The Other Wife, kakaiba sa affair movies na ginawa ni Lovi Poe

by PEP Troika
Jul 16, 2021
Lovi Poe on her latest film, The Other Wife: "This is very different po. Meron pong ginawa yung character ko dun na… may makita po kayong makita na medyo violence po."
PHOTO/S: Viva Films

GORGY RULA

Ngayong Biyernes, Hulyo 16, magsisimula sa Vivamax, KTX, iWant TFC, at iba pang platform ang streaming ng pelikulang The Other Wife.

Ayon sa lead star nitong si Lovi Poe, kakaiba ang The Other Wife sa ibang affair movies na nagawa niya.

Akala raw ng 32-anyos na aktres ay kagaya rin ito ng mga nagawa niyang pelikula, pero ibang-iba raw ito kahit si Joem Bascon uli ang partner niya.

Nagkasama ang dalawa sa Regal Entertainment movie na The Annulment noong 2019.

Ang The Other Wife ay psychological thriller na tumatakbo ang kuwento sa kanilang tatlo nina Joem at Rhen Escaño.

Nasa pandemic ang setting ng kuwento kung saan na-lockdown ang tatlong characters sa isang resort.

“This is very different po. Meron pong ginawa yung character ko dun na… may makita po kayong makita na medyo violence po.

“Kakaiba po yung story niya and I think it’s important po na people watch it, and Rhen did amazing in this film, too.

Continue reading below ↓

Tumatakbo ang istorya sa aming tatlo,” pahayag ni Lovi sa virtual mediacon niya noong Hulyo 11, Linggo.

Nagpapasalamat naman si Joem na si Lovi ulit ang kasama niya sa pelikula. Kumportable na raw siyang makatrabaho ang aktres at gamay na nila ang isa’t isa sa mga maseselang eksena.

Ayon kay Joem, pareho silang nag-mature sa projects na pinagsamahan nila ni Lovi.

“Pa-mature nang pa-mature na yung mga nagawa naming pelikula. Naging support na niya ako, naging best friend, naging villain sa pelikula.

“Siguro nag-mature na kami on and off cam.

“With the maturity comes… yung roles namin sa pelikula na nag-mature na rin kami, when it comes to topics sa ginagawa namin, sa mga scripts, sa mga character na pinu-portray namin,” pahayag ni Joem nang nakatsikahan namin sa DZRH noong Martes, July 13.


Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Kahit wala na sa kalendaryo ang edad ni Lovi, seksing-seksi pa rin.

At lutang na lutang ang kahusayan niya bilang aktres. Kayang-kayang lamunin ni Lovi ang kaeksena kung babanu-bano ito.

Sa panahon ng pandemya, nagsara ang mga sinehan, at streaming ang Pinoy movies sa iba’t ibang platform, at hindi dumadaan sa MTRCB. Mapangahas ang mga aktor, maging ang mga aktres.

Nagpa-boobey si AJ Raval sa launching film niyang Death of A Girlfriend, maging si Sunshine Guimary sa Kaka.

‘Kakapag-init! Nagbuyangyang ng Bermuda triangle si Alexa Miro sa A Girl + A Guy, maging si Cloe Barreto sa Silab.

Nakakapaso! Sa Nerisa na ipapalabas sa Hulyo 30, first time nag-frontal ang Viva Hot Babe na si Sheree. Nasa cast din nito sina Cindy Miranda at AJ Raval.

Andami pang pelikulang Pinoy na pagpipilian ng mga manonood.

Streaming na sa Netflix ang My Amanda, kung saan pa-cute sina Piolo Pascual at Alessandra de Rossi.

Continue reading below ↓

Sa Hulyo 23 ang streaming ng pandemic film na Lockdown sa KTX, Upstream, Rad, at WeTV.

Launching film ito ni Paolo Gumabao na ilang beses nag-hello ang private part. Nakipagsabayan sa kanya sa hubaran sina Sean de Guzman, Neil Suarez, Kristian Allene, Dincent Lujero, at Jeff Carpio.

