Encantadia head writer napa-react sa paninisi kay Aljur Abrenica sa pagbitiw noon ni Kylie Padilla

by PEP Troika
Jul 12, 2021
Inihayag ng Encantadia head writer na si Suzette Doctolero na kasali pa rin si Kylie Padilla sakaling magkaroon ng Part 2 ng Encantadia 2016. Ito ay sa gitna ng mga batikos kay Aljur Abrenica gawa ng hiwalayan nila ni Kylie.
PHOTO/S: @ajabrenica Instagram / Encantadia

JERRY OLEA

Nag-trending ang reboot ng Encantadia (Hulyo 2016-Mayo 2017) matapos mapabalita ang hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Sinisi ng fans si Aljur sa pagkamatay ni Amihan (karakter ni Kylie) sa Encantadia, maging sa pagbabago ng istorya at maagang pagtatapos ng maaksyong telefantasya.

Nabuntis kasi ni Aljur si Kylie, kaya ayun, tinigok sa kuwento si Amihan.

July 18, 2016 nagsimulang umere ang remake ng Encantadia. January 2017 pumutok ang balitang buntis si Kylie at ang ama ay ang nobyong si Aljur. Noon ding buwang iyon ay nag-leak ang advanced episode kunsaan pumanaw ang karakter ni Kylie sa show.

Facebook post ng ng soap opera writer na si Suzette Severo Doctolero noong isang araw sa hanash ng isang netizen na nagngingitngit kay Aljur, "Hahahaha… Wala lang. Tawang tawa lang ako sa post."

Maraming umaasam na magkaroon ng part two ang Encantadia remake, at magsama-sama muli sina Pirena (Glaiza de Castro), Amihan (Kylie Padilla), Alena (Gabbi Garcia), at Danaya (Sanya Lopez).

Continue reading below ↓

Nag-PM ako kay Suzette nitong Hulyo 12, Lunes ng umaga, "May Part 2 ba ang Encantadia? Posible ba iyon sa panahon ng pandemya? If ever, kasali pa ba sa kuwento si Amihan?"

Ang tugon ni Suzette, "Hindi kayang i-shoot yun ngayong pandemic. I don’t know if magagawa now or next year.

"Mahirap mag-shoot talaga. Ang Legal Wives na malaki ring show ay talagang inabot ng 5 lock-in.

"Yes, if ever [may part 2 ang Encantadia], kasama pa rin si Amihan."

GORGY RULA

Sa panahon ng pandemya, mahirap gumawa ng action fantasy na kagaya ng Encantadia.

Narinig kong may gagawin na si Kylie, at noon pa man ay pinaghahanda na siya para sa comeback project sa GMA.

Nagtataka lang ako sa ibang fans, bakit sinisisi nila si Aljur sa maagang pagbubuntis ni Kylie? Hindi naman pinilit si Kylie. Pareho nilang desisyon iyon, at kusang nagpakasal si Kylie kay Aljur.

Itong hiwalayan nila ay kapwa rin nilang pinagdesisyunan.

Continue reading below ↓

Ngayong nakalipat na ng ibang bahay si Kylie, bahagi na ito ng pag-move on nila at kailangan na niyang harapin ang kanyang showbiz career.

NOEL FERRER

Hindi pa rin ako makapaniwala sa kilalang aktres na itinuturong third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

I cannot… dahil sa napakaliit lang ang mundo ng showbiz at lahat ay magkakaugnay. Hindi talaga ako makapaniwala.

Ang gusto kong isipin ay dumating sana ang araw na humupa ang galit at sakit… at magkakaayos din ang mag-asawang Kylie at Aljur.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inihayag ng Encantadia head writer na si Suzette Doctolero na kasali pa rin si Kylie Padilla sakaling magkaroon ng Part 2 ng Encantadia 2016. Ito ay sa gitna ng mga batikos kay Aljur Abrenica gawa ng hiwalayan nila ni Kylie.
PHOTO/S: @ajabrenica Instagram / Encantadia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results