto sa status ni Julie Anne.

E, andiyan pa si Sanya Lopez na nag-level up dahil sa First Yaya, di ba?!

NOEL FERRER

Nabalitaan natin iyang tungkol kay Classmate Bea, pero iba naman ang mundo nina Julie Anne at Bea…

Si Julie Anne, mukhang sa pagkanta na, sana, tumodo na lang siya dun!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fresh from the success of Heartful Cafe, tinatapos naman ngayon ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose ang musical series na Still na ipalalabas sa Viu Philippines.
PHOTO/S: @myjaps on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results