Direk Joel Lamangan, inayawan ang rom-com movie sana nina Mark Anthony at Claudine

by PEP Troika
Jul 1, 2021
Direk Joel Lamangan refused to a rom-com movie with Mark Anthony Fernandez (left) and Claudine Barretto (right): "Hindi na bagay! Ang lalaki ng kanilang mukha, hindi sila pwedeng mag-romcom! Ang tatanda na, magro-romcom pa?!"
PHOTO/S: YouTube / Instagram

JERRY OLEA

Romantic comedy (rom-com) sana ang reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernadez, na ididirek ni Joel Lamangan para sa Borracho Film Production ni Atty. Ferdie Topacio.

“Kung anu-ano kasi! Kung anu-anong istorya talaga!” himutok ni Direk Joel nang makatsikahan namin nitong Hunyo 30, Miyerkules ng hapon, sa Red Lantern restaurant ng Solaire Resort sa Parañaque City.

“Kung anik-anik! Kung anu-ano! Tanggi ako nang tanggi nang gusto nilang gawan ng rom-com sina Claudine at Mark Anthony.

"Hindi na bagay! Ang lalaki ng kanilang mukha, hindi sila pwedeng mag-romcom! Ang tatanda na, magro-romcom pa?!"

Ang next project, gaganap sana si Claudine na teacher na may kapatid na mentally challenged.

“Kaso, mas maganda ang role ng bata na mentally challenged! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Direk Joel.

“Nang binasa siyempre ng artista, sabi niya, ‘Dyusko, I can do it with my eyes closed!’ Kasi, wala talaga!

Continue reading below ↓

“Walang challenge ang role ng teacher. Iyong bata ang bida! Hindi niya bet. Nang basahin ko ang script… oo naman, may katwiran.

“Sabi ko, ‘Borracho ba iyong bata? Ano ba iyon, talent ng Borracho?’ Kaya… tsugi. Tapos, kung anu-ano ang nangyari.”

Nakipag-joint venture ang Borracho Films sa Viva Films para sa comeback movie ni Claudine. Umentra si Direk Easy Ferrer na may magandang story at script.

Salaysay ni Direk Joel, “Una, Cancelledt ang title. Naging Akusada. Ayoko lahat. Ayoko ng title na Cancelledt, nega, baka kanselahin agad ng fans.

“Iyon namang Akusada, parang pelikula na bida si Gloria Romero sa Sampaguita Pictures. Luma ang dating.

"Nag-suggest ako… Deception, o Deceit. Ang napili ng Viva, Deception."

May Viva movie na noon na Linlang (1999), na bida sina Pops Fernandez, Richard Gomez, at Joyce Jimenez, sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes.

“Oo nga, nakita ko nang mag-research ako, meron nang Linlang, kaya Deception na lang. Ayoko rin ng Linlang, parang pangalan ng Chinese girl na Lin Lang.”

Continue reading below ↓

Smooth ang lock-in shooting ng Deception nitong Hunyo sa Angeles City.

“In fairness, hindi nila ako pinahirapan dito, ha?!” matatas na sambit ng premyadong direktor.

“Kasi, si Claudine, kilala na ako, e. Naidirek ko na siya sa series, Bakit Manipis Ang Ulap? (2006)… Mabait siya sa akin mula noon.

“Ahead of time kung mag-report si Claudine sa set. Kaya nasasabihan ko siya, ‘Bumalik ka muna, hindi pa ako ready!’

“Nagse-set up pa lang kasi, andoon na siya. Ako ang hindi pa ready. Andiyan na siya. ‘Balik ka na muna, tatawagin na lang kita!’ sabi ko.”

Kumusta ang working relationship nina Claudine at Mark Anthony?

“They’re friends. Friends sila. Parang polite.”

Sabi ni Direk Joel, mahusay pa rin sina Claudine at Mark.

“Si Claudine, parang si Charito Solis, walang kupas ang galing. At ang ganda pa rin niya,” saad ni Direk Joel.

May love scene si Claudine with Gerald Santos. Nag-topless si Gerald.

Continue reading below ↓

May mainit na eksena naman si Mark Anthony with Sheree, kung saan naka-brief lang ito.

“Ang ganda ng katawan nina Gerald at Mark! Pumayag si Mark na maghubad, pero may requirement siya. Dapat, white ang brief niya,” lahad ni Direk Joel.

“Ayaw niya ng brief na may kulay, o may kung anu-anong design. Gusto niya, plain white brief. Kaya right there and then, nagpabili ako ng white brief!”

Si Direk Joel din ang direktor ng pelikulang Lockdown, kung saan nagtalop nang bonggang-bongga ang bidang si Paolo Gumabao, maging ang co-actors na sina Sean de Guzman, Neil Suarez, Kristian Allene, Dincent Lujero, at Jeff Carpio, pati na ang beteranong aktor na si Jess Evardone.

Mag-i-streaming ang Lockdown sa Hulyo 23 sa KTX, Upstream at RAD.

GORGY RULA

Napabilib nga ni Direk Joel Lamangan si Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Film Production dahil ang bilis daw ng shooting at natupad ang napag-usapang tatapusin ang shooting ng walong araw.

Continue reading below ↓

Merong naburang eksena, kaya na-extend sila ng isang araw dahil nag-reshoot sila.

Hindi sumakit ang ulo ni Atty. Topacio sa project na ito, dahil wala raw karekla-reklamo ang dalawang bida, at kontrolado ni Direk Joel ang buong set lalo na sina Mark Anthony at Claudine.

Ako, excited akong mapanood ang pagbabalik-tambalan ng dating magkasintahan. Kung hindi ako nagkakamali, Mangarap Ka (1995) ang huling tambalan nila sa pelikula.

Mas okay sana kung sinamahan ng kilalang young actor at actress ang cast ng Deception, at baka makatulong iyon sa promo.

Naniniwala ako sa sinabi nina Direk Joel at Atty. Topacio na hindi pa rin talaga kumukupas sina Mark Anthony at Claudine pagdating sa aktingan.

Sana ma-promote ito nang maayos at cooperative ang dalawa sa promo nito.

NOEL FERRER

Sana, nagawan ng paraan ni Direk Joel Lamangan na pagandahin ang pelikulang magtatampok ng pagbabalik-tambalan nina Mark Anthony at Claudine.

Kasabay sa pagsasaayos ng kanilang careers, sana ay tuluyan nang maayos nina Claudine at Mark Anthony ang kani-kanyang buhay para tuluy-tuloy na ito!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan refused to a rom-com movie with Mark Anthony Fernandez (left) and Claudine Barretto (right): "Hindi na bagay! Ang lalaki ng kanilang mukha, hindi sila pwedeng mag-romcom! Ang tatanda na, magro-romcom pa?!"
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results