Tambalang Charlie-Jameson, Adrian-Keann magpapakilig sa mga bagong online serye

by PEP Troika
Jun 29, 2021
Kaabang-abang ang romantic-drama series na Sunset Girl tampok sina Charlie Dizon at Jameson Blake (left). Karugtong naman ng The Boy Foretold By The Stars movie ang online series na Love Beneath The Stars na pagbibidahan nina Adrian Lindayag at Keann Johnson (right).
PHOTO/S: Sunset Girl / The Boy Foretold By The Stars

JERRY OLEA

Kaabang-abang ang bagong original content na libreng mapapanood this year sa app at website ng iWant TFC kung saan tampok ang Kapamilya stars.

Andiyan ang romance drama na My Sunset Girl nina Charlie Dizon at Jameson Blake.


Kilig pa more ang hatid nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo sa second season ng Hoy! Love You, kung saan magmamaganda si Ritz Azul.

Continue reading below ↓

Sanib-pwersa ang mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde sa series na Mrs. Piggy. Tungkol ito sa isang pamilyang nakaahon mula sa hirap.

Balik-tambalan sina Adrian Lindayag at Keann Johnson sa seryeng Love Beneath the Stars. Ito ang pagpapatuloy ng kanilang romansa sa 2020 Metro Manila Film Festival boys’ love (BL) movie nilang The Boy Foretold by the Stars.


Continue reading below ↓

Masusubaybayan sa iWant TFC ang advance episodes ng mga ABS-CBN prime-time teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, Init Sa Magdamag, at La Vida Lena.


Nasa iWant TFC na rin ang mga programa ng Brightlight Productions na unang napanood sa TV5, gaya ng Rated Korina, Oh My Dad, Sunday Kada, at I Got You.

Continue reading below ↓

Tuluy-tuloy rin ang kilig na hatid ng mga Thai BL series mula sa GMMTV.


Ihahandog ng iWant TFC ang mga bagong serye na Baker Boys, Bad Buddy, Enchante, at Not Me.

Mahigit isang libong pelikula ang mapagpipiliang panoorin sa iWant TFC kabilang ang Boyette: Not A Girl Yet, My Lockdown Romance, at ang Tripol Trobol (director’s cut ng 3pol Trobol: Huli Ka Balbon na pinagbidahan nina Ai-Ai delas Alas, Jennylyn Mercado, at Coco Martin).

Continue reading below ↓

Imbitado rin ang mga gamer at streamer sa The Gaming House, isang mala-Pinoy Big Brother na reality show. Maglalaban-laban dito ang sampung content creators para sa pagkakataong mapabilang sa e-sports talent agency na Tier One Entertainment.

Libreng mae-enjoy ang mga ito ng subscribers sa Pilipinas. Para sa gustong manood nang walang ads, pwedeng kumuha ng premium subscription na nagkakahalaga ng PHP119 kada buwan.

Mapapanood din ang iWant TFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.

GORGY RULA

Tuluy-tuloy lang ang pagpu-produce ng mga bagong material ang iWant TFC dahil malakas sila online.

Ang latest na nasagap ng PEP Troika, tuluy-tuloy rin ang extension ng FPJ’s Ang Probinsyano, na magdiriwang ng ikaanim na anibersaryo sa Setyembre.

Continue reading below ↓

Sa December pa ba ang huling cycle ng lock-in taping nila?

Ang sabi ng ilang observers, mas mabuting ituloy na lang nila ito dahil meron na silang loyal followers, kesa mag-gamble sila sa bagong teleserye ni Coco Martin.

NOEL FERRER

Go go go, Charlie!

Itong My Sunset Girl bale ang kanyang bagong assignment after ng kanyang MMK episode with Jameson Blake, pagkatapos niyang manalo bilang MMFF 2020 Best Actress para sa Fan Girl.

Good luck sa bagong project ng magaling na batang aktres na bida rin sa teleseryeng Viral kasama sina Joshua Garcia, Jake Cuenca, at Dimples Romana.

Siyanga pala, mapapanood ang tatlong Kapamilya teleserye na may English dubbing mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 31 sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Ang mga ito ay ang Doble Kara (2015-2017) ni Julia Montes, It Might Be You (2003-2004) nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, at Crazy For You (2006) nina Toni Gonzaga at Luis Manzano.

Continue reading below ↓

Handog din doon ng ABS-CBN Entertainment ang limang pelikulang may English subtitles—The Super Parental Guardians (2016) nina Vice Ganda at Coco Martin, How To Be Yours (2016) nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, Just the 3 of Us (2016) nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, All You Need is Pag-ibig (2015) nina Kris Aquino, Kim Chiu at Jodi Sta. Maria, at Kusina Kings (2018) nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez.


Continue reading below ↓

Get to know more about Charlie Dizon on her interview on PEP Live:

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaabang-abang ang romantic-drama series na Sunset Girl tampok sina Charlie Dizon at Jameson Blake (left). Karugtong naman ng The Boy Foretold By The Stars movie ang online series na Love Beneath The Stars na pagbibidahan nina Adrian Lindayag at Keann Johnson (right).
PHOTO/S: Sunset Girl / The Boy Foretold By The Stars
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results