BB Gandanghari, showbiz na showbiz ang sold-out one-woman U.S. show

by PEP Troika
Jul 18, 2021
BB Gandanghari, sold-out ang unang gabi ng five-day concert series na BB Uncut: Who Killed RP? (The Untold Story of Rustom Padilla) na ginanap sa La Mesa Restaurant and Bar sa Covina, California nitong nakaraang July 17.

JERRY OLEA

Blow by blow ang Facebook coverage ng kaibigan nating Hollywood correspondent na si Bradford “JB” Adkins sa one-woman show na BB UNCUT: Who Killed RP? (The Untold Story of Rustom Padilla).

BB Gandanghari

Ginanap ang red-carpet event nitong Hulyo 17, Sabado, 6:30 pm, sa La Mesa Restaurant & Bar, Covina California. Bale Linggo na ito sa Manila time.

Continue reading below ↓

Pasabog ang entrance ni BB na naka-see through black gown, may malaking korona, hawak ang isang urn.

Bb Gandanghari

Pumapailanlang ang isang requiem habang naka-flash sa screens ang litrato ni Rustom Padilla, nakasulat ang “In Memoriam 1967-2008.”

From the bottom of her heart, nagpasalamat si BB sa mga kaibigang sumuporta sa kanya sa kanyang palabas.

Continue reading below ↓

Isinalaysay ni BB na na-trauma siya nang gulpihin siya ng kanyang ama noong three years old siya sa harap ng mga kapamilya, matapos siyang mahuli na nakadamit-pambabae at naglalaro ng mga manika.

Pinatunayan ni BB ang pagiging versatile performer.

Madamdaming inawit ni BB ang "Hanggang" ni Wency Cornejo.

Bale apat ang kanta ni BB. Pangalawa ang "Huwag Kang Mangako" ni Kuh Ledesma, na ni-revive ni Donna Cruz sa album niyang Kurot sa Puso (1992), maging ni Lovi Poe para sa teleseryeng Akin Pa Rin Ang Bukas (2013).

Ipinalabas din ang September 2020 video ni Boy Abunda na nagsalita ukol sa mga dating YouTube vlogs ni BB on “David” at “Jonathan,” na hindi pinangalanan pero iniugnay sa isang sikat na aktor.

Binanggit sa nasabing video ni Tito Boy ang pangalan ng sikat na aktor, at tanging ang aktor lang daw ang makapagsasabi kung may kaugnayan nga siya sa mga kuwento ni BB.

Continue reading below ↓

Sinabi rin sa video na hindi nangangahulugang gay ang isang guy na nag-spend ng weekend sa San Francisco kasama ang isa pang guy.

Samantala, surreal ang duet ni BB with Rustom ng kantang "Kahit Isang Saglit," ani Bradford.

Videotaped noong Hunyo 26, 2008 ang pag-awit ni Rustom ng “Kahit Isang Saglit,” ang tanging awit na alam niya noon.

Ang original song ay kinanta ni Martin Nievera, na kinukunsidera itong pinakamalungkot na awit kaya madalas kantahin sa patay.

May bersiyon rin si Piolo Pascual, at naging theme song ng 2000 film of the same title na pinagbidahan niya at ni Judy Ann Santos.

Ang finale song ni BB ay "My Way."

NOEL FERRER

Parang isang alaalang hindi talaga makalimutan ni BB si ”Jonathan” at pilit na binabalik-balikan—sa isang paid and public event pa talaga ngayon.

For what and for whom? Iyan ang palagi kong itinatanong kung merong isang pangyayari sa buhay. Ito kasi ang mga tanong na nagpapalinaw ng ating mga intensiyon at motibo kapag ginagawa ang isang bagay.

Continue reading below ↓

Hindi ko pa rin lubusang nauunawaan kung bakit ito ginagawa ni BB.

At sa gitna ng pandemyang kinahaharap natin globally, bakit ngayon pa nga?

GORGY RULA

Bukod sa pinagkakitaan na ito ni BB Gandanghari sa kanyang YouTube channel, sa isang live performance naman ngayon na pumatok sa mga kababayan natin sa Amerika.

Parang sinadya mong manood hindi para mag-enjoy sa magandang performance o makinig ng magagandang awitin kundi kumpirmahin lang ang isang matagal nang pinagpipiyestahang tsismis.

Sabi ng isa pang kaibigang si Oliver Carnay na nanood din sa naturang show, marami ang hindi nakapasok dahil limitado lang ang pinapapasok, at hindi kalakihan ang venue.

Mukhang sabik na talaga ang mga taong manood ng mga live performance kaya sold-out itong unang gabi ng show ni BB Gandanghari!

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari, sold-out ang unang gabi ng five-day concert series na BB Uncut: Who Killed RP? (The Untold Story of Rustom Padilla) na ginanap sa La Mesa Restaurant and Bar sa Covina, California nitong nakaraang July 17.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results