Bakit nananatiling Kapamilya si Iza Calzado sa kabila ng sinapit ng ABS-CBN?

by PEP Troika
Jul 7, 2021
Iza Calzado: "Para sa akin lang, this is where God put me and my intuition says… stay here. It might not be the same for other, so this is my reality, and this is where I’m at. I’m very proud to be still a Kapamilya."
PHOTO/S: @missizacalzado on Instagram

JERRY OLEA

Nanindigan si Iza Calzado na Kapamilya forever siya sa virtual mediacon ng MMK nitong Hulyo 6, Martes ng hapon.

“Why am I here? Because this is where God put me,” nakangiting tugon ni Iza.

“You know, at this particular point in my life, I’m not looking for change. I’m not looking to shake things up in my life.

“I am at peace where I’m at. And in terms of growth, I’m getting it not only from the projects that ABS-CBN is giving me, but from other facets of my life.”

Dahan-dahan ang pagsasalita ni Iza, habang panay-panay ang pagkulog at pagkidlat, “And why am I still a Kapamilya?

“Honestly, the past year, seeing how the network has really stood for me… everything that’s been thrown our… their way… it made me respect the network and everybody in even more.

“There’s a sense of pride being part of Ang Sa Iyo Ay Akin, and now, creating for Maalaala Mo Kaya.

“And just seeing it… ahhm, sometimes, you just wanna be there for people especially when times are tough.

“Kasi, doon nagkakaroon ng sukatan, di ba, minsan? So, para sa akin lang, this is where God put me and my intuition says… stay here.

“It might not be the same for other, so this is my reality, and this is where I’m at.

“I’m very proud to be still a Kapamilya.”

Tampok sina Iza, Shamaine Centenera, at Heaven Peralejo sa “My Two Mothers” episode ng MMK na mapapanood sa Hulyo 24, Sabado ng 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Sabado, Hulyo 10 ang first death anniversary ng ABS-CBN franchise. Magbababang-luksa kaya ang mga Kapamilya?

NOEL FERRER

Nakaka-proud lang talaga itong alaga kong si Izadora Calzado na grounded at talagang kakikitaan mo ng direksiyon sa kanyang buhay.

Sabay-sabay ang pagsubok sa kanya—COVID-19 at ang ABS-CBN shutdown—pero tuloy pa rin siya sa paggawa ng mahusay at mabuti. Kaya naman she’s reaping the fruits of her good work.

Sa Gawad Pasado, Best Actress siya sa film Tagpuan at sa telebisyon for Ang Sa Iyo Ay Akin.

Sa 3rd Laguna Excellence Awards, Best Actress din siya sa TV for Ang Sa Iyo Ay Akin, kung saan nagwagi rin siya sa Guild of Educators, Mentors and Students noong nagbukas ang taon.

Espesyal sa kanya itong MMK episode dahil pareho sila ng advocacy ni Shamaine na tumulong sa mental health awareness and coping. Kaya napakaganda at memorable ng pagsasama nila, lalo pa’t progresibo at kind ang kanilang direktor na si Mae Cruz Alviar.

Natapos din ni Iza ang isang mini-series with Mik Red. And very soon, she will be senti-role in her career, kasi full circle ang mangyayari sa kanya kapag nagkataon!!!

With this, and as she is saying na Kapamilya Forever siya, gusto ko na ring makitang madagdagan ang pamilya nila ng Booky Boss husband ni Iza na si Ben. Ang ganda siguro ng magiging mga anak nila ni Ben.

Proud of you, Izadora!

GORGY RULA

Pagkatapos ng isang taong pagbasura ng Kongreso sa franchise ng ABS-CBN, in-announce ng Cignal TV Inc. at APT Entertainment Inc. ang bagong channel na mapapanood sa ating telebisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para sa mga Cignal subscribers, starting August 2 ay may mapapanood na sa Channel 2 na dating frequency ng ABS-CBN. Ito iyung BuKo channel na inilunsad sa media noong Lunes, Hulyo 5.

Bukod sa Cignal TV ay nasa SatLite Channel 2 din ito, at maa-access din sa Cignal play app.

Itong BuKo channel o Buhay Komedya ay 24/7 na mapapanood ang mga comedy classics, mga nag-hit na sitcoms, gag shows, at mga bago ring programang ipu-produce nila tampok ang mga kilalang artistang kagaya nina Maine Mendoza at Pokwang.

Mahahati ito sa tatlong programming blocks.

Una ang BuKo Originals. Ilan sa sisimulan nila ay ang lifestyle-oriented program na #MaineGoals ni Maine Mendoza na comedy pa rin ang format.

May cooking show din si Pokwang, ang Kusina ni Mamang na gustung-gusto talagang gawin ng komedyante.

May talent-reality show rin silang Beach Buddies, at ang News Patol na magri-report ng mga patolang balita.

Pangalawa ang Tawang Pinoy Klasiks, kung saan mapapanood ang mga Pinoy comedy classics kagaya ng Iskul Bukol, Wow Mali, OGAG, Tropang Trumpo, Bubble Gang, at marami pa.

Kung nakikita natin sa Tiktok ang mga nakakatawang tagpo sa mga classic comedy shows na ito, dito sa BuKo Channel ay muli natin itong mapapanood nang buo.

Pangatlo ang Throwback Tawanan, kung saan muli nating mapapanood ang mga sitcoms na naging bahagi ng ating kabataan, kagaya ng Pidol’s Wonderland, Mac and Chiz, Sugo mga Kapatid, Celebrity Samurai, I for 3, at marami pa.

Dito sa BuKo channel ay mababalikan ang mga lumang comedy shows, mga sitcoms, at gag shows na naikukuwento lang minsan, pero hindi pa napapanood ng mga kabataan ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya maganda na sa pamamagitan ng channel na ito ay muli nating mapapanood ang mga sikat na comedy shows at mae-enjoy natin.

Mapapanood na rin ng mga kabataan at makikita nila kung paano ito nagawa ng mga masters of comedy.

“This is going to be the new home of Philippine comedy,” sabi ni Direk Mike Tuviera, ang CEO & President ng APT Entertainment, Inc.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado: "Para sa akin lang, this is where God put me and my intuition says… stay here. It might not be the same for other, so this is my reality, and this is where I’m at. I’m very proud to be still a Kapamilya."
PHOTO/S: @missizacalzado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results