Kokoy de Santos puring-puri ng mga katrabaho sa Pepito Manaloto: Unang Kuwento

by PEP Troika
Jul 15, 2021
Parehong mapapanood sina Kokoy de Santos (kaliwa) at Elijah Canlas (kanan) ngayong Sabado, July 17. Si Kokoy ay kasama sa cast ng Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Unang Kuwento, habang si Elijah naman sa "The Lucky One" episode ng My Fantastic Pag-ibig na mapapanood sa GTV.
PHOTO/S: GMA Network / The IdeaFirst

JERRY OLEA

Bumilib ang staff ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento kay Kokoy de Santos, na gaganap bilang best friend ni Pepito (Sef Cadayona) na si Patrick—petmalu sa katamaran, pero masipag sa pagchibog ng paboritong hotdog.

Ang husay raw pala ni Kokoy! Kaya bet nila itong makatrabaho sa iba pang Kapuso programs.

Tingnan natin kung nasasapawan ba ni Kokoy si Sef sa pag-uumpisa ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa Hulyo 17, Sabado ng 6:15 p.m. pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA-7.

Samantala, bida sina Therese Malvar at Elijah Canlas sa “The Lucky One” episode ng My Fantastic Pag-ibig sa Sabado rin, sa bago nitong timeslot na 7:15 p.m., pagkatapos ng Flex sa GTV.

Sa istorya, pumanaw ang ama ni Wendy (Therese Malvar), kaya umuwi siya ng probinsiya para tulungan ang kanyang Ate Emily (Mel Kimura) sa kanilang bakery.

Pagbalik ng dalaga sa kanilang tahanan, hindi lang ang natatagong baking skills niya ang lalabas pati na rin ang secret admirer… ang duwendeng si Dwayne (Elijah Canlas).

Continue reading below ↓

Take note na sina Kokoy at Elijah ang magka-partner sa unang Pinoy BL series na Gameboys na ipinalabas sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company umpisa Mayo 22, 2020, Biyernes ng 8:00 p.m.

Ito ring Gameboys ang unang Pinoy BL series na nag-streaming sa Netflix umpisa Disyembre 30, 2020.

Ipinalabas din ang Gameboys sa Heart of Asia umpisa Hunyo 13, 2021.

Sa Hulyo 30, mag-i-streaming sa KTX ang Gameboys The Movie, na bida pa rin siyempre ang EliKoy.


Continue reading below ↓

In-upload ng The IdeaFirst Company sa socmed ang trailer ng Gameboys The Movie noong Mayo 22, 2021, kaugnay sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng nasabing Pinoy BL series. Naka-2M views na ito sa Facebook, at 398K views sa YouTube.

Bukas (Hulyo 16, Biyernes) ng 8:00 p.m., ipapalabas sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company ang isang movie clip ng pelikula.

Sabi ng producer na si Direk Perci Intalan, “Mahaba-haba iyong movie clip, longer than a trailer. Over 3 minutes yata.

“Maraming pag-uusapan sa clip na lalabas!”

GORGY RULA

Parang hindi makapaniwala si Kokoy nang sinabi ko sa kanya sa mediacon ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento na na-impress sa kanya ang mga staff at co-stars niya.

Magaling daw pala talaga ang aktor, kaya hindi malayong mabigyan pa siya ng iba pang project sa GMA 7 bukod sa sitcom na ito.

“Maraming salamat po. Nakakataba ng puso,” parang nahihiyang pakli ni Kokoy, dahil ngayon lang daw niya ito narinig.

Continue reading below ↓

Tumatango si Michael V, na umaayon sa sinasabi ng iba na magaling si Kokoy.

Sabi ni Kokoy, “Sa akin naman po, every time na bibigyan ako ng blessing ni Lord, ginagawa ko lang po talaga kung ano ang kaya ko. Hangga’t makakaya ko, ibibigay ko.

“Kung mabigyan man ulit ng panibagong project dito sa Kapuso, e, talagang buong puso ko pong tatanggapin.”

Posibleng masundan pa ng iba pang projects sa Kapuso si Kokoy, at ganundin si Elijah Canlas.

Kahit may susunod pang lilipat sa Kapuso mula sa Kapamilya network, kailangan pa rin ang mga katulad nina Kokoy at Elijah na bukod sa magaling ay professional silang katrabaho, at walang attitude. Pero ang dami pa rin nilang supporters na gustung-gusto ang tandem nilang dalawa.

Malalaman natin ‘yan kapag maganda ang resulta ng Gameboys The Movie. Kung masusundan pa sila ng projects sa Kapuso, sana ay may kanya-kanya sila at huwag na silang pag-partner-in. Tama na yung tambalan nila sa Gameboys.

Continue reading below ↓

Noong nasa TV5 sila, may kani-kanya silang project.

Si Elijah, nasa Xmaseryeng Paano Ang Pasko?, na ang book 2 ay Paano Ang Pangako?. Katambal niya si Miles Ocampo.

Si Kokoy de Santos, naka-partner naman ni Maris Racal sa Stay-In Love.

NOEL FERRER

Ang sarap lang sa pandinig na napapahalagahan yung ginawa mo, lalo na mula sa creator ng programa tulad ni Michael V. At isa iyang basbas at seal of approval na mag-i-inspire sa isang young actor like Kokoy.

Excited din akong mapanood ang pelikula nila ni Elijah na Gameboys.

No way but up, Kokoy—comedy ngayon at sana, kahit sa drama, pasok pa rin sa banga!!!

Masaya tayo na may magaling, matapang at mabait na bagong aktor na dagdag sa ating industriya, di ba?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong mapapanood sina Kokoy de Santos (kaliwa) at Elijah Canlas (kanan) ngayong Sabado, July 17. Si Kokoy ay kasama sa cast ng Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Unang Kuwento, habang si Elijah naman sa "The Lucky One" episode ng My Fantastic Pag-ibig na mapapanood sa GTV.
PHOTO/S: GMA Network / The IdeaFirst
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results