Coco Martin at Julia Montes nagsu-shooting ng pelikula sa Pola, Oriental Mindoro

by PEP Troika
Jul 15, 2021
Ibinahagi ni Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Midnanao Cruz (dating aktres na si Ina Alegre) ang mga larawan niya kasama ang rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes na kasalukuyang nagsu-shooting ng pelikula sa nasabing bayan.
PHOTO/S: Courtesy of Mayor Jennifer Mindanao Cruz

GORGY RULA

Nasa Pola, Oriental Mindoro ngayon ang grupo ni Coco Martin para mag-shoot ng pelikulang pagsasamahan nila ni Julia Montes at ididirek ni Brillante Mendoza.

Naka-text ko ang alkalde ng Pola na si Jennifer Mindanao Cruz, na mas kilala bilang dating aktres na si Ina Alegre.

Naikuwento ni Mayor Ina sa PEP Troika na tatlong araw na roon sina Coco, at baka isang linggo na lang ay matatapos na sila ng shooting.

Si Coco muna raw ang unang kinukunan, pero nandoon na rin at naka-lock-in ang iba pang cast members.

Tinext ko rin si Direk Brillante para sa ilang tanong ko, pero hindi pa siya nakakasagot.

May pagka-action daw ang pelikula na may tentative title na The Policemen.

Bukod kina Coco at Julia, kasama rin sa movie sina Raymart Santiago, Lotlot de Leon, at Alan Paule.

Noon pa man ay sinasabi na sa amin ni Mayor Ina na open ang Pola sa mga gustong mag-shoot ng isang pelikula o mag-lock-in taping para sa isang TV series.

Continue reading below ↓

Ipinagmamalaki niya ang ganda ng Pola, Oriental Mindoro. Halos wala na rin daw COVID-19 cases doon.

Talagang nag-iingat daw sila nang husto para hindi madagdagan ang nagka-COVID doon. Tinitiyak daw niyang vaccinated na lahat ng mga nagtatrabaho roon para safe ang lahat.

Idinadalangin daw niyang hindi lang magkabagyo para tuluy-tuloy at walang aberya ang shooting nina Coco at Julia.

JERRY OLEA

Hinubog ni Direk Brillante si Coco sa mga pelikulang Masahista (2005), Kaleldo (2006), Tirador (2007), Serbis (2008), Kinatay (2009), at Captive (2012).

Malalim ang kanilang pagkakaibigan, kaya natutuwa tayong magkatrabaho silang muli.

Siyempre pa, exciting ang pagtatambal muli nina Coco at Julia. Hudyat ba itong aaminin na nila ang totoong namamagitan sa kanila?

NOEL FERRER

Bukod kina Coco at Julia, excited ako sa pagbabalik-pelikula ni Raymart, na masayang napako rin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

At least, mapapanood na naman natin ang Raymart na action star noon sa Viva at napakahusay sa pelikulang Mumbaki (1996).

Continue reading below ↓

Iyan ang masaya—kay Coco at Julia man o kay Raymart, maging kay Lotlot at kay Alan Paule—maayos na ang career, maligaya pa ang love life.

All the best to all of them!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ni Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Midnanao Cruz (dating aktres na si Ina Alegre) ang mga larawan niya kasama ang rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes na kasalukuyang nagsu-shooting ng pelikula sa nasabing bayan.
PHOTO/S: Courtesy of Mayor Jennifer Mindanao Cruz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results