Watch Now

Anjo Yllana tinanggal sa Happy Time pagkatapos isumbong ang pag-iinuman umano nina Boobsie

by PEP Troika
Jun 28, 2021
Anjo Yllana on being removed from Happy Time after reporting co-host Boobsie: "Basta ang sa akin, nasa mabuting hangarin ako para matigil na yung mga nangyayari sa loob. Baka mas pinaniniwalaan nila yung mga eksplanasyon nung mga hindi umamin."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Nag-react si Anjo Yllana sa lumabas sa isang online site na tinanggal na raw siya sa noontime show ng NET 25 na Happy Time.

Ayon pa sa report, kaya raw siya tinanggal ay dahil sa pambu-bully umano niya sa co-host na si Boobsie at sa dancers na bahagi ng noontime show.

Nakausap ng PEP Troika si Anjo noong Linggo, June 27, at kinumpirma niyang tinanggal na siya.

Iyon daw ang desisyon ng management pagkatapos ng isyung pagsusumbong niyang nag-inuman sina Boobsie sa Philippine Arena, kung saan naka-lock in taping ang Happy Time.

Ani Anjo, “Nagsumbong ako sa management na paki-check naman kasi hindi ko gusto yung mga nangyayari, may inuman dito. Mga hindi INC [Iglesia Ni Cristo] members ito.

“Ang request ko lang naman ay tingnan lang.”

Dagdag na kuwento ni Anjo, hindi raw nahuling nag-iinuman sina Boobsie pero nakitaan daw na may itinatagong alak ang comedienne.

“Siyempre, sumama ang loob nila dahil nahulihan siya [Boobsie] na may alak nung gabing yun. Hindi lang siguro nila nakita na merong inumang nangyari nun,” sabi ni Anjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sina Boobsie ang nahulihan ng alak at pinagbibintangang nag-inuman, bakit si Anjo ang tinanggal?

Sabi ni Anjo, “Kung bakit ako pa tuloy yung tinanggal, hindi ko talaga masasagot. Kasi, ang huli ko lang nasabi na ang hirap magtrabaho pag hindi na-settle yung ganito.

"Siguro nagdesisyon na lang sila na tanggalin na lang ako. Hindi ko alam, e.

“Ang sabi ko lang kasi sa kanila ay ganito, ‘Ayokong magtrabaho hangga’t hindi nasi-settle yung ano…’ Kasi, lumabas na ang pangalan ko na nagsumbong ako.

"Sabi ko, baka ma-provoke ako, baka sabihin sa akin ganito, ganyan.

“Basta ang sa akin, nasa mabuting hangarin ako para matigil na yung mga nangyayari sa loob. Baka mas pinaniniwalaan nila yung mga eksplanasyon nung mga hindi umamin.

"Pero si Dingdong [Avanzado], nagsabi rin sa akin na niyaya rin siyang mag-inuman, pero tumanggi rin siya.”

Tanggap at nirerespeto raw ni Anjo ang desisyon ng management na tanggalin siya bilang host sa Happy Time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagpapasalamat ako sa NET 25 na binigyan ako ng pagkakataon. Nagpapasalamat ako sa INC, sa mga natutunan ko sa mga doktrina.

"Kaya nga isa yun sa binabagabag ng loob ko, kasi bawal sa doktrina yun. Ginawa ko lang naman yung turo sa akin.

“Nagpapasalamat ako sa doktrinang tinuro nila na ginagamit ko sa pang-araw-araw na buhay.

“Ang desisyon naman nila na tanggalin ako ay rerespetuhin ko naman yun,” seryosong pahayag ni Anjo.

Itinanggi ni Anjo ang bintang sa kanya na binu-bully niya si Boobsie at mga dancers.

Pahayag niya, “Unang-una, walang katotohanan yun. Lagi nga ako nagpapa-pancit sa kanila, sa mga dancers tuwing hapon. Saka sa buong set, lagi akong nagpapakain sa kanila.

“Pangalawa, yung pagsusumbong na tingin ko may mali, hindi naman pambu-bully yun. Gusto ko lang itama yung maling nangyayari.

“Kaya ako nagpapaliwanag para malaman din ng management at ng INC na hindi totoo yung mga binabato sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa sumasagot si Boobsie nang nag-message ako sa kanya.

JERRY OLEA

Lubos ang pasasalamat ni Anjo sa NET 25 at INC na binigyan siya ng trabaho sa panahon ng pandemya. Malaking tulong iyon para sa kanyang pamilya.

Sa Setyembre 14 ang unang anibersaryo ng Happy Time kung saan ang original hosts ay sina Anjo, Kitkat, at Janno Gibbs.

Umasam pa naman tayo na magkaayos sina Kitkat at Janno, at makabalik sa programa. Pero iyon pala, pati si Anjo ay matatanggal na. How sad.

NOEL FERRER

Bakit ganoon, hindi HAPPY ang nagaganap sa HAPPY TIME?

Sana, maayos nila ang dynamics ng kanilang grupo para mas kakitaan pa ng magandang produkto pagkatapos.

At si Anjo, kung malinis naman ang konsensiya niya, masaya siyang nakakapag-move on sa mga plano niya sa buhay—pati na ang napipintong pagpasok niya sa politika muli?

Good luck sa grupo ng Happy Time!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana on being removed from Happy Time after reporting co-host Boobsie: "Basta ang sa akin, nasa mabuting hangarin ako para matigil na yung mga nangyayari sa loob. Baka mas pinaniniwalaan nila yung mga eksplanasyon nung mga hindi umamin."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results