Kapuso creative writer Suzette Doctolero may buwelta sa patutsada ni ABS-CBN director Andoy Ranay

by PEP Troika
Jul 15, 2021
GMA-7 creative writer Suzette Doctolero hindi natiis na sagutin ang ABS-CBN director na si Andoy Ranay na nagsabing world class ang shows ng ABS-CBN kahit walang franchise, hindi tulad ng ibang TV network na "basura" ang content. Hirit ni Suzette, "Jusko, manginig naman sa pagpapatutsada at pagsabi ng world class pa more."
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Magtatapos sa Hulyo 23, Biyernes, ang airing ng K-drama na The Penthouse sa GMA Telebabad.

Sa Hulyo 26, Lunes, ang pilot telecast ng cultural drama series na Legal Wives, starring Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, and Bianca Umali.

Siyempre, sa Kapuso prime-time block ito. Saang timeslot kaya ipupuwesto ang Legal Wives?

Una nang nag-disclaimer ang Kapuso soap opera writer na si Suzette Doctolero na ang Legal Wives ay "hindi kuwentong kabitan" kundi isang cultural drama series.

"Lalong hindi ito pornoserye," diin ni Suzette.

Dagdag niya, "Kuwento ito ng kakaibang pagsasakripisyo at pagmamahal.

"Ng isang pamilyang ibinagsak ng Marawi siege pero bumangon pa rin at naging mas matatag at buo sa tulong ng Allah."


Continue reading below ↓

SUZETTE TAKES A SWIPE AT ANDOY

May halong patutsada ang Facebook post na ito ni Suzette noong July 13.

Kalakip ng post ni Suzette ay ang ulat kunsaan ang Kapamilya director na si Andoy Ranay ay nagbitiw ng mga salitang "aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho."

Sinabi rito ni Andoy na siya ay proud Kapamilya dahil may franchise man o wala ay "world class quality" raw ang shows ng ABS-CBN.

Hinihinalang GMA-7 ang tinutukoy ni Andoy na TV network na may franchise pero hindi maganda ang shows.

Pinigilan daw ni Suzette ang sariling huwag patulan ang isyu, pero nagpasintabi siyang hindi niya kinaya.

Kontra-patutsada ni Suzette, gumawa rin ang mga Kapamilya ng "kwentong may mga Muslim pero ginawa nilang mga terorista."

Hirit pa ni Suzette, "Jusko, manginig naman sa pagpapatutsada at pagsabi ng world class pa more."

Natatandaan daw ni Suzette na matapos ang 2013 Kapuso series na My Husband's Lover ay may ginawa si Andoy na LGBT-themed soap.

Continue reading below ↓

Pero hindi raw napanindigan at ginawang hetero love story.

"Yan na ba ang world class? Trabahong duwag?" katwiran ni Suzette.

Saka idiniin ni Suzette na pinanindigan ng GMA-7 ang paggawa ng matatapang na kuwento, at pagrespeto sa kung anumang minority group na ginagawan ng kuwento.

Ang Legal Wives ay hindi basura!!!

Lalong naging interesting ang Legal Wives dahil sa payo ni Robin Padilla sa anak na si Kylie Padilla, "Pag-Muslim-in mo na lang si Aljur!"

Si Robin ay itinuturing ang sarili na devout Muslim.

Naghiwalay ang mag-asawang sina Kylie at Aljur Abrenica dahil sa third party. Nauugnay si Aljur sa isang kilalang aktres.

GMA-7 PRIME-TIME LINEUP

Sa ngayon, ang magkakasunod na napapanood sa Kapuso prime-time block pagkatapos ng 24 Oras ay ang The World Between Us (TWBU), Endless Love, Lie After Lie, at The Penthouse.

Ewan kung papantay man lang ang TWBU sa ratings ng pinalitang First Yaya.

Sa rerun ng Endless Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, tampok din si Dennis Trillo.

Continue reading below ↓

Naudlot ang pagpapalabas ng Legal Wives noong Hunyo 21, at isinalpak ang K-drama na Lie After Lie.

GORGY RULA

Finally, matutuloy na rin sa Hulyo 26 ang Legal Wives, at ang lakas ng dating nito base sa lumalabas na teaser.

Napapanood pa roon si Cherie Gil, at curious kami kung paano siya mawawala sa istorya dahil hindi raw kailangang palitan ng ibang aktres.

Samantala, nagsisimula na rin ang taping ng iba pang soap ng GMA-7. Isa na rito ang I Left My Heart in Sorsogon nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Naka-quarantine na ang buong cast at nakatakda silang tumulak pa-Sorsogon sa Sabado. Hanggang August sila roon at maaring tatapusin na ang buong season.

This weekend ay naka-quarantine na ang cast at production staff ng Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgitte. Sa Hulyo 21, Miyerkules, ang start ng lock-in taping nila sa Tanay, Rizal.

Marami pang naka-lineup sa Kapuso Network. Wala pa tayong nababalitaan kung ano naman ang soap na sisimulan ng TV5. Parang sa ibang programa sila naka-focus.

Continue reading below ↓

So far, magkaka-season two pa lang daw ang Niña Niño nina Maja Salvador at Noel Comia.

Ang Kapamilya Channel naman ay pinaghahandaan na ang The Broken Marriage Vow nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, at Zaijian Jaranilla. Iilan pa lang ang pinaghahandaan ng Kapamilya Channel.

Unlike sa Kapuso network na ang dami nang nakakasa hanggang sa susunod na taon. Kailangang mabigyan ng tamang projects ang homegrown talents ng GMA, at nadagdagan pa ng mga naglilipatang Kapamilya.

Siguro naman, kahit paano ay may lulutang na magandang papanoorin sa mga proyektong basura kung ituring ni Direk Andoy Ranay.

NOEL FERRER

Aabangan natin ang Legal Wives, pati na ang The Broken Marriage Vow.

Pero mas kaabang-abang kung saan hahantong ang sagutang Andoy Ranay versus Suzette Doctolero, with Jaclyn Jose as supporting player.

Para na rin itong teleserye.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 creative writer Suzette Doctolero hindi natiis na sagutin ang ABS-CBN director na si Andoy Ranay na nagsabing world class ang shows ng ABS-CBN kahit walang franchise, hindi tulad ng ibang TV network na "basura" ang content. Hirit ni Suzette, "Jusko, manginig naman sa pagpapatutsada at pagsabi ng world class pa more."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results