Angela Alarcon, nakapareha ang kasabayan ng amang si Jestoni na si Gardo Versoza

by PEP Troika
Jun 30, 2021
(Left) Angela Alarcon, daughter of Jestoni Alarcon, gets her first lead role in an episode of Magpakailanman opposite Gardo Versoza; (right) First Yaya, starring Gabby Concepcion and Sanya Lopez, will end its run this week.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Masuwerte ang anak ni Jestoni Alarcon na si Angela Alarcon dahil sa kanya ipinagkatiwala ang challenging role sa "Batang Madrasta" episode ng Kapuso drama anthology na Magpakailanman.

Naka-17.2% ang Magpakailanman episode na ito noong Sabado, Hunyo 26. Sumunod ito sa Agimat ng Agila na naka-15.2%.

Sobrang tuwa raw ni Angela nang nagparating kami ng ilang katanungan sa kanya through Kapuso PR Girl.

“Hindi ko po siya ini-expect actually, considering na first time ko pong magkaroon ng lead role sa Magpakailanman and in any GMA show ever.

“It was also a challenging role and the fact na mataas ang kinalabasan ng ratings, sobrang worth it at nakakatuwa at nakakataba ng puso na maraming nakapanood ng guesting ko,” pahayag ni Angela.

Siyempre, proud ang daddy niyang si Jestoni lalo na’t ang partner niya rito ay ang beteranong aktor na si Gardo Versoza, na kaibigan at kasabayan ng daddy niya sa Seiko Films.

Continue reading below ↓

Sabi ni Angela, “Happy and honored nga raw po siya na kasama ko rito si Sir Gardo ‘Cupcake’ Versoza.

“Kinukuwento pa po niya na maliit pa lang po ako ay nakakasama na namin siya sa mga gatherings, birthday parties, and family occasions.

“Natuwa po siya nang malaman niya na siya ang ka-partner ko dito dahil mabuting kaibigan at mapapagkatiwalaan daw po back in Seiko Films days pa.”


Continue reading below ↓

Samantala, naka-1.1% sa A2Z channel ang Rated Korina.

Naka-2% naman ang Everybody Sing ni Vice Ganda, at 1.9% ang Maalaala Mo Kaya sa A2Z pa rin.

Noong Linggo, Hunyo 27, ay 4.7% ang All-Out Sundays, at 3% naman ang ASAP Natin ‘To na napapanood sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Ang GMA Blockbuster ay 4.3% versus FPJ: Da King na 3.5%.

Bahagyang tumaas ang Dear Uge na naka-4.7%, at 1.2% naman ang katapat nitong ZineLove.

Okay rin ang Biyahe ni Drew na naka-5.3%, at 6.2% naman ang replay na Sirkus.

Consistent ding mataas ang Amazing Earth na naka-16.4%. Bahagi pa rin ito ng kanilang month-long anniversary celebration.

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 20.7%, at 5.3% naman ang The Boobay and Tekla Show.

NOEL FERRER

Congrats sa anak ni Jestoni, at sa mga programang mataas ang ratings.

Sa panahong pabagu-bago ang trip ng mga tao sa panonood ng TV (at marami talaga ay nahumaling sa Netflix at iba pang streaming sites), hindi ko alam kung sapat ngang sukatan ang ratings lang ng viewer engagement ngayon.

Continue reading below ↓

Sa punto ng relevance, umaasa pa rin akong mas marami pa sanang programa ang sumalamin at tulungan tayo kung paano mas mainam na harapin ang ating problemang panlipunan kaysa takasan lang ito.

Sana lang naman.

JERRY OLEA

Consistent na pinakamataas ang rating kung weekend ang Kapuso Mo Jessica Soho.

Kung weekdays naman ay First Yaya ang rumaratsada. Hanggang Hulyo 2, Biyernes, na lang ang love story nina Yaya Melody (Sanya Lopez) at PGA (Gabby Concepcion).

Plano ni VP Luis (Gardo Versoza) na ipa-assassinate si President Glenn Acosta. Siyempre, hindi siya magtatagumpay!


Continue reading below ↓

Gabby Concepcion and Sanya Lopez

Sa Hulyo 5, Lunes, mag-uumpisa ang teleserye nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith na The World Between Us (TWBU) bilang kapalit ng First Yaya.

Nasa cast din ng TWBU sina Tom Rodriguez, Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Kelley Day, Yana Asistio, Donn Boco, at Jericho Arceo.

Replay noong Sabado ang Maalaala Mo Kaya episode, kung saan gumanap sina Jaya at Awra Briguela bilang mag-inang lesbian at gay. Swak ang nasabing episode sa pagdiriwang ng Gay Pride.

Hunyo 28-Hulyo 3, 1969 ang Stonewall Riots na sumiklab dahil sa police raid sa Stonewall Inn ng Greenwich Village sa New York City. Doon nag-umpisa ang pakikipaglaban ng LGBT community para sa kanilang karapatan.

Sa two-part Father’s Day presentation ng MMK na “Loving Papa” noong Hunyo 12 at 19, tampok sina Maris Racal at Cris Villanueva.

Sa episode naman ng Magpakailanman sa Hulyo 3, Sabado, tampok sina Miguel Tanfelix at Cris Villanueva sa "Ang Pagmamahal ng Isang… Beki: The Jeremy Sabido Story."

Continue reading below ↓


Two birds hit in one stone, 'ika nga. Tuhog! Pam-Father’s Day na, pang-Gay Pride pa!

Sa darating na weekend ay mas maaga nang mapapanood ang Everybody, Sing ni Vice Ganda—7:00- 8:30 p.m. sa parehong Sabado at Linggo, sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Nasa second season na ang Rated Korina na napapanood sa iba-ibang platforms—A2Z (Sabado, 6:00-7:00 p.m.), TV5 (Linggo, 10:00-11:00 p.m.), Kapamilya Channel (Sabado, 11:00 p.m.-12:00 mn), OnePH (Sabado, 7:00-8:00 p.m.), maging sa international channels ng ABS-CBN na TFC at iWant TFC.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Angela Alarcon, daughter of Jestoni Alarcon, gets her first lead role in an episode of Magpakailanman opposite Gardo Versoza; (right) First Yaya, starring Gabby Concepcion and Sanya Lopez, will end its run this week.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results