Hot topics: Kasalang Ara-Dave at Janine-Paulo, paglipat ni Bea sa GMA

by PEP Troika
Jul 2, 2021
Two weddings and a network transfer: Actress Ara Mina marries PITC Undersecretary Dave Almarinez (left) in Baguio City last June 30; on the same day, the teaser of the upcoming Kapamilya teleserye Marry Me, Marry You, starring Janine Gutierrez and Paulo Avelino (right), was released online; and on July 1, former Kapamilya star Bea Alonzo (center) inked an exclusive contract with GMA Network.
PHOTO/S: Nice Print Photography / GMA Network

JERRY OLEA

Bonggang-bongga ang kasal nina Ara Mina at PITC Undersecretary Dave Almarinez nitong Hunyo 30, Miyerkules ng hapon, sa kapilya ng Alphaland Baguio Mountain Lodges sa Baguio City.

Ang gaganda ng mga litrato at video na kuha ng Nice Print Photography and Exige Weddings, na nag-coverage din sa kasal nina Camille (Janine Gutierrez) at Andrei (Paulo Avelino) sa Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You (MMMY).


Continue reading below ↓

Ara Mina and Dave Almarinez

Naka-1M views agad sa loob ng anim na oras ang 10-minute teaser ng Camille-Andrei wedding na inilabas ng ABS-CBN Entertainment at Dreamscape sa Facebook at YouTube nito ring Hunyo 30, Miyerkules naman ng tanghali.

Makalipas ang 48 oras, ang patikim ng MMMY ay umabot na sa 2.3M views sa Facebook page ng ABS-CBN, at 612K views sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.


Continue reading below ↓

Janine Gutierrez and Paulo Avelino

Ito ang unang Kapamilya teleserye ng dating Kapuso na sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon.

Bukod pa kay Paulo Avelino na dati ring Kapuso, nasa cast ng Marry Me, Marry You sina Jake Ejercito, Cherry Pie Picache, Vina Morales, Teresa Loyzaga, Lito Pimentel, Joko Diaz, Jett Pangan, at Edu Manzano.

Suporta rin sa serye sina EJ Jallorina, Iana Bernardez, Luis Vera Perez, Fino Herrera, Adrian Lindayag, Keann Johnson, Angelica Lao, Analain Salvador, at Meanne Espinoza.

Pahayag ni Janine, “Sobrang excited ako, kasi base sa mga na-shoot na natin, nakakakilig. Kinikilig ako, so I’m sure, kikiligin din ang mga Kapamilya natin.

“Matagal ko nang pinagdarasal na magkaroon ng ganitong klaseng kuwento na sweet, heartfelt, romantic pero comedy at saka naipapakita ang mga nararanasan at mga hinahangad nating mangyari sa buhay natin.”

Ang dalawang direktor ng MMMY ay sina Dwein Ruedas Baltazar at Jojo Saguin.

Paglalarawan ni Direk Jojo sa teleserye nina Janine at Paulo, “Kahit siya light, may kurot sa puso. Masasabi nila na, ‘Isa ako sa pamilya na yun, e. Masaya ang pamilya ko kahit nakakaranas kami ng ganitong pangyayari at problema.’

Continue reading below ↓

“Merong aral na matuturo. In the end, family is love. Family is forever.”

Nitong Hulyo 1, Huwebes, tagos sa puso ang pag-welcome ng GMA executives sa dating Kapamilya na si Bea Alonzo via Zoom, video messages and their presence sa Garden Ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel.

In full force ang Kapuso executives sa pangunguna ni GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon.

Continue reading below ↓

Heartfelt din ang messages nina GMA President & COO Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong, GMA Films, Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes, at Senior Vice President for GMA Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable.

Tama ba ang naulinigan naming limang taon ang pinirmahang kontrata ni Bea sa GMA?

Ibig sabihin, goodbye na sa binabalak na sitcom nina Bea at John Lloyd Cruz sa TV5, lalo pa’t matunog na magiging Kapuso rin si Lloydie.

Teka! Tuloy pa ba ang reunion movie nina Bea at John Lloyd sa ABS-CBN Star Cinema na ididirek sana ni Cathy Garcia-Molina, ang No Goodbyes?

Noong Disyembre 2020 ito ini-announce ng ABS-CBN sa line-up ng projects nila for 2021.

NOEL FERRER

Tuloy ang buhay.

At tulad ng kasalang Ara at Dave sa totoong buhay o Janine at Paulo sa teleserye o ang pagpirma ni Bea sa GMA-7, ang hamon ay mas maging mahusay, masaya, at mabuti ang lahat dahil sa kanilang mga gawain at relasyon.

Continue reading below ↓

And speaking of pasabog, may naulinigan akong FPJ’s Ang Probinsyano is here to stay!!!

Ito ang magandang announcement na aabangan natin in the next days that also confirms:

1. Coco’s and FPJ’s Ang Probinsyano’s primetime supremacy;

2. Na Coco, despite ABS-CBN’s challenging situation, stays as a loyal Kapamilya; and

3. Hindi totoo ang haka-hakang tatakbo si Coco sa darating na eleksyon!

At dito ninyo iyan unang nabalitaan sa PEP Troika, ha!!!

GORGY RULA

Hindi naman pwedeng pagtapatin ang totoong kasal nina Ara at Dave sa kasal-kasalang pam-promo sa bagong teleserye na Marry Me, Marry You.

Tingnan na lang natin kung kayang tapatan ito ng wedding of the year ng First Yaya nina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at Yaya Melody (Sanya Lopez).

Mapapanood na ito sa pagtatapos ng season one ng First Yaya ngayong Hulyo 2, Biyernes ng gabi.


Continue reading below ↓

Pagdating sa pirmahan sa lilipatang network, baka matuloy na rin daw sa susunod na linggo ang pagpirma ni Xian Lim sa bagong drama series na gagawin niya sa GMA-7.

Hindi raw network contract ito kagaya ng kay Bea, pero malay natin kung magustuhan ng Kapuso network si Xian.

Pero ang commitment pa lang ni Xian sa GMA-7 ay ang Love. Die. Repeat. na gagawin niya kasama si Jennylyn Mercado.

Ang isa pang aabangan ay ang renewal ng kontrata ni Lovi Poe sa GMA-7. Ang latest na narinig namin, nagkaayos na sa terms ng kontrata kaya mananatili pa rin siyang Kapuso.

Pero wala pang kinukumpirma sa amin ang GMA-7. Abangan na lang natin.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two weddings and a network transfer: Actress Ara Mina marries PITC Undersecretary Dave Almarinez (left) in Baguio City last June 30; on the same day, the teaser of the upcoming Kapamilya teleserye Marry Me, Marry You, starring Janine Gutierrez and Paulo Avelino (right), was released online; and on July 1, former Kapamilya star Bea Alonzo (center) inked an exclusive contract with GMA Network.
PHOTO/S: Nice Print Photography / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results