Kakai Bautista, designated defender ni Sanya Lopez at female cast ng First Yaya

by PEP Troika
Jun 28, 2021
Sanya Lopez on Kakai Bautista: “I’m happy na si Ate Kakai yung talagang nakikipagtanggol sa akin. Sabi ko nga, ‘Ate Kai, huwag mo na lang pansinin.’ ‘Hindi, e. Akala nila kakayan-kayanin lang nila tayo.’ May point din naman si Ate Kai.”
PHOTO/S: Courtesy: @sanyalopez on Instagram

GORGY RULA

Ngayon na ang huling linggo ng First Yaya, pero wala pang kinukumpirma kung may book two ba.

Sabi ng First Vice President for Drama Productions ng GMA Network na si Ms. Redgie Magno, magkakaroon sila ng meeting uli. Pero wala pang sinasabi kung ano ang pag-uusapan.

Excited ang buong cast dahil nabuo ang kanilang friendship lalo na sa grupo ng First Yaya ladies na tinatawag nilang "The Dears."


Continue reading below ↓

The Dears: (from left) Cai Cortez, Kakai Bautista, Maxine Medina, Sanya Lopez, Thia Thomalla, and Analyn Barro

Masasabing solid ang kanilang pagkakaibigan, lalo na pag may naba-bash sa mga pinu-post nila, meron agad nagtatanggol sa kanila. Si Kakai Bautista yun na ‘Tyang ang tawag nila.

Sabi ni Sanya Lopez, na-master na niya ang pande-deadma sa ilang namba-bash kapag may ipinu-post sila sa Instagram.

“Ako po kasi, kahit anong sabihin man ng ibang tao, kahit maganda man ang ginawa mo or hindi, may sasabihin at sasabihin sila.

“So, ako, better na lang na hindi magsalita. Sometimes, ang ginagawa ko…baka makatulong din sa akin ang pamba-bash nila. Baka mas maging aware ako, baka totoo o baka naman hindi.

“Pero sa group namin, meron talagang isang magsasalita.

“Siguro, meron kaming pinaka-ate o ‘tyang kami na talagang puprotektahan ang isa. Hindi pwede pumayag na maapi lang.

“Siguro, kung inaapi na ang isa sa amin, kailangan na talagang magsalita.

Continue reading below ↓

“I’m happy na si Ate Kakai yung talagang nakikipagtanggol sa akin.

“Sabi ko nga, ‘Ate Kai, huwag mo na lang pansinin.’ ‘Hindi, e. Akala nila kakayan-kayanin lang nila tayo.’

"May point din naman si Ate Kai,” pahayag ni Sanya sa nakaraang farewell mediacon ng First Yaya.

Sabi naman ni Kakai, ang dating kasi ng mga sagot niya ay may sarcasm. Pero hindi raw niya papalagpasin kapag may matinding bashing lalo na kapag namba-body-shaming na.

Pero pagdating sa sariling isyu ni Kakai, mas pinili niyang manahimik na lang at ayaw na niyang magsalita.

Nag-segue kasi kami ng tanong kung may masasabi na ba si Kakai sa isyung kinasangkutan nila ng Thai actor na si Mario Maurer. Nanatili siyang tahimik at hinayaan na lang niya ang kanyang management group at legal counsel na magbigay ng pahayag para sa kanya.

Ani Kakai, “Mananatili akong walang masasabi dahil sa tingin ko, wala na akong gustong sabihin. Kasi, kuntento na ako sa buhay ko ngayon, masaya ako, and yun lang.

Continue reading below ↓

“Gusto ko lang maging masaya and I just want to celebrate life every day. And katulad nga ng sinabi ni Cai [Cortez], yung mga hindi nakakaganda at hindi nakakayaman sa atin at hindi nakakatulong sa ating mental health, babu!

“Delete ‘yan sa buhay natin ngayon.

"And I’m so grateful na may First Yaya ako na show. I have a family here and I don’t have enough space for negativities.”

JERRY OLEA

Kumislap nang bonggang-bongga ang bituin ni Sanya dahil sa First Yaya.

Nakatulong din kay Sanya ang pagiging leading lady ni Senator Bong Revilla sa Agimat ng Agila.

Kaya dapat bonggacious ang next TV project niya para ma-sustain ang momentum.

Iyong mga pamba-bash sa kanya, idaan na lang niya sa pagti-TikTok!

NOEL FERRER

Sana naman ay matuloy ang Book 2 ng First Yaya, kasi successful ito.

Grabe siguro ang pressure ng hahaliling teleserye rito, iyong The World Between Us nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Continue reading below ↓

Magandang tingnan dahil may panibagong taping cycle pa ang katapat ng First Yaya na FPJ’s Ang Probinsyano, kaya tuluy-tuloy pa rin ang adventures ni Cardo Dalisay!

Sayang, maganda kasing paghambingin ang kinasasapitan ng dalawang Presidente ng magkatapat na programa. Mas interesting siguro ang fiction na kuwento kaysa sa tunay na buhay!

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on Kakai Bautista: “I’m happy na si Ate Kakai yung talagang nakikipagtanggol sa akin. Sabi ko nga, ‘Ate Kai, huwag mo na lang pansinin.’ ‘Hindi, e. Akala nila kakayan-kayanin lang nila tayo.’ May point din naman si Ate Kai.”
PHOTO/S: Courtesy: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results