Mr. M inaming may Kapamilya stars na gustong sumama sa kanya sa GMA-7

by PEP Troika
Jul 14, 2021
Johnny "Mr. M" Manahan: "Uunahin muna yung homegrown talents rather than yung tumatalon ng bakod, yung umaakyat ng bakod. So, that’s one of the main goals for Artist Center, is to prioritize homegrown talents."
PHOTO/S: ABS-CBN

GORGY RULA

Hindi itinanggi ni Johnny Manahan o Mr. M na may ilang Kapamilya stars na kumausap sa kanyang isama na sila sa paglipat nito sa GMA-7.

“Meron naman,” napangiting pakli ni Mr. M nang tinanong namin ito sa kanya sa mediacon niya sa GMA-7 noong Hulyo 13, Martes.

“Sabi ko, 'Diyan na lang muna kayo.' Kasi, okay naman yung lakad nila roon. I was able to get a very nice contract for them doon.

“So, just wait until the contracts are finished and then you can make up your mind kung saan kayo talaga mananatili.”

Ang gusto raw ni Mr. M ay Kapuso artists muna ang bigyan ng priority bago ang ibang artistang naglipatan galing sa ibang network.

“Maganda kasi iyan, e. Uunahin muna yung homegrown talents rather than yung tumatalon ng bakod, yung umaakyat ng bakod.

“So, that’s one of the main goals for Artist Center, is to prioritize homegrown talents,” saad niya.

Continue reading below ↓

Kahit may ilang nagne-nega sa desisyon ni Mr. M na tanggapin ang alok ng GMA-7, may ilang Kapamilya stars namang masaya para sa kanya.

“Siyempre, may lungkot, may saya,” pakli ni Joem Bascon nang nakatsikahan namin sa DZRH noong Martes ng gabi para sa promo ng pelikulang The Other Wife na magsu-showing na sa Vivamax sa July16.

“Alam mo yung malungkot, kasi maaalala mo yung pinagdaanan ng lahat na magkasama. Siyempre, yung nangyari sa ABS-CBN.

“Pero I’m happy, and positive ako sa paglipat niya. Kasi, alam kong madami siyang matutulungan na kailangan ang kanyang guidance.

“Kung nakapagbigay siya ng tulong sa ibang artista, bakit hindi? Siguro, yun ang calling niya na makapagbigay pa ng advice at guidance sa iba pang actors sa ibang network,” dagdag niyang pahayag.

NOEL FERRER

Maganda rin na welcome si Mr. M sa mga homegrown Kapuso talents, like Ruru Madrid na lead actor ng bagong teleseryeng Lolong.

Continue reading below ↓

Ang sabi ni Ruru, “Of course, I am very happy po na kasama na po natin si Mr. M sa Kapuso network.

“Kilala siya bilang mentor at tatay sa industriya, at marami na ring natulungan upang makamit ang kani-kanilang pangarap.

“I am looking forward to work with him sa mahabang panahon at inaasahan ko na marami siyang maituturo sa akin na mga bagay na dadalhin ko habang buhay.”

As I said, Mr. M’s transfer must be a game changer knowing that he can do more in upping the standard and setting the ante for quality talents and productions.

Marami ring nagsasabing sana tumulong din ni Mr. M sa pagbubuo ng All-Out Sundays, o mga musical variety at comedy programs pati mga network specials dahil yun ang forte niya.

I will always have my highest respect for an institution like Mr. M!

JERRY OLEA

Ang sabi naman ni Jeric Gonzales, “Looking forward po ako na ma-meet si Mr. M.

Continue reading below ↓

“Alam naman natin kung paano niya inalagaan ang mga ABS talents na tinitingala na ngayon.

“Wish ko po na magabayan po kami patungo sa pinapangarap namin dito sa profession na pinasukan namin.”

Sa Instagram post ng GMA Network, nag-welcome din kay Mr. M sina Iya Villania, Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Yasmien Kurdi, Edgar Allan Guzman, Pokwang, Ina Feleo, Rita Daniela, Winwyn Marquez, Benjamin Alves, Tom Rodriguez, Ashley Ortega, Gina Alajar, Rocco Nacino, Kelvin Miranda, Jackielou Blanco, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Thia Thomalla, Sofia Pablo, Gil Cuerva, Royce Cabrera, Michelle Dee, Miggs Cuaderno, Faith da Silva, Lexi Gonzales, at marami pang iba.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Johnny "Mr. M" Manahan: "Uunahin muna yung homegrown talents rather than yung tumatalon ng bakod, yung umaakyat ng bakod. So, that’s one of the main goals for Artist Center, is to prioritize homegrown talents."
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results