Picasso painting ng kilalang movie personality, makabagbag-damdamin ang kuwento

by PEP Troika
Jul 18, 2021
Medyo nag-fade ang bahagi ng genuine Picasso painting na ito na nagkakahalaga ng mahigit US$35M dahil muntik na itong maanod ng tsunami sa Japan.
PHOTO/S: courtesy of Gorgy Rula

GORGY RULA

Meron palang isang napakamahal na original painting ni Pablo Picasso na pagmamay-ari ng isang kilalang movie personality.

Sa ilang taga-showbiz, kilala na nila kung sino ito dahil nakikita nila ang painting na ito sa kanyang opisina.

Pero wala silang ideya kung gaano ito kamahal, at ang kuwento kung kanino at paano nabili ng movie personality ang naturang painting.

Ayaw banggitin ni movie personality kung magkano niya nabili ang Picasso painting, basta mahal daw ang pagkabili niya.

Ayon kay movie personality, interesting ang kuwento sa likod ng painting na ito.

Sa Japan ito nanggaling na dating pag-aari ng isang Pinay na may asawang Japanese.

Sobrang iningatan ito ng Pinay na may-ari na nung inabot ang lugar nila ng napakalaking tsunami noong taong 2011, itong painting kaagad ang una niyang iniligtas.

Mas dito siya naka-focus na gusto niyang isalba. Hawak-hawak niya ito na inilagay sa isang mataas na bahagi ng bahay para hindi tangayin ng malakas na alon o kahit mabasa man lang.

Continue reading below ↓

Hindi na niya napansin na tinangay na pala ng malakas na alon ang dalawa niyang anak. Ang asawa niyang Hapon, nakuryente at namatay.

Siya lang ang naiwan at itong painting ni Picasso. Dala-dala nitong Pinay ang guilt at matinding trauma, lalo na’t wala na ang mga mahal niya sa buhay.

Hirap na hirap siyang malagpasan ang matinding kalungkutan at hindi makapag-move on tuwing nakikita ang painting na iyon. Kaya sa tulong ng mga kaibigang Pinoy roon, ibinenta niya ang painting, at itong si movie personality ang nakabili.

Nabili raw ni movie personality ang painting noong 2016.

Pagkalipas ng ilang taon, may lumapit daw kay movie personality para ipaalam na merong interesadong bilhin ang naturang painting.

Isang grupo ng mga Chinese daw ang talagang nagsadya rito para ipa-authenticate ang Pablo Picasso painting.

Doon lang daw niya nalamang mas mahal daw ang isang painting kapag marami nang tatak ng auction.

Dumaan na raw ito sa ilang auctions, at doon lang daw niya nalamang nakikita pala ito sa bandang likuran ng painting.

Continue reading below ↓

Malaki raw ang nagastos ng grupong iyon para ipa-authenticate lang ang naturang painting.

Nasa China na raw ang authentication nito, at totoong original painting ito ni Pablo Picasso.

Kaya may nag-aalok na raw sa kanyang bilhin ang naturang painting.

Sabi ni movie personality, umabot na raw sa US$35M ang offer sa painting na iyon.

Puwede pa raw kasing maibenta ito hanggang US$60M.

Mukhang nakumbinse na siyang ibenta ito, pero gusto raw muna niyang isapelikula ang kuwento sa likod ng painting na ito, at kung paano niya nabili.

May kinausap na siyang writer at direktor para gawin ang kuwento, at may naisip na raw siyang mga artistang gaganap.

Willing daw siyang mag-shoot sa Japan, lalo na kung malaking halaga naman ang benta niya sa painting na ito ni Pablo Picasso.

NOEL FERRER

Suwerte ngang matatawag ang napala ng movie personality na ito.

Sana matuloy ang pelikulang binabalak niya tungkol sa pagkaka-acquire niya sa painting.

Continue reading below ↓

At parang si Larry Alcala, aabangan ko rin siya sa pelikula dahil lagi siyang may cameo rito.

Ngayon, naiiintindihan ko na kung bakit gusto siyang kaibiganin ni Nay Lolit Solis. In fairness, mabait ang personalidad na ito. Go lang siya nang go!!!

JERRY OLEA

Kung mabenta ang Picasso painting sa halagang US$35M o higit pa, darami lalo ang mga kaibigan at kamag-anak ng movie personality.

Baka mag-multiply ang mga iyon na gaya ng gremlins na nawisikan ng tubig. Puwede bang ipa-authenticate din niya ang mga ito? Go! Go! Go!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Medyo nag-fade ang bahagi ng genuine Picasso painting na ito na nagkakahalaga ng mahigit US$35M dahil muntik na itong maanod ng tsunami sa Japan.
PHOTO/S: courtesy of Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results