Death scene ni Glydel Mercado sa The World Between Us, nag-trending

by PEP Troika
Jul 7, 2021
Glydel Mercado on her short but significant role in The World Between Us: “At least, markado siya, and pati ako naiiyak sa mga eksena namin ng young Alden [Izzy Canillo]. Kasi nun ko lang napanood ang kabuuan ng story namin…. nakakaiyak talaga.”
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Nagulat si Glydel Mercado nang ikinuwento ko sa kanyang nag-trending ang episode nila sa The World Between Us noong Hulyo 6, Martes.

Si Glydel ang gumanap na Clara Asuncion, ina ni Louie (Izzy Canillo, na paglaki ay si Alden Richards).

Puring-puri sila rito, lalo na si Glydel, sa nakakaiyak na tagpo ng bagong Kapuso drama series.

Kaya nag-trending ang hashtag #TWBUByeNay na kung saan iniyakan ng karamihan ang death scene ni Glydel.

Text ni Glydel sa PEP Troika, “Ang dami kong messages sa IG and FB sa messenger ko simula nung Monday pa. Ang daming nagtatanong kung bakit namatay agad ako.

“I’m thankful to be part of The World Between Us, kahit sandali lang ang role ko.

“At least, markado siya, and pati ako naiiyak sa mga eksena namin ng young Alden. Kasi nun ko lang napanood ang kabuuan ng story namin…. nakakaiyak talaga.”

Binubuo pa lang ang kuwento kaya mga batang Alden, Jasmine Curtis, at Tom Rodriguez pa lang ang napapanood sa bagong drama series na ito. Inaasahang lalabas na sila sa Biyernes, July 9.

Continue reading below ↓

Pero kinatuwaan na ito ng televiewers na kahit sa TIkTok ay ipinu-post ang ilang madramang eksena, at pati ang magagandang shots ni direk Dominic Zapata ay pinupuri nila.

NOEL FERRER

Excited ang lahat malaman kung ano ang pilot rating ng The World Between Us versus First Yaya na sinundan nito.

Bakit walang nababalitaan?

JERRY OLEA

Abang-abang tayo sa ratings ng ipinagyabang nilang "epic love story of the year." Sabik tayong malaman kung epic ang ratings ng The World Between Us.

Epic ba ang paglampaso nila sa ratings ng First Yaya?

Pero heto, ang ibinabando nila ay ang epic na pagiging trending nito. Nabibingi tuloy tayo sa katahimikan kaugnay sa ratings ng TWBU.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glydel Mercado on her short but significant role in The World Between Us: “At least, markado siya, and pati ako naiiyak sa mga eksena namin ng young Alden [Izzy Canillo]. Kasi nun ko lang napanood ang kabuuan ng story namin…. nakakaiyak talaga.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results