Pokwang, tuluy-tuloy ang trabaho sa Kapuso Network

by PEP Troika
Jul 11, 2021
Patuloy na umaalagwa ang career ni Pokwang sa Kapuso Network sa dami ng kanyang mga shows at guestings

JERRY OLEA

Regular na ba si Pokwang bilang AyOS Barkada sa All-Out Sundays (AOS)?

Noong Hunyo 27 ang grand welcome kay Pokwang sa AOS.

Noong sumunod na Linggo, Hulyo 4, ay nag-perform siya ng iconic Pinoy pop hits kasama sina Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Rita Daniela, Kyline Alcantara, at Kate Valdez.

Ngayong Hulyo 11, Linggo, ay nagpasiklab siyang muli sa AOS bilang host.

Pang-weekend ang talento, alindog, at halimuyak ni Pokwang sa Kapuso Network?!

Noong Hulyo 3, Sabado ng 4:00 p.m., ay tampok si Pokwang sa buena manong handog ng Wish Ko Lang para sa month-long celebration ng 19th anniversary ng programa.

Karomansahan ni Pokwang sa natatanging episode ang pogilicious yummylicious na si Jeric Gonzales.

Sa unang paglabas ni Pokwang sa Magpakailanman drama anthology nitong Hulyo 10, Sabado ng 10:30 p.m., title role siya sa episode na “Nanay Kontesera.”

“Ang Ganda ko deeebbbaaaa??? Tunghayan ang kuwento ng isang ina na handang gawin ang lahat para lang maitaguyod ang kanyang mga anak,” paanyaya ni Pokwang sa Facebook kaugnay sa pagbibida niya sa Magpakailanman.

Continue reading below ↓

Sa Hulyo 17, Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend, magpa-pilot ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Kasama rito ni Pokwang ang mga bidang sina Sef Cadayona at Mikee Quintos, maging sina Kokoy de Santos, Gladys Reyes, Archie Alemania, Denise Barbacena, at Kristoffer Martin.

Syanga pala, nasa AOS din ngayong Linggo ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo.

Ipinagmalaki ni Bea na ang AOS ang number one Sunday noontime program ngayon sa Philippine television!

GORGY RULA

Bale pangatlong Linggo na ito ni Pokwang sa AOS, pero wala pang kinukumpirma kung magiging regular na siya.

May mga ipinu-promote lang kasi siya, at ang subtle ng pasok niya ng promo ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento sa comedy segment ng AOS na "I’m Byerna."

Guest lang siya sa segment na yun nina Kakai Bautista, Tuesday Vargas, Buboy Villar, at kasama rin niya sa bagong sitcom na sina Denise Barbacena, Sef Cadayona, at Edgar Allan Guzman.

Continue reading below ↓

Lumabas doon si Pokwang na nagpakilalang si Bea Bunda na nakitsismis kung sinu-sino pa ang lilipat sa kanilang network.

Aliw kung paano nila nailusot sa comedy skit ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na magsisimula na sa July 17.

Sobrang busy ni Pokwang na nahirapan silang maisama siya sa presscon ng Ang Unang Kuwento sa Hulyo 14, Miyerkules. Pero naayos naman.

Bukod sa mga regular niyang shows sa GMA-7, may bago pa siyang kakaiba at nakakatawang cooking show, ang Kusina ni Mamang, na isa sa mga bagong programa ng Buko Channel.

Type na type niya ang format ng show dahil gustung-gusto niya ang magluto at may pa-comedy.

Magbubukas na sa August 2 ang Buko Channel sa Channel 2 ng Cignal TV.

NOEL FERRER

Congrats, Pokwang, na tuluy-tuloy ang work, work, work sa Kapuso network.

Habang wine-welcome si Pokwang sa Kapuso Network at pagkatapos sabihin ni Bea na number one noontime program ang AOS, nagbibigay pa ng mensahe sa ASAP Natin ‘To sina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Angel Locsin, Judy Ann Santos-Agoncillo at Coco Martin punctuated by Vice Ganda na kumanta ng relyriced version ng kanta nina Ice Seguerra at Direk Joven Tan na "Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa?"

Continue reading below ↓

Asap Natin 'To

Ang sabi ni Vice, “Ang labis na sakit, hinihilom ng pagmamahal at pag-asa.”

Vice Ganda

Continue reading below ↓

Sinundan ito ng pag-awit ng lahat ng "Hawak Kamay," "Habang May Buhay," at "Salamat."

Asap Natin 'To

A year after the non-renewal of the ABS-CBN franchise, sana ay makita natin na hindi ito usapin ng iisang media establishment lamang. It could have been a cause for solidarity as a nation.

Dahil bilang pangwakas ng espesyal na episode ng ASAP, nagkaroon ng exclusive performance ang world renowned British group na Coldplay with their new single "Higher Power," as if telling us—kung ano man ang nangyayari sa atin, hindi lang bilang network, kundi bilang isang bansa… there is a HIGHER POWER watching over us.

Continue reading below ↓

Harinawa!

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy na umaalagwa ang career ni Pokwang sa Kapuso Network sa dami ng kanyang mga shows at guestings
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results