Kyla, nakunan sa ikatlong pagkakataon

by PEP Troika
Jul 16, 2021
Sa ikatlong pagkakataon ay nakunan muli ang singer na si Kyla. Ibinahagi ni Kyla ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ngayong Biyernes ng umaga, July 16. Si Kyla at ang mister niyang si Rich Alvarez ay may isang anak, si Toby (kanang larawan).
PHOTO/S: @kylaalvarez on Instagram

NOEL FERRER

Bumungad ang malungkot na balita ngayong Biyernes ng umaga, Hulyo 16, ukol sa pagkawala muli ng ipinagbubuntis na baby ni Kyla sa kanyang asawa na si Rich Alvarez.

Ang post ni Kyla sa Instagram: “My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined. Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie. (broken heart emoji)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sadyang nakakalungkot na ikatlo na nito ni Kyla na nakunan.

Buti na lang, may outpouring ng suporta ng mga pamilya at kaibigan nila.

Stay strong, Kyla. Sumasaiyo ang aming dasal at pagmamahal.

JERRY OLEA

Ramdam natin ang pagdadalamhati ni Kyla. Taos-puso tayong nakikiramay, at dumadalangin na manatili siyang matatag sa buhay.

GORGY RULA

Nakaka-sad nga ang ganitong balita.

Pero alam ninyo sa amin sa probinsya, kapag ang babae ay ilang beses nang nakukunan, meron silang kinukuhang hilot. Parang may series iyan na paghilot hanggang sa naging okay na ang isang babae. Ayun! Tuluy-tuloy na ang pagbubuntis.

Hindi ko naman sinasabing gawin yun ni Kyla. Pero minsan, may mga kagawian ang mga matatanda natin sa probinsya na hindi kaya ng mga makabagong teknolohiya.

Bilang nasa pandemya naman tayo, may sapat na oras siguro si Kyla na mag-Google at mag-research kung ano ang magandang gawin para hindi ito mangyari sa kanya ulit. Hindi kasi natin tiyak kung meron bang diperensya sa kanya kaya mahina ang kapit ng baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bata pa sila ni Rich, kaya pwede pang masundan ang anak nilang si Toby. Patuloy lang sa pagdarasal.

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa ikatlong pagkakataon ay nakunan muli ang singer na si Kyla. Ibinahagi ni Kyla ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ngayong Biyernes ng umaga, July 16. Si Kyla at ang mister niyang si Rich Alvarez ay may isang anak, si Toby (kanang larawan).
PHOTO/S: @kylaalvarez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results