Vilma Santos "pinatay" sa kumakalat na fake news

by PEP Troika
Jul 10, 2021
Nag-aalalang nagmensahe ang PEP Troika sa Star for All Seasons at Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto at ito ang kanyang sagot: “Fake news !!! God is good Noel! Thank you! You take care ! Happy weekend! Love you friend.”
PHOTO/S: PEP.ph

NOEL FERRER

Sa isang chatgroup, biglang may sumingit na balitang ganito sa amin (published as is), “I havent verified this yet. How true? I hope not.

“Unbelievable & Sad news!!! Congresswoman & actress Vilma Santos was killed when she was shot in her car. She was DOA when they brought her to the hospital. Don’t know details yet.

“What is our world coming to. I was hoping pa naman that she can run for VP. May she rest in peace”

Pati ang manager ni Juris na si Carla Concio ay nabulabog ang parents group sa school ng anak niya at nagtanong sa akin.

Finorward ko ang message kay Ate Vi, at ito ang naging sagot ng ating butihing Congresswoman ng Batangas, “Fake news !!! God is good Noel! Thank you! You take care ! Happy weekend! Love you friend.”

Buti naman!!! Kailangan pa natin ang mga lider tulad ni Ate Vi na isa sa mga sumulong para mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN isang taon na ang nakaraan.

Continue reading below ↓

Hangad natin ang kanyang kaligtasan lagi!

JERRY OLEA

Fake News for All Seasons!

Wala talagang takot ang iba sa paghahasik ng kasinungalingan.

Iyon man ang kanilang tanging pinagkakakitaan, hindi iyon sapat na dahilan.

Gaya ng nasabi natin noon pa, nawa’y malasap nila ang hagupit ni Carmina Buraot (karma) sa lalong madaling panahon!

GORGY RULA

Hindi na bago ang ganitong isyu.

Kaya minsan, mag-iingat din talaga at hintayin ang kumpirmasyon ng pamilya bago mag-post ng ganitong klaseng balita.

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring tumigil ang nagkakalat ng isa pang fake news kina Vic Sotto at Julia Clarete.

Di na nga ito pinapansin ng mag-asawang Vic at Pauleen, pero may iba kasing naniniwala.

Balik kay Ate Vi, marami pa ring nagtatanong kung ano na ang tatakbuhin niya sa 2022.

Nakahanda siyempre ang Vilmanians. Pero sa Batangas pa rin ang kanyang focus, at mas excited siya sa ideyang magkakaapo na ba siya kina Luis at Jessy.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-aalalang nagmensahe ang PEP Troika sa Star for All Seasons at Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto at ito ang kanyang sagot: “Fake news !!! God is good Noel! Thank you! You take care ! Happy weekend! Love you friend.”
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results