GVBoys, millennial version ng Palibhasa Lalake?

by PEP Troika
Jun 27, 2021
Ang bagong online comedy show na GVBoys: Pangmalakasang Good Vibes ay pinagbibidahan nina (L-R) Nikko Natividad, Jerome Ponce, at Dave Bornea
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Buong ningning na inamin ni Nikko Natividad na third celebrity crush niya si Gretchen Ho nang mag-guest sila nina Jerome Ponce at Dave Bornea sa online show na Sabado Bago Live (SBL) nitong Hunyo 26, Sabado ng 4:00 pm.

Nikko Natividad
Nikko Natividad

Ang SBL ay isa sa mga online shows ng Puregold Channel na libreng napapanood sa Facebook at YouTube tuwing Saturday. Hinu-host ito nina Gretchen at Tito Boy Abunda.

Continue reading below ↓

Siyempre, nag-follow up question si Tito Boy kung sino ang first at second celebrity crush ni Nikko.

Sagot ng maharot na hitod, “Si Yam Concepcion po iyong first. Kaso, mag-aasawa na po yata, kaya kinansel ko na siya.

“Si Anne [Curtis] po. May asawa na rin, kinansel ko na. Si Gretchen na lang po ang natitira.”

Tawang-tawa si Gretchen, at ang sundot ni Tito Boy, parang walang asawa si Nikko. Nakangiting hirit ni Nikko, hindi selosa ang kanyang asawa.

Bida sina Nikko, Jerome at Dave sa digital sitcom na GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes, na libreng mapapanood sa Puregold Channel (YouTube at Facebook) umpisa Hulyo 10, Sabado ng 7:00 PM.

Jerome Ponce

Continue reading below ↓

Jerome Ponce

Parehong Kapamilya sina Jerome at Nikko, samantalang Kapuso si Dave. Kumusta ang samahan nila?

Tugon ni Dave, “Si Jerome po, nakasama ko na po sa isang endorsement kaya medyo hindi naman kami nagkakapaan.

Dave Bornea

Dave Bornea

“Saka may bonding na rin po kami dahil sa endorsement na iyon.

“Ito namang si Nikko po, since sobrang napakakwela lang, cool lang kasama, kaya hindi po ako nahirapan na makipag-ano sa kanila.

Continue reading below ↓

“Well, in fact, napakabait po nilang dalawa, e.”

Napangiti muli si Nikko, “Hinihilot kami, ha?!”

Nagbiro si Tito Boy, “Sabi ni Dave kasi, saka ni Jerome, nagkatrabaho na sila kaya hindi na sila nagkapaan. Pero sila ni Nikko, nagkapaan…”

Mabilis na sambot ni Nikko, “Ay! Nagplantsahan po kami! Plantsahan po, Tito Boy!”

Susog ni Dave, “Actually, Tito Boy, alam naman ni Nikko iyan, bago kami matulog, minamasahe namin ang isa’t isa para, of course, kampante kami!”

“Wholesome ang palabas!” paalala ni Tito Boy, kaya bumawi si Dave habang humahagalpak.

“Joke lang po! Joke!”

Inurirat ni Gretchen sina Nikko at Jerome kung mabait ba si Dave.

Mabilis na sagot ni Nikko, “Ahh, yes po! Kahit taga-kabilang istasyon siya, wala naman pong nangyaring bully-han. Bale nagkakaroon lang po ng compare-an ng suweldo, siyempre, kung magkano sa kabila. Ganoon lang po ang topic namin.”

Ang GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes ay inspired ng Palibhasa Lalake (1987-1998) na pinagbidahan nina Richard Gomez, Joey Marquez at John Estrada.

Continue reading below ↓

Kuwento iyon ng mga kalokohan ng tatlong male boarders sa isang boarding house.

Deskripsyon ni Jerome sa kanilang roles, “Ako rito si Jawo, short for Jaworski. Ako iyong medyo kulang-kulang sa mga banatan, sa mga biglang pasok sa kuwentuhan.

“Ako iyong parang hopeless romantic. Sobrang mabilis ma-in love.

“While si Nikko naman, siya dito si Dax. Short for... Eugene. Doon mo malalaman, ‘Huge’… gene. Kaya Dax. Ang galing! Ang galing ng ano, e!

“Si Dax naman dito ang mabilis ma-love at first sight. Siya ang pinakakolokoy dito.

“While ito namang si Dave, siya naman si Zeus, na parang Amboy, na talagang may sekreto, which is sa latter part po namin malalaman.”

Nasa cast din ng digital sitcom sina Carmi Martin (bilang landlady na si Aling Pearly), Wilma Doesnt, at Elsa Droga. Ang direktor ay si Don Cuaresma.

NOEL FERRER

Masaya ako para sa kaibigang Direk Don Cuaresma at itong masaya at tila riot na programa ang na-assign sa kanya ngayong pandemya.

Continue reading below ↓

Iba na rin ngayon dahil ang release at distribution nito ay via FB at YT, from the same producers of Tito Boy and Gretchen’s online program, too!

Walang kailangang MTRCB approval, pero I guess alam din ni Direk Don ang responsableng panoorin kaya pilyo man at masayahin ay nasa tamang hulog lang ang pagpapatawa nina Jerome, Nikko at Dave.

Di ba, Jet Valle, na lubos ang pagmamahal sa isa sa tatlong bida?

GORGY RULA

Nakakatuwa na kahit ang Puregold ay meron na ring channel para dagdag raket din sa celebrities.

Maliban sa showbiz talk show nina Kuya Boy Abunda at Gretchen Ho, sitcom nina Jerome, Nikko at Dave, meron ding game show na Playtime Panalo with Luis Manzano, stand-up comedy show na The Ha Ha Hour hosted by Alex Calleja, at Mobile Legends: Bang Bang gaming tournament na Puregold Esports Live.

At least, dagdag trabaho pa ito sa mga artista. Natuwa nga si Carmi Martin na sinasabi niyang kahit nasa pandemic ay tuluy-tuloy pa rin ang trabaho.

Continue reading below ↓

Carmi Martin

Carmi Martin

Kaya humihirit na sila ng season 2 ng GVBoys, para tuluy-tuloy ang good vibes sa kanila. Kung puwede raw ay abutin ng season 30 kahit uugud-ugod na sila.

Ang wish din ng tatlong bida, sana raw ay maimbitahan ang mga nasa original cast ng Palibhasa Lalake na makapag-guest sa kanilang sitcom.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang bagong online comedy show na GVBoys: Pangmalakasang Good Vibes ay pinagbibidahan nina (L-R) Nikko Natividad, Jerome Ponce, at Dave Bornea
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results