The World Between Us ni Alden, maipagpatuloy kaya ang magandang rating ng First Yaya ni Sanya?

by PEP Troika
Jul 5, 2021
Jasmine Curtis-Smith and Alden Richards (left) headline the new Kapuso primetime series The World Between Us, which will replace the timeslot vacated by First Yaya starring Gabby Concepcion and Sanya Lopez (right).
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Isa ako sa sumubaybay sa kuwento ng First Yaya, at masaya ang finale nito noong Biyernes, Hulyo 2.

Hindi madrama ang ending, light lang, at talagang binigyan ng moment ang iba pang supporting cast.

Tingin ko, masaya ang iba pang sumusubaybay nito, dahil yun naman talaga ang gusto nilang ending—na magkatuluyan sina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at Yaya Melody (Sanya Lopez). Kaya napapangiti ka na lang sa ending nito.

Nakapagtala ito ng rating na 19.2%, ayon sa AGB NUTAM.

Ngayong Lunes ng gabi, July 5, ay inaabangan na rin ang ipapalit sa timeslot ng First Yaya na The World Between Us (TWBU) ni Alden Richards kasama sina Jasmine Curtis Smith at Tom Rodriguez.

Sa nakaraang virtual mediacon ng TWBU ay tinanong ng PEP Troika si Alden kung may pressure ba sa kanila dahil hindi maiwasang maikukumpara ang teleserye nila sa First Yaya na consistent na mataas ang rating.

Continue reading below ↓

“Wala naman po sa isip ko talaga to compete with other shows, e,” pakli ni Alden.

“Kung ano man po ang meron kami… actually, lahat naman po ang shows ng GMA, pinaghirapan, pinaganda, at para maging appealing sa audience.

“Pinapaganda rin po namin ang The World Between Us para maging kaaya-aya po siyang panoorin.

“Wala naman po kaming gustong pantayan na ibang shows. We’re very happy.

"Siyempre, sa GMA rin po ang First Yaya, and we’re very happy that it performed well.

“We’ll be looking forward po that, hopefully sa show na ito, and all of us are optimistic about this teleserye, and we’ll see po pag umere na po kami,” dagdag niyang pahayag.

Base sa trailer ng The World Between Us, mukhang interesting at kinarir ni Direk Dominic Zapata para pagandahin ito.

Sabi ni Direk Dominic, “Nagpapasalamat kami sa First Yaya na pinapataas nila ang first slot na yun. Nagkaroon ng habit na manood na mag-tune in ang audience doon.

Continue reading below ↓

“I will guarantee First Yaya na we will not let you down. We will not come up with the show that is inferior to what you’ve done. Ipagpapatuloy namin iung first slot.

“Thank you sa GMA for giving us this opportunity to take that first slot. We guarantee you that we will not let you down in terms of the quality of First Yaya.

JERRY OLEA

Paandar ng GMA-7, itong TWBU ay “2021’s most epic love story on primetime”!

Kabog ang First Yaya sa pagiging epic!

E, kasi naman, ang presidential wedding nina PGA at Yaya Melody ay sa isang munting simbahan ginanap at sila-sila rin lang ang dumalo. Nagkasya na lang ang iba sa panonood sa online streaming ng inabangang kasalan.

Samantalang ang TWBU, epic ang production budget. Ang mga artista, naka-billet sa Shangri-La EDSA.

Tampok si Alden Richards sa TWBU bilang Louie Asuncion, isang ulila na matalino at mahilig mag-imbento ng gadgets.

Continue reading below ↓

Patutunayan ni Louie na karapat-dapat siya sa pag-ibig ni Lia Libradilla (Jasmine Curtis-Smith), ang bunso sa yayamaning pamilya Libradilla.

Ang kuya ni Lia na si Brian (Tom Rodriguez) ay kontra sa pakikipagmabutihan nito kay Louie.

Sina Brian at Lia ay anak ni Rachel Libradilla (Dina Bonnevie), ang CEO ng Prime Mobile.

Ang mayordoma ng pamilya Libradilla ay si Yachie Delgado (Jaclyn Jose), na may itinatagong lihim.

May pagtingin din kay Lia ang kababata niyang si Eric Carlos (Sid Lucero). Ang kapatid ni Eric na si Jackie (Yana Asistio) ay asawa ni Brian, at malapit na kaibigan ni Lia.

Siyanga pala, nagsimula na ang pagpapalabas ng FPJ's Ang Probinsyano at Sandugo sa 41 bansa sa Africa sa StarTimes channel.

Kilala sa pamagat na Brothers sa ibang bansa, ang FPJ's Ang Probinsyano ay napapanood na sa South Africa, Kenya, Ghana, at iba pa.

Samantala, ang Sandugo, na kilala sa ibang bansa bilang Fists of Fate, ay nagsimulang umere sa Africa noong Mayo nitong taon, sa StarTimes channel.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Will Alden’s new teleserye fare well versus Coco Martin’s Ang Probinsyano?

Which will outlast what? Kailangan pa bang imemorize iyan?

Let’s see the audience support—sa TV ratings at online!!!

MORE PEP TROIKA STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jasmine Curtis-Smith and Alden Richards (left) headline the new Kapuso primetime series The World Between Us, which will replace the timeslot vacated by First Yaya starring Gabby Concepcion and Sanya Lopez (right).
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results