Senator Bong Revilla, lubos ang pasasalamat sa supporters

by PEP Troika
Jul 11, 2021
Senator Bong Revilla, lubos ang pasasalamat sa pamilya at mga tagasuporta sa pagbasura ng Ombudsman sa graft charges laban sa kanya kamakailan.

GORGY RULA

Paulit-ulit na nagpasalamat si Sen. Bong Revilla sa lahat na supporters niya at sa kanyang pamilya pagkatapos siyang maabsuwelto sa kasong graft, kunsaan na-grant ng Sandiganbayan ang Demurrer to Evidence.

Nagbigay siya ng pahayag noong Sabado ng gabi, July 10, sa kanyang Agimat ng Agila Giveaway kung saan namimigay sila ng mga papremyo sa mga tumututok sa weekly series niya.

Pagkatapos ng airing nito, nag-Facebook live siya at doon siya namimigay ng cash prizes at gadgets sa followers niya.

Kasama niya noong gabing iyon si Mayor Lani Mercado at ang anak nilang si Vice Governor Jolo Revilla.

Senator Bong Revilla

Continue reading below ↓

Bago ang pamimigay ng papremyo, nagpasalamat muna si Sen. Bong sa lahat na mga nagdasal na malagpasan niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Aniya, “Ang akin pong taus-pusong pasasalamat sa lahat na nagdasal para sa akin, para sa aking pamilya.

“Alam mo talagang God is so good. Kaya ang masasabi ko lang, Lord, thank You very much. Thank You, Lord.”

Sabi naman ni Mayor Lani, “Maraming salamat sa lahat na tagasuporta mo, sa lahat ng naniniwala sa ‘yo.

“They stayed strong, they believed in you. Kahit na ano pang batikos na ginagawa ng mga kalaban, nandiyan pa rin sila, loyal pa rin sila sa ‘yo.

“Kaya, Papa, makakaasa ka, ang pamilya mo, laging nandiyan.”

Sagot naman ni Sen. Bong, “To you, Mama, thank you very much.

“Noong nandun ako sa loob, ikaw ang tumayong tatay, nanay, lahat na. At the same time, Mayor ka ng Bacoor, lahat ‘yan, nalagpasan natin.”

Continue reading below ↓

Ang isa sa inilabas na hinanakit ni Sen. Bong, kahit na-clear na siya sa lahat na mga kasong hinarap niya, nahusgahan na siya at may mga bumabatikos pa rin sa kanya.

Masakit din daw isipin ang halos limang taon na nasayang sa kanya dahil sa pagkapiit niya sa Camp Crame.

Nakalabas lamang siya nang na-acquit siya sa kasong plunder. Pero natira pa itong kasong graft.

Bale walong taon din niya itong hinarap, dahil lamang sa mga paninira sa kanya ng kalaban sa pulitika.

“Yung walong taon, mga kababayan, sa totoo lang, yun talaga ang napakahirap na pinagdaanan.

“Talagang totoo po… sabi ko nga, lagi kong sinasabi, drum na luha, totoo yun.

“Kaya nandoon pa rin yung phobia, yung trauma… minsan, naging emotional pa rin.

“At least, tapos na. Kaya sabi ko nga, yung mga nangyari sa buhay natin, kahit sabihin mo pang… ayoko nang makasakit. Pag sinabi kasi, dahil sa pulitika… ganun-ganun, tutuklapin na naman natin yung sugat, e.

Continue reading below ↓

“That’s water under the bridge. Basta ang hiling ko lamang po, ang importante lang lalo na sa mga naninilbihan sa bayan na nangangarap ding tumakbo sa mas mataas na posisyon, kung ano man… Basta ang isipin natin palagi, kung ano mang mas makakabuti sa bayan.

“Yung pagwasak, pagyurak sa buhay ng may buhay, yung maatim mo yung ano minsan… tama na po yung ganun.

“Tama na po yung pulitika na ganyan, lalo na sa panahon ng pandemya. Talagang dapat isipin natin kung papaano tayo makatulong sa bayan, kung papaano natin masosolusyunan yung gutom.

“Marami pong walang trabaho ngayon, because of the pandemic. Itong Covid-19 na ito na talagang nandiyan pa rin yung salot.

“Kaya habang nandiyan, huwag po tayong makalimot sa Diyos. Dahil ang Diyos, laging nandiyan at hindi tayo pababayaan. Ako po ang isa sa makakapagpatunay na meron talagang Diyos.

“Kaya sa lahat na nagdasal para sa akin, thank you, thank you very much from the bottom of my heart,” madamdamin niyang pahayag.

Continue reading below ↓

Medyo garalgal na ang boses niya at halatang pinipigilan na niyang umiyak nang nabanggit na ang namayapa niyang ama, ang dating Sen. Ramon Revilla Sr.

“Ang pinaka… yung para sa tatay ko. Naalala ko nung nandun ako sa harapan ng kabaong niya.

“Sabi ko, ‘Daddy, lilinisin ko ang pangalan natin, ang pangalang Revilla. Lalabas po ang katotohanan.’ Eto na po yun.

“Daddy, thank you. Ayokong maging emotional, e. Thank you very much,” saad niya, at kumuha siya ng tissue na ipinahid sa mata niya.

Senator Bong Revilla

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Kasabihan nga, “God sees the truth, but waits…”

Naglabas ng statement ang Ombudsman na hindi na nila iaapela ang pag-grant ng Sandiganbayan sa Demurrer to Evidence, at pagkabasura ng kaso.

Ngayong Hulyo 11, Linggo ay nag-taping si Sen. Bong sa Tanay, Rizal para sa karagdagang eksena ng Agimat ng Agila.

Two Saturdays na lang at matatapos na ang season 1 ng action-adventure series, at pag-uusapan na raw ang season 2.

Sa product launch ng Oracur nitong Hulyo 10, Sabado sa Marco Polo Hotel, Meralco Ave., Pasig City, looking forward si Allen Dizon sa pagsasama-sama muli ng mga nagkatrabaho sa unang season ng Agimat ng Agila.

Ani Allen, masaya ang kanilang lock-in shooting noon, at magaan ang kanilang pagtatrabaho.

Sa totoo lang, andaming puwedeng pigain sa mga pakikipagsapalaran nina Gabriel (Sen. Bong) at Maya (Sanya Lopez)!

NOEL FERRER

With the case off his shoulders, maliban sa kanyang Agimat Ng Agila sa TV, lalahok na ba ulit sa wakas si Senator Bong Revilla sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF)?

Continue reading below ↓

Matatandaang naging fixture din si Senator Bong sa December filmfest.

Noong 2013, napabalitang nag-pull out si Senator Bong sa MMFF dahil ang kanyang pelikulang My Super Kap had conflict sa schedules ng kanyang leading ladies na sina Toni Gonzaga and Ai-Ai de las Alas.

Maaalala si Senator Bong sa mga pelikulang Captain Barbell, Exodus, Resiklo, Ang Panday, Si Agimat At Enteng Kabisote, Ang Panday 2, Si Agimat, at Si Enteng At Ako, hanggang sa nag-lie low muna siya sa pelikula. Sana makagawa na siya this year.

Malaking boost iyan sa pagbubukas sana ng mga sinehan soon!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla, lubos ang pasasalamat sa pamilya at mga tagasuporta sa pagbasura ng Ombudsman sa graft charges laban sa kanya kamakailan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results