Andoy Ranay may mensahe kay Jaclyn Jose; no reaction kay Suzette Doctolero?

by PEP Troika
Jul 16, 2021
May pahabol na patutsada si GMA-7 creative writer Suzette Doctolero (right) laban kay ABS-CBN director Andoy Ranay (left) dahil sa panlalait umano ng huli sa TV content ng Kapuso network. Sa panig ni Andoy, tanging ang pagkadismaya ni Jaclyn Jose (center) sa kanya ang sinagot nito nang makausap ng PEP Troika.
PHOTO/S: Facebook / @jaclynjose Instagram / Facebook

JERRY OLEA

Matalinhaga ang Facebook post ng multi-awarded director-scriptwriter na si Jose Javier Reyes nitong Hulyo 15, Huwebes ng gabi, sa Facebook.

Ani Direk Joey: "What we whisper among friends ... remains within that circle of confidentiality and trust.

"But what we declare in public platforms regardless of intent or reason, we must be held responsible and accountable.

"Caution, discretion and respect even in the brutality of being honest.”

Swak na swak iyon sa parunggitan nina Kapamilya director Andoy Ranay at Kapuso soap opera writer Suzette Doctolero.

Kontrobersiyal ang pahayag ni Direk Andoy sa virtual mediacon ng La Vida Lena:

"The reason why I stayed and continue serving with ABS-CBN is because I believe the content that ABS-CBN is producing, no matter what, may franchise o wala, is world class quality…

"So, aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho, wow! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Noong Hulyo 13, Martes, three-part ang sagot ni Suzette sa Facebook kaugnay sa pahayag ni Andoy. Natalakay na natin dito sa PEP Troika ang unang bahagi ng paliwanag ni Suzette.

Continue reading below ↓

Tingin ni Suzette ay GMA-7 ang pinatamaan ni Andoy na TV network na "basura" ang content ng shows.

Sa kontra-patutsada n Suzette, kinuwestiyon niya ang sinabi ni Andoy na "world class" ang mga palabas ng ABS-CBN kahit walang franchise.

Narito ang ikalawang bahagi ng pananaw ni Suzette (published as is):

"Sa totoo lang, at pagpapakatotoo lang, hindi pa natin (lahat ng network, walang prangkisa at meron) naaabot ang world class.

"Ang babaw ng pamantayan kung world Class na ang taguri sa mga show na pinroduced abroad (gamit allegedly ang loan na di binayaran daw! Daw ha!) pero same same na kwento.

"Boy meets girl eklavu. Tsk. Hindi world class yun. Magaling lang sa promo, at

"Pinaniniwala kayo na sila ay world class pero same same content At molde.

"Ang world class, kapag itinampok Mo ang kwento, kultura at karanasang Pinoy, pero universal pa rin ang tema, kaya makakarelate ang mga banyaga.

Continue reading below ↓

"For example: Korean ts, at humahabol na ang thailand. Maski naman ang Indian ay may bollywood na talagang ang pagkakakilanlan ay sa kanila.

"E ano ang seryeng pinoy ba na pang world Class pero pinoy na pinoy ang identity? (Note: di porke pinoy ang artista at staff na gumawa ay pinoy na ang identity ng gawa lalo na at napaka western ng pamantayan dito, gaya gaya sa kwentong western, feeling hindi asian).

"Hindi rin po ito ukol lang sa pag Ibig lang ni inday at dodong habang nasa magandang location like abroad. Hanggang diyan pa lang tayo e ‘no? Hanggang sa pang aliw pa lang.

"wala pa tayo roon sa inilalako natin ang kultura’t eksperyensang pinoy sa pndaigdigang market."

Pahaging ni Suzette, maghinay-hinay raw sa pang-alipusta kung "promo" lang ang sinasabing world-class content.

Patuloy ng Kapuso creative writer (published as is):

"Ewan ko sa iba pero at least ang GMA ay walang yabang promo na pa world class kuno kami. Ginagawa lang namin ang kaya naming gawin para magbigay aliw at minsan ay inpormasyon sa aming viewers.

Continue reading below ↓

"mahirap pa kasing gawin ang world domination este pa world class (yung totoong world Class ha, hindi promo) Kinakailangan rin kasi ang napakalaking government support and initiative para maachieve ang totoong world Class. Hindi pwedeng hindi.

"Kailangang magtulungan ang govt at entertainment industry para sa world Class goal. Kaya hinay hinay sa pagda down sa iba at pagyayabang. Malayo pa tayong lahat.”

Para sa Part 3 na Facebook post ni Suzette, nilinaw niyang personal na opinyon niya at hindi opinyon ng GMA station ang kanyang inilabas na saloobin.

Sabay nagparunggit siya uli na dinaan sa hype ang promo ng shows sa kabilang istasyon.

Pagpapatuloy ni Suzette, "Hype lang kasi, na sila ay world class. Inuuto kayo. Naniniwala naman ang iba.

"Pero pansinin na iisa ang molde ng mga show. Bidang breadwinner na mula sa mahirap na pamilya pero masaya sila kahit poor. Chummy family, Brady bunch concept.

"Tapos mame meet ang isang guy o girl na mayaman. Same same. Iba iba lang ang location. Baguio, Manila, Italy, Amerika, Timbukto, tralala.

