Jessa Zaragoza umiyak sa concert ng anak na si Jayda Avanzado

by PEP Troika
Jun 27, 2021
Hindi mapigilang umiyak ni Jessa Zaragoza (L) nang mag-guest ito sa concert ng anak na si Jayda Avanzado noong Hunyo 26, 2021.
PHOTO/S: PR (L); Screen Grab from Jayda in Concert

JERRY OLEA

Lumuha si Jessa Zaragoza nang mag-guest sa Jayda in Concert na nag-streaming nitong Hunyo 26, 2021, Sabado, at 8:00 p.m. sa KTX, iWanT TFC, at TFC IPTV.

"Points of View" ang unang pinagsaluhan ng mag-inang Jessa at Jayda, na kinanta na nila before nang mag-guest sila sa Wish 107.5.

Sabi ni Jayda pagkatapos ng una nilang duet, “Mom, gusto ko rin talagang magpasalamat sa iyo siyempre for being here…Uy! Huwag kang iiyak, ha?”

Sambot ng Phenomenal Diva, "Hay, naku! Alam mo ba, kanina pa ako… pinipigil ko…”

Ani Jayda, “Huwag muna!”

Tanong ni Jessa habang hinahaplos ang kanyang buhok na tila kare-rebond pa lang, "Huwag muna? May cue ba yun?”

Hirit ni Jayda, “May cue! May cue! May actor’s cue!”

Pag-amin ni Jessa, “Doon ako kinakabahan, kasi, grabe ang emotions ko to see you na ngayon, di ba, Jayda in Concert.

Sabi ni Jayda, “Ay! Grabe siya!”

Masayang-masaya siyempre si Jessa para sa 18-year old daughter nila ni Dingdong Avanzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Jayda, “Thank you, Ma. I really appreciate it. And siyempre, gusto ko rin talagang magpasalamat sa iyo, Ma, kasi you’ve been here since day one.

"Siyempre, galing ako sa sinapupunan mo. Alam mo na. Hahahahaha! Pero siyempre, iyon. Thank you for loving me unconditionally.

"You know, that’s always our song to each other. 'Unconditionally.' That’s our number one duet song.

"Pero iba naman iyong idu-duet natin ngayong gabi. Pero… before we talk about that, meron akong tanong sa iyo, Ma.”

Sagot Jessa? “Sige, ano iyon?”

Parang mag-barkada lang kung mag-usap ang mag-ina.

Napangiti si Jayda, “Hindi naman masyadong mahirap. Hindi naman pang-Miss Universe levels ang tanong ko. Kayang-kaya mo naman ito. Hindi naman ito English.”

Biro rin ni Jessa, “Huwag na, you know, kasi, iyong English ko, ahhm, there’s an expiration, e."

Sambot ni Jayda, na lumaki sa U.S. kaya English ang first language, “I know, yes. Alam na alam ko iyon, kaya ano…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Singit ni Jessa, “Buti na lang, your dad…'Yeah, talk to your dad.'”

Sang-ayon ni Jayda, “Pag English ang tanong ko, iyon ang sinasabi mo sa akin.”

Pagtangu-tango ni Jessa, "I’m tired, e…pag English."

Sabi ni Jayda, “Oo, alam ko, kaya Tatagalugin ko para sa iyo.”

Hirit ni Jessa, “Tingnan niyo naman, ang ganda ng combination namin ni Dingdong, di ba? Iyan!”

Sa pagpapatuloy ng gusto sanang itanong ni Jayda, “Ay! Grabe siya! Pero, Ma, iyong totoo, ito yung tanong ko sa iyo. Siyempre, kasi nga, you know… I’m growing up. Meron na akong mga pinagdadaanan, alam mo."

Biro ulit ni Jessa, “Oo, meron ka ring pinagnanasahan, ganern! Hahaha.”

Ang tanong ni Jayda, “Paano, pag isang araw, lalapit ako sa iyo, 'tapos, sasabihin ko sa iyo:

"'Parang di ko yata kaya, pag sa buhay ko’y wala siya/ Aanhin ang pag-ibig kung puso ko’y nag-iisa?”

