Lolong nina Ruru, Arra lalarga na sa wakas; iba pang Kapuso teleseryes ikinakasa na rin

by PEP Troika
Jul 7, 2021
Sa wakas ay lalarga na ang lock-in taping para sa GMA action-adventure series na Lolong, tampok sina Ruru Madrid (in red hoodie) at Arra San Agustin (in white). Mainit naman ang sexy pictorial nina Royce Cabrera at Claire (lower right) Castro para sa Nagbabagang Luha. At malapit nang ipalabas ang Legal Wives nina Andrea Torres, Alice Dixon at Bianca Umali (upper right).
PHOTO/S: Instagram / Legal Wives / Nagbabagang Luha

GORGY RULA

Naka-quarantine na pala ngayon sa isang hotel ang buong cast ng Lolong.

Finally, matutuloy na rin ang taping nila pagkatapos ilang beses naka-cancel ang kanilang lock-in taping.

Kasama sa cast si Arra San Agustin na kapipirma lang ng renewal ng kontrata sa GMA Artist Center.

Excited si Arra sa project na ito, dahil bagong-bago raw ito kumpara sa mga nagawa na niyang teleserye.

"Kasi, yung pinanggalingan ko, talagang heavy drama, e. Dito sa Lolong, more on adventure talaga siya, e,” medyo tipid niyang sabi tungkol sa bagong project na ito para hindi niya mai-reveal ang kabuuan ng kuwento ng Lolong.

Nabanggit din ni Ruru Madrid na ibang-iba ito sa mga nagawa niya, at kakaiba ang pagkaaksyon nito. Excited din siya dahil mga bigating artista ang makakasama nila.


Continue reading below ↓

Sa darating na Sabado, July 10, ay magsisimula na rin ang hotel quarantine ng buong cast ng I Left My Heart in Sorsogon, sa pangunguna nina Heart Evangelista at Richard Yap.

Kasama rin sa I Left My Heart in Sorsogon si Paolo Contis, na naka-text ko ngayong araw.

Pinaghahandaan na raw niya ito, dahil pagkatapos ng quarantine, RT-PCR test, at iba pang safety protocols, tutuloy na sila ng Sorsogon para sa isang buwang lock-in taping.

Idinadalangin ng lahat na wala sanang mag-positive para tuluy-tuloy na sila ng taping. Ang target ng biyahe nila pa-Sorsogon ay sa Hulyo 17, at diretso na ng taping hanggang Agosto.

Ito ang dahilan kaya matagal nang hindi napapanood si Paolo sa comedy segment ng All-Out Sundays dahil hindi niya matutuluy-tuloy ang kuwento kung aalis din naman siya pa-Sorsogon.

JERRY OLEA

Nag-post sa Facebook ang isang artista ng Lolong nitong Hulyo 7, Miyerkules ng hapon, na naka-quarantine na sila sa Shangri-La EDSA Hotel. Ito’y biglang paghahanda sa lock-in taping nila next week.

Take note na sa Shangri-La EDSA rin nag-quarantine ang cast ng The World Between Us sa pangunguna ng napaka-generous na si Alden Richards.

Sa Shangri-La EDSA rin pumirma ng kontrata si Bea Alonzo noong Hulyo 1.

E, si Xian Lim… paano kaya iwe-welcome bilang bagong Kapuso?

Buti naman, mag-uumpisa na ang taping ng Lolong. Last year pa nag-training sina Ruru Madrid at Shaira Diaz para sa adventure series na ito.

Siyempre, abang-abang tayo kay Dakila, ang buwaya na 22 feet ang haba.

Aba! Labing-apat (14) na tao ang kinakailangan upang mapagalaw ang nasabing animatronic na gawa sa fiberglass body at silicone skin.

Gagamit pa ang production team ng pneumatic technology o iyung air compression na remotely operated by a mechanic o technician upang maging realistic ang galaw ni Dakila, na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru Madrid) sa kuwento.

Syanga pala, kumusta na ang Love You Stranger ng magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos? Naulinigan nating next year na ito magre-resume ng taping.

Continue reading below ↓

Naudlot ang pag-ere ng cultural drama series na Legal Wives last month sa GMA Telebabad. Ito sana ang kapalit ng Heartful Café. Isinalpak tuloy ang K-drama na Lie After Lie.

Ngayon ay pinapainit na muli ang promo ng Legal Wives. Kapana-panabik ang salpukan dito nina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali bilang tatlong asawa ni Ismael (Dennis Trillo).


Continue reading below ↓

Nalalapit na rin ang pagpapalabas ng teledramang Nagbabagang Luha sa GMA Afternoon Prime, kung saan bida sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz.

May paandar sa promo na kesyo hindi umubra ang malamig na panahon sa sizzling photos nina Royce Cabrera and Claire Castro para sa kanilang unang major TV project, ito ngang Nagbabagang Luha.

Na-excite ba kayo? Naintriga?


Royce Cabrera and Claire Castro

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sana, wala nang mag-positive sa COVID-19 para hindi na maantalang muli ang taping nitong Lolong at ng iba pang palabas kahit saan mang istasyon.

Grabe, ‘no? Halos 30 percent daw ang increase ng production budget dahil sa health protocols kasama na itong mga test at pagka-quarantine. Ang hirap mag-shoot at taping ngayon. Malaking sakripisyo.

Kaya sana, maayos at plantsado at mahusay ang pagpaplano para walang aberyang mararanasan. Wala nang nagse-segue sa mga shoot papunta set nang walang full disclosure ng sitwasyon.

Wala nang jowang nagtatago sa ibang kuwarto habang naka-lock in ang karelasyong artista. Wala nang pumupuslit ng short time at nakaw na sandali lalo na sa panahon ng social distancing.

Hindi na lang sarili mo ang concern kundi ang buong produksyon. Dahil isang symptom lang ang mag-manifest, swab agad.

At kapag may nag-positive—stop taping na. Iba na talaga ang panahon ngayon!!!

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa wakas ay lalarga na ang lock-in taping para sa GMA action-adventure series na Lolong, tampok sina Ruru Madrid (in red hoodie) at Arra San Agustin (in white). Mainit naman ang sexy pictorial nina Royce Cabrera at Claire (lower right) Castro para sa Nagbabagang Luha. At malapit nang ipalabas ang Legal Wives nina Andrea Torres, Alice Dixon at Bianca Umali (upper right).
PHOTO/S: Instagram / Legal Wives / Nagbabagang Luha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results