Rafael Rosell balik-Kapuso

by PEP Troika
Jul 11, 2021
Huling napanood sa ABS-CBN si Rafael Rosell sa seryeng Huwag Kang Mangamba.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Balik-Kapuso si Rafael Rosell matapos patayin ang karakter niyang si Diego sa Kapamilya teleseryeng Huwag Kang Mangamba.

Kasama si Rafael sa Kapuso drama series na To Have and To Hold, na pinapangunahan nina Carla Abellana, Rocco Nacino, at Max Collins.

Kumpirmado iyon sa press release na ipinadala ng GMA ngayong Hulyo 11, Linggo ng umaga kaugnay sa pagpirma muli ni Max ng kontrata sa Kapuso Network noong Hulyo 9, Biyernes.

Samantala, kinumpirma ni Korina Sanchez sa Instagram post niya nitong Hulyo 10, Sabado ng gabi na Kapuso na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto na dating may hawak ng ABS-CBN Star Magic.

Bahagi ng IG post ni Ate Koring, “What a fun evening to cap a long and tiring day. A feast of food and laughter and no holds barred and, therefore, censored conversation with some of the movers and most interesting pillars of the industries: ABSCBN now GMA 7’s Johnny Manahan and Mariole Alberto…”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Iyon nga ang usap-usapang ipapakilala na si Mr. M at Ms. Mariole na bagong Kapuso sa darating na linggo.

Hindi lang malinaw kung ano talaga ang posisyon nila sa GMA Artist Center (GMAAC).

Ang sabi, magiging consultant sila, at nandiyan pa rin ang mga dating nakaupo sa GMAAC.

May isang sinabihan daw si Mr. M na kapag nasa Artist Center na sila, titiyakin daw nilang ipa-prioritize pa rin ang home-grown talents ng GMA-7, bago ang mga kalilipat na dating Kapamilya stars.

Tingnan na lang natin kung ano ang magagawa nila sa GMAAC. Inaasahang mas marami silang mapapasikat.

Samantala, hindi na siguro ikagugulat kung nasa GMA na naman si Rafael Rosell.

Kagaya rin ni Sid Lucero na matagal-tagal din siya sa ABS-CBN 2, pero nanggaling din siya ng GMA-7, at ngayon ay balik-Kapuso siya sa The World Between Us.

Malapit na natin siyang mapanood dahil lumabas na noong nakaraang Biyernes sina Alden Richards, Jasmine Curtis, at Tom Rodriguez.

Continue reading below ↓

Ang inaabangan pa natin ay ang announcement kay Xian Lim na matagal nang kinumpirma na katambal ni Jennylyn Mercado sa Kapuso drama series na Love. Die. Repeat.

Ang isa pang naiintriga ako, may mga fans na nagtatanong sa akin kung totoo bang lilipat na rin sa Kapuso sina Ronnie Alonte at Loisa Andallo.

Sila kaya ang ilan sa mahahatak ni Mr. M sa GMA-7?

NOEL FERRER

Ngayong Linggo, nasa star-studded na ASAP Natin ‘To ang mga key Kapamilyas with the theme Kapamilya Forever!

Sinabing magbabalik-ASAP ang LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil) na flag carrier ng Kapamilya celebration after one year of the ABS-CBN Franchise shutdown.

Kasama rin ang Momshies (Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros), ang aking premyadong aktres na talent na si Iza Calzado, si Erich Gonzales ng La Vida Lena, Gold Squad, Donny Pangilinan and Belle Mariano, Jake Cuenca and Dimples Romana, Sue Ramirez and Jane Oineza, at FPJ’s Ang Probinsyano girls Angel Aquino, Shaina Magdayao, and Jane de Leon.

Continue reading below ↓

Maliban sa messages ng icons mula sa It’s Showtime at ni Ma’am Charo Santos-Concio, maganda ring makitang magbigay ng message sa Kapamilya Forever episode si Piolo Pascual na nag-acknowledge na malaking tulong pa rin ang iba’t ibang platforms na namamayagpag ang mga Kapamilya.

And before going to commercials, bumulaga ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na nagsabing, “Marami na tayong pinagdaanan at ang tunay na magkakapamilya, hindi nag-iiwanan.”

Sa mga balitang lipat-lipatan—Kapuso man, Kapamilya o Kapatid—home is where the heart is really.

Doon ka kung saan ka lalago, gagaling, sasaya, at bubuti!!!

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Huling napanood sa ABS-CBN si Rafael Rosell sa seryeng Huwag Kang Mangamba.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results