Jayda in Concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang kinakanta ni Jayda ang mga linya sa phenomenal hit ni Jessa na "Bakit Pa" ay kumekendeng-kendeng ito.

Namaywang si Jessa, “Ano ang sagot ko diyan? Ang sagot ko diyan ay… Ibigay mo na!”

Ang paalala ni Jayda na PG (Parental Guidance) kaya kumambyo si Jessa, “Hindi natin puwedeng pag-usapan iyan, iyong mga boys. Kasi, alam mo, ang tatay mo… baka lumaki ang butas ng ilong. Ganyan pa naman iyan…”

Segue na iyon sa duet nila ng "Bakit Pa," habang nagpi-piano si Jayda.

Jayda in Concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Emote na emote si Jessa afterwards, “Anak, I just want to say na… congratulations! And pasensiya na po…”

Paliwanag ni Jessa habang naluluha, “Alam mo kasi, kanina, ako si Jessa. Pero ngayon, nanay ako ni Jayda!”

Gumaralgal ang tinig ng Phenomenal Diva, “Siguro, sa iba, parang… iyong 'Bakit Pa' ay it’s just my hit song. Pero para sa akin, yung 'Bakit Pa,' yung kantang iyon, nakaukit sa puso’t kaluluwa ko.

“And to see you playing my song, napaka-blessed ng pakiramdam ko!” sambit pa ni Jessa habang lumalagaslas ang luha.

NOEL FERRER

Nakaka-proud si Jayda. She is able to get the best of Dingdong (ang pagiging conversant at may faciity mag-code switch sa pagsasalita) at si Jessa (distinct voice and the comic flair). Kahit lumaki sa U.S., matatas at maliwanag ang kanyang pananagalog. And she knows how to get the audience's attention!

Umalis man sa Cornerstone to be with the Rise Artists Studio and Star Magic, I am soooo looking forward sa susunod pang mga multimedia efforts for Jayda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama sa build-up plan ang telebisyon at pelikula. Noon, nang mag-duet sila ni Darren ng kanta ni Dingdong na "Sana Tayo Na," akala ko ay may “something” sila.

E, waley raw at purely work collab iyun. Sa tingin ninyo, kanino bagay i-partner si Jayda?

Puwede kaya kay KD Estrada na guest niya sa kanyang concert? Napaka-harmonious ng duet nila habang nagpi-piano si Jayda at naggigitara si KD.

GORGY RULA

Nasilip ko ang ilang bahagi ng virtual concert ni Jayda, maayos naman.

Ang una kong napansin sa kanya, napakaganda niya. May ilang anggulo siyang mala-Catriona Gray ang ganda.

Talented ang bata. Nagpi-piano, naggigitara, nagko-compose ng kanta.

Bahagi ng kanyang repertoire ang composition niya noong dose anyos pa lang siya.

Sa panahon ngayon ng digital at social media, sana’y magmarka siya sa mga tao, dahil maiksi lang ang atensiyon ng lahat.

Hindi pa noong panahon ng magulang niya na may napasikat na "Tatlong Beinte Singko" ang ama niyang si Dingdong Avansado, at lumikha ng sariling style ang ina niyang si Jessa Zaragoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang tatak Jessa, na kahit pinaglalaruan ng iba, Jessa pa rin iyon!

Pero puwede talagang sumikat si Jayda, basta may magagawa lang siyang sariling style at may mapasikat siyang kantang nilikha niya.

Curious lang ako kung may interes din kaya si Jayda sa pulitika?

Parang ipinahinga na rin kasi ni Dingdong ang interes niya sa public service. May balak kaya siya sa Siquijor sa darating na 2022 elections?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi mapigilang umiyak ni Jessa Zaragoza (L) nang mag-guest ito sa concert ng anak na si Jayda Avanzado noong Hunyo 26, 2021.
PHOTO/S: PR (L); Screen Grab from Jayda in Concert
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results