Kelley Day, agaw-pansin sa The World Between Us

by PEP Troika
Jul 18, 2021
Beauty queen/Kapuso actress Kelley Day, very positive ang feedback mula sa viewers ng The World Between Us dahil sa kanyang mahusay na pag-arte at sa good onscreen chemistry nila ni Alden Richards.

GORGY RULA

Nasilip ko sa ilang group chats ng mga sumusubaybay sa GMA shows ang pag-uusap nila tungkol sa The World Between Us, at isa raw sa napansin nila ay ang Miss Eco International 2020 1st runner-up na si Kelley Day.

Si Kelley ang gumaganap bilang si Audrey Villacer, ang classmate ni Louie (Alden Richards) na may gusto sa binata. Siya ang pinagseselosan ni Lia (Jasmine Curtis-Smith).

Kelley Day

Continue reading below ↓

Very positive ang feedback kay Kelley, at ang ganda pa niya sa seryeng iyon.

Aminado si Kelley na sobrang kabado siya sa taping nito, pero si Alden at iba pang cast, at production staff ang talagang tumutulong daw sa kanya para maging kumportable siya tuwing nagti-take siya, lalo na kapag kaeksena si Alden.

“To be honest, nung una, sobra po akong kinabahan sa scenes ko with Alden because siyempre as an actor he's talented, experienced, and well respected in the industry.

“I was worried that I wasn't worthy enough to act alongside him, since limited ang acting experience ko. But whenever I expressed my nerves/worries sa kanya, super comforting siya sa akin by telling me I'm doing well, and giving me lots of advice tungkol sa craft namin.

“Same po with the rest of the entire cast. Kahit hindi kami magkasama sa eksena, we are sometimes able to watch each other’s performances and give each other constructive feedback.

Continue reading below ↓

“So I'm really lucky to have learned so much here from these amazing actors,” text ni Kelley sa PEP Troika nitong nakaraang Biyernes ng gabi, July 16.

Pero ang isa pang inamin sa amin ni Kelley, nakadagdag din ng nerbiyos sa kanya kapag kaeksena si Alden dahil crush pala niya ang Kapuso actor.

Nahihiya pa siyang sabihin dahil medyo crush lang daw at baka mag-react pa ang fans.

“There is no doubt that Alden has a very lovable personality! He is such a pleasure to be around, at talagang cute ang dimple niya. Hahaha!

“Admittedly… siyempre po may konting crush ako sa kanya. I mean, sino ba ang hindi? Kasi, nakaka-starstruck talaga siya! Pero more than anything, I really look up to him as a mentor sa craft namin, and nagpo-focus po talaga ako sa career ko ngayon,” dagdag na text ni Kelley sa amin.

Ngayong linggo ay mas madrama ang mga tagpong mapapanood sa The World Between Us.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sana makatulong si Kelley Day sa pag-angat ng ratings ng The World Between Us.

Kilala naman bilang mahusay na aktres si Jasmine, baka lang kailangan ng mas magpapainit pa sa conflcit ng primetime teleserye.

Or baka si Kelley ba ang magsisilbing hinga o magbibigay ng “lightness” at tuwa sa gitna ng drama?

Hindi rin kasi maispeling ang gusto ng audience ngayon—kung umaatikabong drama ba o light-lightan lang tulad ng First Yaya.

Muli, sana makatulong si Kelley sa pagkiliti ng isipan ng mga tao para tumutok sa primetime teleserye ng GMA.

JERRY OLEA

Agaw-eksena ang pagkokontrabida ng beauty queens na sina Maxine Medina, Winwyn Marquez at Michelle Dee sa Kapuso programs na First Yaya, Owe My Love at Agimat ng Agila, respectively.

Sa The World Between Us (TWBU), bubog naman si Audrey sa blossoming romance nina Louie at Lia.

Napaka-refreshing ng 24-anyos na beauty queen na si Kelley sa TWBU. May spark sa pagitan nila ng 29-anyos na si Alden.

Continue reading below ↓

Mahusay ang 27-anyos na si Jasmine, pero wala pa akong maramdamang kilig sa pagitan nila ni Alden.

Ang istorya ng TWBU ay inspired ng Wuthering Heights, nobela ni Emily Bronte na nalathala noong 1847.

Ito rin ang source material ng pelikulang Hihintayin Kita Sa Langit (1991) nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, maging ng Kapamilya teleseryeng Walang Hanggan (2012) nina Coco Martin at Julia Montes.

Take note, si Emily Bronte ang nobelista. Sa Walang Hanggan ay gumanap si Dawn bilang Emilia "Emily" Cardenas-Guidotti aka Emily Cardenas-Montenegro. Sa TWBU, gumaganap si Jasmine bilang Emilia “Lia” Libradilla.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty queen/Kapuso actress Kelley Day, very positive ang feedback mula sa viewers ng The World Between Us dahil sa kanyang mahusay na pag-arte at sa good onscreen chemistry nila ni Alden Richards.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results