Watch Now

Moving speeches, messages for PNoy; James Yap, special guest nakipaglibing

by PEP Troika
Jun 26, 2021
Sa araw ng libing ni PNoy, nakita sa bandang likuran si James Yap (R), ex-husband ni Kris Aquino, katabi ang business tycoon na si Ramon S. Ang.
PHOTO/S: courtesy of Christian Mano of DZRH

GORGY RULA

Dumalo si James Yap sa interment mass para sa dating Pangulong Noynoy Aquino ngayong Hunyo 26, 2021, Sabado ng umaga, sa Church of Gesu sa Ateneo de Manila University.

Ayon sa reporter ng DZRH na si Christian Mano na nag-cover doon, nung nagsimula ang misa ay biglang dumating si James, pero hindi siya lumapit kina Kris Aquino at Bimby na nasa bandang harapan.

Nakatayo lang daw si James sa likuran para makinig ng misa, katabi si Mr. Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation na halos kasabay niyang dumating.

Nilapitan si James ng ilang reporters para kapanayamin, pero tumanggi itong magpa-interview.

Pagkatapos ng misa ay umalis din siya agad. Hindi ito lumapit kay Kris o sa ibang miyembro ng pamilya. Kaya maaring hindi raw alam ni Kris o ng ibang miyembro ng pamilya na nandoon ang kilalang basketbolista.

Tinawagan ko at tinext si James, para tanungin sana kung alam ba ni Kris na nandoon siya, pero hindi siya sumasagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon sa mga kaibigang nakausap si James, sumama raw ang basketbolista sa convoy at nakipaglibing.

Samantala, sa wake, isa sa mga namataang kausap ni Kris ay ang dating na-link sa kanya na si Herbert Bautista.

Kris Aquino Herbert Bautista

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng misa para kay PNoy, inihatid na ang kanyang abo sa Manila Memorial Park.

Ang ilang kalyeng nadadaanan ng karong sakay ang urn ay sinalubong ng mga tao na may hawak na Laban sign pati yellow flag at ribbon.

PNoy dog, Apollo

PNoy burial

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pnoy burial

May ilang firetrucks na nagbigay ng water salute sa namayapang Pangulo ng bansa.

At may special guest ang dating Pangulo sa burial site.

Nakaka-touch na tagpo ang pakikipaglibing ng six-year-old dog na alaga ni PNoy na si Apollo.

PNoy dog, Apollo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PNoy dog, Apollo

PNoy dog, Apollo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dinala siya roon sa Manila Memorial Park para matunghayan rin ang inurnment ng namayapang amo.

NOEL FERRER

Umawit sa huling seremonya para kay Presidente PNoy sina Noel Cabangon, Erik Santos, Regine Velasquez, at Ogie Alcasid.

Naiyak ako sa homily ni Bishop Soc Villegas. Heto yung bahagi ng sinabi niya:

"His silence after his presidential term was a silence of dignity. As he brought dignity and honesty to his service to the nation as our president, he preserved that dignity after his retirement.

"It was the silence of noble statesmen, now rare and forgotten. It was the silence of daang matuwid. It was a silence of nobility, that sense of dignity that we truly miss now.

"He endured and carried the cross of his health problems with courageous dignity, with uncomplaining fortitude, hidden from the limelight known only to God. It was like the quiet nobility of the Lord Jesus before Pilate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya tayo nagulat. Death for him came like a thief in the night as the Gospels say. Namatay siya sa kanyang pagkakahimbing.

"But then it was not also surprising. PNoy died as he lived. He served without fanfare. He abhorred power trappings and power tripping. He slipped away quietly as much as possible disturbing no one.

"Walang wangwang. Very PNoy and not surprising."

Pati ang mensahe ng panganay na kapatid ni PNoy na si Ballsy ay nakakaiyak din:

“Si Noy ay pinili ng ating mahal na Ama na mauna sa aming lahat nang makapiling ulit ang aming mga magulang kasi siya ang nagpatuloy ng kanilang mga hindi natapos. To the man we were so blessed to have as our brother, habang buhay ka naming ipagmamalaki, pasasalamatan, hahanap-hanapin at mamahalin.”

Habang ninanamnam ko ang mga kaganapan at habang papunta na sa huling hantungan si PNoy, naiiyak ako para sa pamilya, para sa atin, para sa bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagkamatay ni PNoy ay nagpaalala sa atin kung ano ang nasayang, pinangarap, at pinagtitiisan natin ngayon.

JERRY OLEA

Facebook page ni Ogie Alcasid noong Biyernes, “Si PNoy ay naging abay sa aming kasal at magmula noo’y nabuo ang isang pagkakaibigang tunay at tapat.

"Napakaraming salu-salo na nauuwi sa kantahan sapagka’t napakahilig nya sa musika. Kapag nabibisita namin siya ay laging nagpapatugtog ng mga paborito nyang CD.

"Sa mga nagdaang taon, walang patid ang kumustahan sa text lalo na tuwing may espesyal na okasyon.

"Noong pumanaw ang aking ama, isa siya sa di nakalimot na mag-abot ng pakikiramay. Nitong mga huling araw ay tuloy pa rin ang aming komunikasyon.

"Labis na labis ang kalungkutan bumabalot sa akin sa iyong pagpanaw sir PNoy. Napakapalad ko sir PNoy na ako ay tinawag mong kaibigan. Pahinga na po kayo sir. Mahal ka namin.”

Kaakibat niyon ang litrato nilang tatlo nina Regine at PNoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Regine Velasquez, Ogie Alcasid

Today, may kani-kanyang litrato sina Ogie at Regine kasama ang urn ng cremains ni PNoy.

"Salamat Sir PNoy. We will miss you,” ang caption ni Ogie sa Facebook post.

Siya nga pala, maging sa Times Street, Quezon City kung saan may tahanan ang mga Aquino ay may mga nag-aalay ng bulaklak para kay PNoy, na karamihan ay dilaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, marami ring nagtali ng yellow ribbon.

Naalala ko tuloy nang pumanaw si Tita Cory noong Agosto 2009, marami ring nag-alay ng bulaklak sa harapan ng bahay nila sa Times Street.

Na-touch ako sa meme kung saan wine-welcome nina Ninoy at Tita Cory si Noynoy.

PNoy meme

In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa araw ng libing ni PNoy, nakita sa bandang likuran si James Yap (R), ex-husband ni Kris Aquino, katabi ang business tycoon na si Ramon S. Ang.
PHOTO/S: courtesy of Christian Mano of DZRH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results