Role ni Kim Chiu sa Huwag Kang Lalabas, unang in-offer kay Sanya Lopez

by PEP Troika
Jul 4, 2021
Kim Chiu, who popularized the song "Bawal Lumabas," stars in one of the episodes of the horror trilogy Huwag Kang Lalabas.

GORGY RULA

Katatapos lang ng shooting ng horror trilogy film na Huwag Kang Lalalabas.

Idinirek ito ni Adolf Alix Jr. at iprinodyus ng Obra Cinema Productions ni Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan.

Ang bawat episode ay pinagbibidahan nina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, at Kim Chiu.

(From left) Joaquin Domagoso, Direk Adolf Alix Jr., Bembol Roco, and Aiko Melendez

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa ang buong produksiyon ng Obra Cinema dahil nakuha nila si Kim, na nagpasikat ng "Bawal Lumabas" noong kasagsagan ng pandemya. Hindi nga lang comedy ang kanilang project kaya mas swak daw ang title na Huwag Kang Lalabas para sa isang horror material.

Pero hindi pala si Kim ang original choice sa project na ito kundi si Sanya Lopez.

Ang buong akala raw ng taga-Obra Cinema ay okay na si Sanya, pero noong inayos ang schedule ng shooting sa Baguio ay hindi na pumuwede ang Kapuso actress.

Ayon sa GMA Artist Center na nagha-handle kay Sanya, nagkaroon daw ng conflict sa schedule ng finale promo ng First Yaya kaya hindi na siya natuloy.

Pati si Kelvin Miranda ay hindi rin pumuwede sa schedule, kaya si Joaquin Domagoso na ang ipinalit.

Natuwa sila dahil natapos nila ang ilang araw na shooting ni Kim sa Baguio na hindi sila nagkaproblema.

Sisimulan na raw nila ang post-production nito, dahil balak ng Obra Cinema na i-submit ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF), kung magkakaroon man ngayong taon. Mas bagay raw kasi talaga itong mapanood sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

Sana nga, magbubukas na ang mga sinehan para doon na natin mapapanood ang MMFF, di ba, Sir Noel?

NOEL FERRER

Iyan ang gusto nating lahat—ang magbalik na sa trabaho ang partners natin sa mga sinehan.

May reports na end of July at meron ding August daw.

At gusto ni Boss Vic del Rosario na ang pelikula niyang Revirginized ng Megastar Sharon Cuneta ay sa big screen din sana maipalabas. May iba pang pelikulang ang balita nati’y ang target showing ay MMFF 2021.

Nandiyan ang Sampung Mga Kerida ni Jun Lana ng Idea First Company; gusto rin ni Direk Joel Lamangan isali ang kanyang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa ng Heaven’s Best; at baka ang Yorme ni Direk Joven Tan.

Malay mo, pati ang Bonifacio movie ni Direk Erik Matti (na originally ay pam-Bonifacio Day) na May Pag-asa.

Marami pang pelikulang nasa baul lang ng iba’t ibang production houses ang naghihintay ng pagbubukas muli ng mga sinehan.

Continue reading below ↓

Setyembre 30 ang deadline ng finished films para sa December 2021 MMFF.

Sana talaga, bakunado na tayo at safe na ang pagpapanood ng sine with the whole their experience. Nakaka-miss talaga!!!

JERRY OLEA

Nag-streaming na recently sa Vivamax ang Sana All nina Arvic Tan at Meg Imperial.

Ito ang unang casualty nang magsara ang mga sinehan matapos itakda ang community quarantine noong Marso 15, 2020. Ang playdate ng Sana All ay Marso 18, 2020.

Dalawa na lang sa napiling entries ng 1st Summer MMFF (Abril 11-18, 2020) ang nakatengga—ang Ngayon Kaya nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, at A Hard Day ni Dingdong Dantes.

Kung bukas na ang mga sinehan by December, baka isumite ang mga ito para sa MMFF 2021.

Tatlong Pinoy movies ang inaabangan natin ngayong Hulyo.

Streaming ang My Amanda nina Piolo Pascual at Alessandra de Rossi sa Hulyo 15 sa Netflix. Directorial debut ito ni Alessandra, na siya ring scriptwriter.

Continue reading below ↓

Mapantayan man lang kaya nito ang pag-ariba ng Through Night and Day (starring Alessandra and Paolo Contis) sa Netflix?

Magpapasiklab ang launching film ni Paolo Gumabao na Lockdown sa Hulyo 23 sa KTX, Upstream, at RAD.

Nasorpresa sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at FDCP Chair Liza Diño nang mapanood ang Lockdown sa special screening nito noong Hulyo 3, Sabado ng hapon, sa Sine Pop, St. Mary St., Cubao, QC.

Itong Lockdown ang una sa limang pelikulang natapos ni Direk Joel Lamangan sa panahon ng pandemya. Ang apat pa ay Anak ng Macho Dancer, Silab, Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, at Deception.

Magpapakilig sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos sa Gameboys The Movie, na mag-i-streaming sa Hulyo 30 sa KTX.

Every Friday night ay bonggacious ang pa-poster ng Gameboys The Movie na inspired ng Hollywood films—Pretty Woman (1990), Top Gun (1986), The Notebook (2004), Ghost (1990), at Brokeback Mountain (2005).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu, who popularized the song "Bawal Lumabas," stars in one of the episodes of the horror trilogy Huwag Kang Lalabas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results