Pagkatapos ipalabas sa Bucheon International Fantastic Film Festival sa South Korea, mag-i-streaming ang suspense thriller na Tenement 66 sa Hulyo 23 sa iWant TFC, KTX at TFC IPTV. Magiging available din ito sa Pilipinas sa SKY Pay-Per-View at Cignal Cable Pay-Per-View.

Bida rito sina Francis Magundayao, Noel Comia Jr., at Francine Diaz, sa direksyon ni Rae Red.

Sa Hulyo 30, magpapakilig sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos sa Gameboys The Movie. Abangan ang clip ng EliKoy movie na mapapanood mamayang 8:00 p.m. sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Siyempre, excited tayo sa Revirginized ng CuBao/MarRon (Sharon Cuneta at Marco Gumabao), na streaming sa Agosto 6.

Continue reading below ↓

Certified NNPK si Mega! Kaya halina at makihiyaw tayo, “Tagay hanggang mamatay! Tagay habambuhay!”

Sa mga nabitin kina Kim Molina at Jerald Napoles sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam, nariyan ang pelikula nilang Ikaw at Ako at ang Ending na streaming sa Agosto 13 sa Vivamax.

Sa mga mahilig sa kakaibang pelikula at tambalan, abangan ang ZorKak (Zoren Legaspi at Kakai Bautista) sa Miss Q & A, na idinirek ni Lemuel Lorca.

Lights on or light off? Matutunghayan ang trailer nito sa YouTube channel ng Insight 360.

Hintay-hintay rin tayo kung kailan ipapalabas ang A Hard Day (Dingdong Dantes), In The Name of the Mother (Snooky Serna), Ngayon Kaya (Janine Gutierrez at Paulo Avelino), Deception (Claudine Barreto at Mark Anthony Fernandez);

Huling Ulan sa Tag-araw (Rita Daniela at Ken Chan), Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa (Teejay Marquez), Yorme The Musical (Xian Lim), The Housemaid (Kylie Verzosa), Versus (Sunshine Dizon at Gabby Eigenmann), Latay (Allen Dizon at Lovi Poe);

Continue reading below ↓

Mudrasta (Roderick Paulate), Huwag Kang Lalabas (Aiko Melendez, Kim Chiu, at Beauty Gonzalez), ECQ Diary: Bawal Lumabas (Elizabeth Oropesa at Daria Ramirez), Kontrabida (Nora Aunor), My Stepmother’s Lover (Sunshine Cruz at Kiko Estrada), Servando Magdamag (John Lloyd Cruz); Jukebox King: The Life Story of Victor Wood (Martin Escudero), Keys to the Heart (Charo Santos at Joshua Garcia), Kun Maupay Man It Panahon/Whether The Weather is Fine (Charo Santos at Daniel Padilla), Kid Alpha One (Javi Benitez at Sue Ramirez);

Abe-Nida (Allen Dizon at Katrina Halili), Bekis on the Run (Christian Bables at Diego Loyzaga), Kandidato (James Blanco), Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan (Joshua Garcia at Angie Ferro), at marami pang iba.

NOEL FERRER

Kumusta kaya ang returns ng mga pelikula na tulad nitong movie nina Lovi and Joem sa streaming?

Hindi na kaya nila mahintay ang pagbubukas ng sinehan para mas malaki pa rin ang dating nito, kahit hindi pa rin tayo sigurado kung lalabas na ba talaga ang mga tao para manood ng sine?

Continue reading below ↓

Sana lang, encouraging ang maging result nito para mas marami pang projects ang masimulan at mapanood sa gitna ng pandemya.

Sa panahon ngayon, hit or miss ang mga sumusubok maglabas ng bagong pelikula.

Sana, kumita ang producers para tuluy-tuloy sila sa paglikha ng trabaho para sa mga kasamahan natin sa industriya!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe on her latest film, The Other Wife: "This is very different po. Meron pong ginawa yung character ko dun na… may makita po kayong makita na medyo violence po."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results