James Yap, low profile sa libing ni PNoy

by PEP Troika
Jun 27, 2021
James Yap kasama si business tycoon Ramon S. Ang (left) sa interment mass para kay dating Pangulong Noynoy Aquino at si Batangas Vice Governor Mark Leviste (right) sa Manila Memorial Park noong Sabado, June 26, 2021.
PHOTO/S: courtesy of Christian Mano of DZRH, Bernard Cloma

GORGY RULA

Pinuri si James Yap ng karamihan, maging ng mga reporter na nag-cover sa libing ng dating Pangulong Noynoy Aquino sa Manila Memorial Park noong Sabado, Hunyo 26.

Dumating siya sa Church of the Gesù ng Ateneo de Manila para dumalo sa misa at pagkatapos noon ay sumama pa siya sa libing sa Manila Memorial Park. Tahimik lang siya sa likod at tumanggi sa mga reporter na gustong mag-interview sa kanya.

Ayon sa ilang napagtanungan naming nandoon sa Manila Memorial, nasa likod lang si James at hindi raw ito lumapit kina Kris Aquino at sa anak nilang si Bimby.

Ang kasama lang daw niyang kausap doon ay si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

May nakakita raw na binati siya ni Manuel Abellada, asawa ng kapatid ni Noynoy na si Pinky, at ang anak na si Miguel. Sinabihan pa raw si James na lumapit na kina Kris, pero tumanggi raw si James.

Continue reading below ↓

Hindi lang daw sila sure kung aware ba sina Kris at Bimby na nandoon si James para makipaglibing.

Naintindihan ng mga tagaroon na pinili ni James na huwag nang lumapit sa mag-ina at baka pagpiyestahan pa sila ng media.

Bilang paggalang na lang sa libing ng namayapang Pangulo ng bansa, minabuti ng basketbolista na nasa likod lang siya.

Ang mahalaga ay nakiramay siya dahil sinasabi naman niya noon na mabait talaga sa kanya si PNoy.

Hindi naman raw iniwan ni Vice Governor Leviste si James, at halos sabay na raw silang umalis doon sa sementeryo.

JERRY OLEA

Simple at marangal ang lamay at libing kay PNoy.

Saludo tayo kay James Yap na hindi umeksena o nagdrama, bagkus ay tahimik na nakibahagi sa paghahatid kay PNoy sa huling hantungan.

Dalangin natin na dumating ang panahong maging maayos ang lahat kina James, Kris at Bimby.

NOEL FERRER

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan ang napakagandang tribute sa pagyao ng dati nating Presidente PNoy.

Continue reading below ↓

Hindi siya iyung tipong mag-aangat ng sariling bangko o magyayabang sa mga nagawa niya.

Pero ang mahalaga, ramdam natin na talagang pinag-usapan, pinahalagahan at binigyan ng tamang pagkilala ang dating Pangulo.

Tulad na lang ng Kapatid TV5 journalist na si Lourd de Veyra na nagbigay ng bagong pakahulugan ng salitang 'NOYNOYING' na sumikat noong 2012.

Binigyan ni Lourd ito ng bagong 2021 meaning.

Sa kanyang Word of the Lourd social media page, lahad niya:

“May inimbentong termino ang mga aktibista noong 2012 kay PNoy dahil sa kanyang umano’y katamaran at kabagalan sa pagtugon sa maraming problema noon — ang ‘Noynoying’.

“Pero, akalain mo ‘yun? May mas grabe pa pala sa kanya. So hindi kaya oras na para magkaroon ng makabagong kahulugan ang Noynoying?

“Noynoying — ang pagiging malinis, totoo, tapat, at hindi corrupt.

“Noynoying — ang pag-inda sa mga batikos. Pero sa huli, hindi maikakailang iniwan mong mas maunlad at mas maginhawa ang Pilipinas.

Continue reading below ↓

“Noynoying — may pagpapahalaga sa buhay ng tao.

“Noynoying — ang pagiging disente, maginoo, makabayan. ‘Yung tipong makakatayo ka nang marangal sa harap ng mundo.

“Noynoying — batid na ang pagpuna ay bahagi ng demokrasya. At ‘pag napipikon, kahit ano’ng banat sa kanya ng media, walang ‘pina-ban, walang hinaras, at higit sa lahat, walang ‘pinasara.”

Nasapul, na-bulls eye ni Lourd ang hindi nababanggit ng iba nating kapatid sa pamamahayag.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Yap kasama si business tycoon Ramon S. Ang (left) sa interment mass para kay dating Pangulong Noynoy Aquino at si Batangas Vice Governor Mark Leviste (right) sa Manila Memorial Park noong Sabado, June 26, 2021.
PHOTO/S: courtesy of Christian Mano of DZRH, Bernard Cloma
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results