Lovi Poe piniling mag-stay sa GMA Network?

by PEP Troika
Jul 12, 2021
Hanggang ngayon ay wala pang sagot si Lovi Poe kung manananatili siya Kapuso o lilipat na siya sa ABS-CBN. Pero ayon sa ilang sources, sa GMA-7 pa rin ang aktres.
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram

GORGY RULA

Nagkaroon ng pagkakataong mag-bonding sina Lovi Poe at Ruby Rodriguez sa Los Angeles, California noong nandoon pa sa Amerika si Lovi.

Si Ruby ang gumanap na ina ni Lovi sa nagtapos nang Kapuso primetime series na Owe My Love, at napag-usapan nilang magkikita sila sa Amerika.

Kuwento ni Lovi, “Ever since, alam ko lagi siyang nasa-States.

"When I was there, never kami nagkaroon ng chance na magkita. Pero after doing our show sa Owe My Love, sabi namin, when we’re both there, we promised na magkikita kaming dalawa.

“So, mahirap yung schedule because she’s been working there and medyo magkaiba ang schedule naming dalawa. But we found time and spent lunch together.

“It was just nice, kasi parang nag-continuation lang kami ng Owe My Love, pero sana with everyone…

"Pero yun nga, at least yung friendship, tuluy-tuloy pa rin kahit tapos na yung Owe My Love.

“So, nagkita kami. We had lunch. Next time magkikita pa kami the moment I fly back.”

Continue reading below ↓

Nakatsikahan namin si Lovi noong Linggo, July 11, para sa promo ng pelikula niya sa Viva na The Other Wife.

May balak si Lovi na bumalik ng Amerika, pagkatapos ng commitments niya rito. Kaya balak niyang makipag-bonding uli kay Ruby pagbalik niya roon.

Inuuna muna ngayon ni Lovi ang promo ng The Other Wife dahil sa July 16 na ang streaming nito sa Vivamax, KTX, iWant TFC, at TFC IPTV.

Nasa Ilocos pa siya ngayon dahil sinu-shoot naman niya ang pelikula nila ni Carlo Aquino para sa Regal Entertainment. Excited din siya rito dahil sa kanya ang concept ng kuwento ng pelikula.

JERRY OLEA

Kapuso pa rin ba si Lovi Poe? Bakit kaya hindi siya makapagbigay ng diretsong sagot diyan?

Continue reading below ↓

Kahit Kapuso na sina Bea Alonzo, Beauty Gonzalez, at Pokwang, hindi basta-basta maiitsapwera ang husay ni Lovi. Sa edad niyang 32 anyos, marami pang pwedeng gampanan si Lovi.

Sana, ma-promote nang husto ang bago niyang pelikula at huwag itong magmukhang pito-pito.

Sunud-sunod kasi ang releases ng Viva—Kaka (Mayo 28), Ang Babaeng Walang Pakiramdam (Hunyo 11), Sana All (Hunyo 18), Gluta (Hulyo 2), Silab (Hulyo 9), The Other Wife (Hulyo 16), Nerisa (Hulyo 30), Revirginized (Agosto 6), Ikaw at Ako at ang Ending (Agosto 13).

Nagkakasapawan ang mga ito sa promo. Naka-cannibalize nila ang isa’t isa.

E, ang dami pang kaabang-abang na bagong palabas sa Netflix, gaya ng My Amanda (Hulyo 15) nina Alessandra de Rossi at Piolo Pascual.

Kapana-panabik ang iWantTFC original series na “My Sunset Girl,” na mapapanood sa buong mundo simula Hulyo 14, Miyerkules ng 8:00 p.m. Bida rito si Charlie Dizon—best actress sa MMFF 2020 at 4th Eddys para sa Fan Girl.

Continue reading below ↓


Charlie Dizon and Jameson Blake

Mapapanood si Charlie sa serye bilang si Ciara, isang masayahing dalagang gustong matupad ang mga pangarap niya sa buhay sa kabila ng kanyang malubhang sakit.

Ipinanganak siyang may xeroderma pigmentosum, isang kondisyong maaaring pumatay sa kanya kapag naarawan siya nang matagal. Dahil dito, pinagbabawalang lumabas ng bahay si Ciara at puro sa internet lamang siya nakakahanap ng mga kaibigan.

Continue reading below ↓

Co-stars dito ni Charlie sina Jameson Blake, Mylene Dizon, at ang leading man ni Lovi sa The Other Wife na si Joem Bascon.

Sa Hulyo 23, mag-i-streaming ang launching film ni Paolo Gumabao na Lockdown sa KTX, Upstream, RAD, at WeTV.

Sa direksiyon ni Joel Lamangan, matapang at makabuluhan ang pelikulang ito.


Continue reading below ↓

Sean de Guzman and Paolo Gumabao in Lockdown

Maliban kay Paolo, nagbuyangyang din dito ng kani-kanyang private part sina Sean de Guzman, Kristian Allene, Neil Suarez, Dincent Lujero, at Jeff Carpio.

Bongga ang special screening ng Lockdown noong Hulyo 3, Sabado sa Sine Pop, St. Mary St., Cubao, Quezon City, kung saan dumalo sina QC Mayor Joy Belmonte at FDCP Chair Liza Diño-Seguerra.

Sa Hulyo 30 naman ang KTX screening ng Gameboys The Movie nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.

Pasabog ang collection ng Gameboys posters na pagpupugay sa Top Gun, Brokeback Mountain, The Notebook, Ghost, Grease, La La Land, Pretty Woman, The Bodyguard, Titanic, at Dirty Dancing!


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sa hinaba-haba man ng usap-usapan, sa Kapuso pa rin uuwi si Lovi. Marahil, ongoing pa ang negosasyon.

By all means, it is understandable na igiit niya ang kanyang pangunguna sa teritoryo bago pa man sumalta sa GMA ang mga Kapamilya.

Abangers na lang tayo!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hanggang ngayon ay wala pang sagot si Lovi Poe kung manananatili siya Kapuso o lilipat na siya sa ABS-CBN. Pero ayon sa ilang sources, sa GMA-7 pa rin ang aktres.
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results