Kris Bernal balik sa GMA-7; makikipagtapatan kay Katrina Halili

by PEP Troika
Jul 16, 2021
Sasabak sina Kris Bernal (kaliwa) at Katrina Halili (kanan) sa isang madramang love triangle kasama si Martin del Rosario sa "Asawa at Kabit Sa Isang Bubong" episode ng Magpakailanman. Sino ang magwawagi sa kanila?
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook

JERRY OLEA

Matapos lumabas sa drama series ng TV5 na Ate ng Ate Ko (Nobyembre 2020-Pebrero 2021), nag-guest si Kris Bernal sa Kapuso teleseryeng Owe My Love dahil gusto niyang makita ang bida roon na si Lovi Poe.

Si Kris ay freelancer o walang exclusive network contract sa ngayon.

Mapapanood muli si Kris sa GMA sa bagong episode ng Magpakailanman na "Asawa at Kabit sa Isang Bubong" bukas, Hulyo 17, Sabado ng 8:00 p.m., pagkatapos ng Agimat ng Agila sa GMA-7.

Sa istorya, ang legal wife ay si Marites (Kris Bernal). Ang mistress ay si Lea (Katrina Halili). At ang “mapagmahal” na husband ay si Karlo (Martin del Rosario).

"Tutulo ang inyong mga luha sa kuwentong aming isasadula," sabi ng host na si Mel Tiangco sa teaser ng nasabing episode na nasa Facebook page ng programa.


Continue reading below ↓

Sa paanyaya nina Kris, Martin, at Katrina sa Twitter account ng MPK, ipinagmalaki nilang eksplosibo ang episode na ito.

"May malaking twist na kailangan kayong abangan, na I’m sure, iiyak kayong lahat," pahayag ni Martin.

Saad naman ni Kris patungkol sa kanyang karakter, "Dapat ba akong kaawaan o kainisan? Sino ba ang may tunay na karapatan?"


Continue reading below ↓

Samantala, ire-replay ng Maalaala Mo Kaya? (MMK) ang love story nina Tim (Ejay Falcon) at Namu (Sunny Kim) na sinubok ng pagkakaiba ng personalidad at distansya.

#MMKSaranghae ngayong Sabado, 8:30 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC at A2Z Channel 11.


NOEL FERRER

Oh, so it’s Kris Bernal everywhere. Sana makagawa si Kris ng isang project na talagang tatatak at magiging defining output niya.

Continue reading below ↓

Mahirap maging Kris Bernal. Dahil pangalan pa lang, kailangang maiba ka na sa establisadong kapareho.

May Kris Aquino na mahirap tapatan. May National Artist na Ishmael Bernal, at box-office director na Joyce Bernal pa.

Paano na kaya, Kris?

GORGY RULA

Sa gitna ng paghahanda ni Kris sa kasal nila ni Perry Choi sa September, todo-kayod pa rin siya.

Gusto niya kasing may ginagawa pa rin siya, at kahit magiging misis na siya, gusto pa rin niyang ipagpatuloy ang pag-aartista.

Hawak na ngayon si Kris ni Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit, Inc. Sana nga, mabigyan siya ng magandang project na gusto mo rin para sa kanya, Sir Noel!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sasabak sina Kris Bernal (kaliwa) at Katrina Halili (kanan) sa isang madramang love triangle kasama si Martin del Rosario sa "Asawa at Kabit Sa Isang Bubong" episode ng Magpakailanman. Sino ang magwawagi sa kanila?
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results