Continue reading below ↓

"Pero Same kwento. Same problema. Malaki lang ang mga artista. Pero Pwede nga itong isulat na nakapikit. Haha.

"Tapos ipapackage na world class. Feeling ninyo naman na totoo. Mas mahal pa ang cost ng promo at trolls kesa sustansya ng content.

"Diyan magaling. Sa hype. Na sila ang magaling. Sila ang class. Sila ang api at inaapi.

"Di namin kayo niloko kilanman kasi wala kaming trolls. Pag mag trending kami, totoo iyon. Di paulit ulit ang sinasabi, makarami lang ng puntos sa trending."

Ayon kay Suzette, di raw hamak na mas malawak ang tema na tinatalakay sa shows ng GMA.

"Pero uulitin ko: malawak ang tema ng mga kwento at konsepto dito sa aming munting tahanan. May creative freedom.

"Kami lang ang gumagawa ng mga historical serye, lgbt, pwd, indigenous people’s story, at matitinding fantasy series, and yes gumagawa rin kami ng mga kabitan at sampalan at saka mga political serye.

Continue reading below ↓

"Iba iba. Kasi iba iba rin ang taste ng audience.

"Tignan ninyo: nasa kanila na raw ang lahat ng mga sikat at mga walang name daw ang mga artista namin pero natatalo pa namin sa ratings (ang probinsyano lang ang mahirap patumbahin, na nagawa ng Enca at saka yung mga show namin now haha, pero bilib rin ako sa creative team nun).

"Why? Kasi Content is King. Pero wala kaming claim na world class kami kasi alam namin na marami pang dapat gawin at ayusin at babaguhin.

"Ang sinasabi ko lang: hindi po kami ang totoong basura. And yes, may franchise kami. Kasi we pay our taxes... at yun ang totoong may class."

GORGY RULA

Marami pang binubuong programa ang GMA-7. Huwag na sigurong sayangin ni Suzette ang oras at talino niya sa pagsagot at pagre-react sa ganoong kanegahan.

Hindi na ninyo kailangang ipakita ang galing ninyo sa balitaktakan. Mas maraming pagkakaabalahang kapaki-pakinabang.

Continue reading below ↓

Wala iyan sa dapat nating alalahanin.

Ipagdasal na lang natin kung paano natin haharapin ang pinangangambahang “tandem” sa susunod na taon.

Mag-isip na muna tayo ng magagandang bagay. I-enjoy ang mga nakakatuwang panoorin sa TV, nakaka-inspire na programa at awitin sa radyo.

Kung may sariwang hangin pa tayong nalalanghap, namnamin na natin ito, at baka sa mga susunod na araw ay langhap na natin ang dumi ng ibang lahi na tila balak gawing kubeta ang ating bansa. Mag-ingat tayo, maging mapagmatyag.

Tapusin na ang walang kakuwenta-kuwentang talakan!

NOEL FERRER

Mismo! Let our works and outputs speak for us!

Sabi ng ilang kaibigan natin sa media, kung hindi ka naman tinamaan, huwag pag-aksayahan ng panahon.

Parang sa mga blind item na hindi dapat dini-dignify at pinalalaki unless tinukoy ka talaga.

May ilan ding media establishments ang may franchise na hindi lang naman GMA, kaya tunay na may mas malalaki pa tayong concerns sa ating pamumuhay at sa bayan, at hindi tayo dapat ma-stall sa pagpapalitan ng mga salita na di nakakaligaya at nakabubuti.

Continue reading below ↓

Nakausap ko si Direk Andoy Ranay nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 15. Inalam ko ang konteksto ng statement niya.

Iyon ay sagot daw niya sa tanong na: one year after the franchise non-renewal ng ABS-CBN, ano ang pakiramdam niya?

He has no words for Suzette, at mukhang hindi niya pag-aaksayahang sagutin ang mga salita ng GMA writer.

May iniwan lang na pahayag si Andoy kay Jaclyn Jose.

Una nang naiulat na dismayado si Jaclyn nang makarating sa kanya ang balitang may parunggit si Andoy sa isang TV station na may franchise pero "basura" ang content.

Tulad ni Suzette, tingin ni Jaclyn ay GMA ang pinatatamaan ni Andoy.

Maiksi pero malaman ang sagot ni Andoy sa post ni Jaclyn.

Sabi ni Andoy, "Kumare ko si Jane, and she should know me better."

Ang tinukoy ni Andoy na Jane ay si Jaclyn, na ang tunay na pangalan ay Mary Jane Santa Ana Guck.

Continue reading below ↓

Yun lang ang nasabi sa akin ni Direk Andoy na abala ngayon sa kanyang paglilipat-bahay at pamumuhay nang mapayapa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May pahabol na patutsada si GMA-7 creative writer Suzette Doctolero (right) laban kay ABS-CBN director Andoy Ranay (left) dahil sa panlalait umano ng huli sa TV content ng Kapuso network. Sa panig ni Andoy, tanging ang pagkadismaya ni Jaclyn Jose (center) sa kanya ang sinagot nito nang makausap ng PEP Troika.
PHOTO/S: Facebook / @jaclynjose Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results