(UPDATED) Kris Bernal nabiktima ng fake GrabFood booking; Grab Philippines, umaksyon na

by PEP Troika
Jul 4, 2021
Nasa 23 riders na ang nagtungo sa bahay ng aktres na si Kris Bernal dahil sa pekeng GrabFood booking na ginawa ng isang "Jen Jen Manalo."
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram

GORGY RULA

Hanggang ngayong araw ng Linggo, July 4, ay may nagde-deliver pa rin kay Kris Bernal mula sa isang fake GrabFood booking.

Magkakasunod ang Instagram post ni Kris Bernal noong Sabado, July 3, dahil sa "Fake Grab Booking" na pinapa-order daw ng aktres.

Isang tao lang ang umorder nito sa naturang delivery service na gamit ang pangalang "Jen Jen Manalo."

Ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account ang video ng sunud-sunod na riders na nag-deliver ng pagkaing in-order nitong "Jen Jen Manalo."

Nagsimula raw ang delivery ng ala-una ng hapon hanggang alas-9 ng gabi, at nagkita-kita roon ang riders na nabiktima ng fake booking.

Continue reading below ↓

Sobrang na-stress daw si Kris dahil naawa siya sa riders na naloko ni "Jen Jen Manalo."

Hindi na nga raw natuloy ang ilang Zoom meetings ni Kris dahil kailangan niyang harapin ang riders para malaman nilang wala siyang in-order.

“Ayoko nga sanang lumabas, pero kailangan makita ng Grab drivers na si Kris Bernal ang nakatira doon na wala namang inu-order.

"Kailangan manggaling sa akin na wala talaga akong inu-order,” sabi ni Kris nang nakausap ang aktres sa telepono ng PEP Troika ngayong hapon.

Ipinarating na raw ito ni Kris sa Grab, at tingin naman daw niya ay may ginawa na silang aksyon.

“I want Grab to take action na may mga ganitong incident… they should compensate doon sa mga restaurants na naabala, kasi hindi naman talaga ako nag-order. Dapat i-compensate ng Grab yun doon sa mga riders.

“Nag-complain na ako sa Grab, nag-reply na rin sa akin si Grab.

"And today naman, hindi na sa Grab dinaan, e. Sa mga restaurants na mismo like Jollibee, Black Tea…

Continue reading below ↓

"Ewan ko kung nagawan na ng solusyon ng Grab na na-block yung number o ano… kaya hindi na Grab ang nag-deliver ngayon,” dagdag na kuwento ni Kris.

Nalaman na raw ni Kris ang pagkakakilanlan ng taong may gawa ng fake booking.

Kuwento ng aktres, “Ang nabalitaan ko, ginawa na rin pala niya ito sa mga SexBomb Dancers. Kasi tinawagan ako ng mga SexBomb Dancers.

“Dati pala siyang PA ni Grace [Nera] ng Sex Bomb. So, kilala nila, tapos yun daw talaga siya.

“Nakuha ko na yung identification niya. Nakita ko na yung mukha, pati yung pangalan, nakuha ko na.

"Ang hindi ko lang alam, yung address. Di ko ma-figure out kung papano ko kukunin."

Matagal na raw iyong ginagawa ng taong ito lalo na sa ilang miyembro ng SexBomb Dancers.

“Pina-NBI na raw nila ‘yan, wala rin nangyari. Na-24 Oras na rin daw ‘yan, wala ring nangyari.

“Meron siyang binibiktima. Trip-trip lang daw niya, parang may sayad sa utak, e,” sabi pa ni Kris.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Nabahala ako sa linyang pina-NBI na, isiniwalat pa sa 24 Oras, pero wala pa ring nangyari.

Ano na lang ang proteksyon nating mga mamamayan, di ba?

JERRY OLEA

Hinaing ni Kris Bernal sa Instagram nitong Sabado night, as of 8:02 p.m. ay 23 na ang Grab deliveries ordered by a certain Jen Jen Manalo na dinala sa bahay niya.

Tapos, more and more pa hanggang ngayong araw ng Sunday.

Nawa’y masawata ang kabulastugang ito ng Jen Jen na iyan sa lalong madaling panahon!

GORGY RULA

Nakarating na Grab Philippines ang insidenteng ito at naglabas sila agad ng statement.

Nagsagawa raw sila agad ng imbestigasyon at blinock na raw nila ang mobile phone IMEI ng manloloko upang hindi na maulit ang pangyayaring ito.

Nakipagtulungan na rin daw sila kay Kris at na-reimburse na nila ang kanilang delivery-partners na nabiktima ng panlolokong ito.

Narito ang kabuuang pahayag ng Grab Philippines:

Continue reading below ↓

"It has been brought to our attention that someone has recently used our platform to place multiple orders — causing undue stress to Ms Kris Bernal and our driver-partners.

"Grab has a zero-tolerance policy on fraudulent activities. Upon learning of this incident, we have immediately conducted our investigation and we have blocked the mobile phone IMEI of the fraudster to avoid similar incidents from happening in the future. We are also working closely with Ms. Kris Bernal on the matter, and we have reimbursed our delivery-partners who have fallen prey to this fraudster.

"Grab Philippines will continue to extend its cooperation with the local authorities in their investigation."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasa 23 riders na ang nagtungo sa bahay ng aktres na si Kris Bernal dahil sa pekeng GrabFood booking na ginawa ng isang "Jen Jen Manalo."
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results